🎨5: Deeper

74 9 4
                                    

"Cindy maghanap pa tayo ng mas maraming old school papers, way back five years ago ha," Faith turned the page of the school paper she's reading.

Nasa library kami, sinisimulan ang paghahanap ng sagot regarding suicide incidents.

"Bakit five years ago?" I tapped the back of my head.

"Dahil five years ago, nagsimula ang mga suicide incidents dito," pabulong nitong sabi.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang bigla akong natakot. Tumango ako sa kanya and I started to look for school papers published five years ago. Nakakuha ako ng tatlo, kaya bumalik agad ako sa table namin.

"Faith tatlo lang ang nahanap ko eh, parang pakiramdam ko itinago yung iba," I gulped.

"Ganun na nga, feeling ko pinagtatakpan din to ng university eh, sige- magbasa ka na lang ng any articles about sa suicide incidents," nanliit ang mga mata ni Faith. She's really eager to know the truth.

Natigil ako sa pagbabasa ng makita ko ang isang article. "Faith, basahin mo to," bahagyang nanginig ang kamay ko habang inaabot ko sa kanya ang school paper.

"A suicide incident that started five years ago happened again," napabuntong-hininga si Faith habang nagbabasa. "There were already nine girls who jumped at the same spot, for unknown reasons, the cases remained mystery all throughout this year."

"Sabi diyan Faith, nagsimula ang suicide incident sa isang Divina Sy, half Chinese, half Filipina," may halong takot na sabi ko. "Notice mo ba? Halos lahat ng nagsuicide, maganda na cute?"

"Oo nga eh, nakakapagtaka naman, isipin mo nine na suicide incidents na ang naganap dito, pero sinasabi nila na unknown ang reasons," Faith shook her head. "Wait, ito oh' sabi nila yung common observation daw sa mga nagsuicide the day bago sila tumalon ay," Faith covered her mouth.

"Nakatulala sila sa room natin sa Contempo habang umiiyak," I catched my breath. "Pero bakit yung isa na si Rosy Sandoval, doon mismo siya nagbigti sa contempo na room?"

"Si Rosy- best friend ko siya, dito siya nag-aral ng first year college, then second sem pa lang, nagpakamatay na siya," she almost cried that's why I tapped her shoulder.

"Hahanapin natin ang sagot sa mystery na ito Faith, promise tutulungan kita," I tried to comfort her.

"S-salamat, pero sure ka ba? Eh' wala ka namang makukuha dito," nakakunot ang mukha nito.

"Gusto kitang tulungan at balang araw, maiintindihan mo din kung bakit?" I bent down my head. "Oo nga pala, kelan nagsimula si sir Wilson ng pagtuturo dito?"

"Bakit? Di ko din alam eh, pero saglit maghahanap ako ng faculty records," she stood. Tumayo din ako at sinubukan kong hanapin ang year book nila daddy. Sila ang third pioneers ng Morris University.

Nahirapan akong maghanap nito pero after almost 10 minutes, nahanap ko din. Good thing wala kaming klase ni Faith.

Inisa-isa ko ang mga pictures nila at nakita ko ang college graduation photos nila daddy, tito Orlando, ninong Conrad, at tita Helena.

Bakit wala dito si Hector? Hindi siya nakagraduate? Kasi sa photo album sa bahay, magkakasama sila eh, at alam kong dito ang background ng picture na yun. Nakakapagduda na talaga.

Hues and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon