Nasa loob ako ng girls comfort room, fixing my disguise. Sobrang hirap talaga panindigan ang pagpapanggap na ito. Once in a while, I had to check if maayos pa ba ang disguise ko.
"Girls- any info about the suicide incident yesterday?" I heard a familiar voice outside. Nasa loob kasi ako ng cubicle.
"Umm.. based on what I heard, baka daw buntis at nahihiya lang umamin kaya tumalon," sabat ng isa.
"Gosh! Diba ex ni Aaron yun? Baka siya yung ama?" dagdag ng isa. "Nakakaloka, diba best friend mo si Lixy, ang dahilan bakit nakipagbreak si Aaron kay Grace?"
"Come on girls, Lixy is not my best friend, I'm just using her, as of now," she guffawed.
"OMG Ruby huh, akala ko super frienny kayo eh," the other one laughed.
Ruby is such a fake friend. Bakit may mga kagaya niya?
"That bitch? No way!" sagot ni Ruby na may tonong nang-iinsulto. "How I wish that when Aaron breaks up with her, siya naman ang tumalon sa building."
Grabe tong babaeng to, napakasama ng ugali. Fake talaga, parehong-pareho sila ni Chesca at Dame.
Nang hindi ko marinig ang boses nila, mabilis akong lumabas at humarap sa salamin. Kung titingnan, sino nga ba ang makapagsasabi na ako si Sydney Morris? Wala, salamat sa cosmetics.
On the other side, nakakaawa si Lixy. I remembered myself with her before. Akala ko tunay na kaibigan si Dame, pero sinaksak niya ako patalikod. Ganun din si Chesca, siniraan niya ako nang ilang beses.
Pinakaworst pa dun, ay ginamit niya lang ako para makuha ang gusto niya.
"I'm just using Sydney to be closed with her cousin Shay," Chesca said. I overheard her speaking with her elite friends.
Such a user friend, ang masama pa dito ay sila na ngayon ni Shay. Hindi ko na nasabi ang lahat sa kanya, dahil sa mga treats sa buhay namin.
Pinagkalat pa niya sa buong campus na kaya ako magtatransfer, kasi buntis daw ako. Speaking of buntis, ang nagsuicide kaya totoong buntis? Kinilabutan ako bigla, kaya mabilis akong lumabas sa comfort room.
Naglalakad ako nang mapansin ko ang grupo ng freshmen na may pinagkakatuwaan. I saw them scattering garbages. But take note, sinasadya nila ito, kasi naglilinis ang isang matandang janitor.
Saktong nakita ko si sir Wilson kaya sinumbong ko sila. Ayon nagsi-alisan sila.
"Salamat po sir," I smiled.
"No problem, napakabait mong bata," he smiled too. "Sige, I have to go now my klase pa ako."
Nang makaalis na si sir Wilson nilapitan ko ang matanda. Nagulat ako ng makita siya nang malapitan.
"Ining maraming salamat ha," pinilit nitong ngumiti kahit halatang halata na ang pagod sa mukha nito.
Gusto ko siyang yakapin, pero hindi pa pwede. Matagal ko na siyang hinahanap, nandito lang pala siya.
"Wala pong anuman, ako po si Syd, Cindy po," nauutal talaga ako sa name.
"Ako si Thomas, pasensya ka na naabala pa kita," naupo siya sa bench at tila pagod talaga ito.
Siya si Mr. Thomas, tiyuhin ni mommy at siya na din ang nagpalaki at nag-alaga sa kanya.
Nagtatrabaho siya dati sa bahay namin sa city bilang gardener, pero when my mom died bigla na lang siyang nawala. Gladly, I found him now.
BINABASA MO ANG
Hues and Lies
Mystère / Thriller{COMPLETED} "I got betrayed while my heart was so pure, and I'll never forget that." 🎨 Sydney believes that trust can be given to anyone kind to her. As a rich and popular girl, she has everything she wants. Her life is a dream of many. Until one d...