“Guys! Tara sa quadrangle may nangyari doon!” humahangos na sabi ni Faith. Napatayo kami nila Kye at Lixy.
When we reached the area, nadatnan naman ang isang babaeng naka-handusay sa sahig. Blood was flowing from her head. On the same spot where most of the suicide victims chose to jump. A new one jumped again.
“Sino siya?” I trembled.
“Yanah-- freshman pa naman 'yan, first runner up sa Miss Morris University,” Faith answered.
“Everyone! Go back to your classes now!” utos ng isang professor namin. “Clear up this place! The police will conduct their investigation.”
Nagsi-alisan ang ibang mga students. Pero nagpa-iwan muna kami just to look closer. Maya-maya pinaalis na rin kami ng dean.
We decided to sit in one of the benches. Kye dialed agent Dawson's number. Sinabi n'ya sa kanya ang mga nangyari.
This is so devastating. Hindi pa nga namin nasosolve ang ibang cases, may bago na naman.
“Sabi ni agent Dawson-- we need to gather information about Yanah, 'yung base lang daw sa mga sabi-sabi,” Kye sat down. “Siya na raw ang bahala sa legit information sa new victim.”
“Ano 'to? Nagsisimula pa lang tayo sa investigation, tapos may bago na naman?” Faith sighed.
“We need to go deeper on this, we have to look for common denominator about this suicide cases,” I fixed my eyeglasses. “Have you noticed, that most of the victims, are winners of Ms. Morris University.”
Napatingin silang dalawa sa'kin. I know that there's something behind that pageant. At kung ano man 'yun, we need to know the truth.
“I have a plan Sydney--” Kye stood. “Pasukin natin ang mga offices, ng mga suspects na ibinigay sa'tin ni agent Dawson.”
“What? It's so dangerous? Paano 'pag nahuli tayo?” I gaped.
“Tama si Ms. Sydney-- napaka-delikado nito, wala bang ibang option?” napakamot ng ulo si Faith.
“Meron pa-- let's hack any accounts of our suspects, baka may makuha tayong lead doon,” Kye crossed his arms walking.
“Better! So kelan tayo magsisimula?” I asked.
“Bukas! Sa bahay ulit, at kapag wala tayong napala, back to plan A tayo,” Kye massaged his head. “Ang pasukin ang mga office nila.”
Tama si Kye, wala kaming mapapala kung hindi kami kikilos. We have to try all the possible ways, to solve this case. Kasi kung iaasa lang namin sa mga police, matatagalan lang 'to. At marami pang magiging new victim.
“Hey guys! You look so serious! What are you talking huh?” someone asked. Sabay kaming napalingon. Kinabahan din ako dahil baka narinig nito ang usapan namin.
“Hmm... Ikaw pala Lix!” pinilit ngumiti ni Faith. “Pinag-uusapan lang namin ang new suicide case.”
“You know what-- I don't know if I could sleep well later,” humawak si Lixy sa braso ko. “I'm so afraid about this na, mabait naman 'yang si Yanah eh, I don't believe she's capable of doing that.”
“Wala ka bang alam na dahilan, para gawin n'ya 'to?” I asked.
“Actually wala eh-- we talked last three days ago, and she was fine, excited pa nga siya para sa new modeling job n'ya eh,” Lixy answered. “Thankful pa nga siya kay sir De Vera, kasi siya ang nag-recommend sa kanya sa modeling agency.”
Nagkatitigan kami nila Kye at Faith nang makahulugan. Si sir De Vera, he's one of the suspects. I guess this information from Lixy, would be a great start. Siya ang uunahin naming imbestigahan.
BINABASA MO ANG
Hues and Lies
Mystery / Thriller{COMPLETED} "I got betrayed while my heart was so pure, and I'll never forget that." 🎨 Sydney believes that trust can be given to anyone kind to her. As a rich and popular girl, she has everything she wants. Her life is a dream of many. Until one d...