🎨28: Race

34 7 12
                                    

MAHIGPIT na yakap, ito ang salubong sa'kin ni Lixy. Napahagulgol pa ito habang nagsasalita at halos hindi na namin siya maintindihan. All I know is, she's just showing her gratitude towards us.

"Lix— tama na, we're safe naman," hinawakan ko siya sa dalawang balikat niya at sinubukang pakalmahin.

"But you almost got killed because of me," she sniffed wiping her tears.

"Hay naku Lix— enough about that, let's just move forward," nakangiting sabi ni Kye.

Tumango naman si Lixy at pinahid ang mga luha nito.  Isa-isa rin niyang niyakap sina Kye at Faith bilang tanda ng pasasalamat.

God is really great, He gave me this kind of people. At higit sa lahat, I am grateful dahil iniligtas n'ya kami sa bingit ng kamatayan.

"Mananghalian na lang kaya tayo, nagugutom na ako eh," reklamo ni Faith.

Napatawa na lang kami sa sinabi nito. Pagkain kasi talaga ang priority niya. Later on I realized that, there's someone missing. Bakit hindi pa rin siya nagpapakita simula kaninang umaga?

"Si Caden nga pala, nakita niyo ba?" may pag-aalala kong tanong.

Napayuko si Lixy sabay buntong-hininga. Ramdam ko na tila may hindi pa siya sinasabi sa'min. Parang bigla tuloy bumigat ang pakiramdam ko.

"I talked to him earlier, he said that he needs space, nahihiya raw siya sa'tin dahil sa ginawa ng tito n'ya," Lixy massage her head.

Bigla ako nanghina sa narinig ko. Wala naman siyang kasalanan sa ginawa ng tito n'ya. But I understand him, I think he needs that space he's asking for. Pero sana lang, h'wag niya kaming itulak palayo sa kanya dahil kahit kailan, hinding-hindi namin siya iiwan bilang mga kaibigan n'ya.

Tahimik lang kaming kumain ng tanghalian. Hindi na namin pinag-usapan pa ang tungkol sa nangyari o ang pag-iwas na ginagawa ni Caden sa'min ngayon. Hindi namin napansin na kami na pala ang center of attraction sa buong cafeteria. Lahat halos ng students nagbubulungan. I'm sure the news was scattered everywhere about what happened to our Dean and ma'am Naomi.

"Ayos ka lang Cindy?" tanong ni Faith. She even held me in my right hand. Naramdaman niya siguro ang pagkabalisa ko.

Tumango na lang ako at saka ipinagpatuloy ang pagkain. Pinilit kong kumain dahil alam kong kakailanganin ko 'to, sa pag-alam ng katotohanan.

"OMG! Diba si Shay Morris 'yan? Ang gwapo niya!" rinig ko ang malakas na tili ng mga babaeng estudyante. Pero ang ikinagulat ko ay ang binabanggit nilang pangalan.

"Shay?" pabulong kong sabi.

Anong ginagawa niya rito? Hindi ba siya nag-iisip na posibleng mapahamak siya. Ano ba ang naisip ng pinsan kong 'to and of all places, dito pa siya sa university namin pumunta.

"Cindy? Something wrong? Do you know him?" Lixy asked.

Napayuko ako at inayos ang suot kung salamin. Hindi ako pwedeng mapansin ni Shay at baka malaman ng lahat kung sino talaga ako.

"Ah—  oo kilala ko siya, diba siya 'yung pinsan ni Sydney Morris?" pinilit kong ngumiti.

"Why is he here?" nakakunot-noo na tanong ni Lixy.

I shrugged my shoulders calming myself. Yung pakiramdam ko na kailangan kong magtago pero hindi ko alam kung paano.

"Hey! Adriel Kye, is that you?" rinig ko ang boses ni Shay. Oo nga pala, magkakilala sila ni Kye.

This couldn't be, sana lang hindi niya mahalata kung sino talaga ako.

"Y-Yes bro, kumusta?" napatayo si Kye. Napasulyap pa ito sa'kin bago niya hinarap si Shay. Parang hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.

Hues and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon