Kabanata 9
Guitar
--
"Type my friend?" iyon agad ang bungad ni Jayden sa akin pagkalapit niya.
Kumunot ang noo ko at hindi pa muna naintindihan ang sinabi niya. Ako ba ang kausap nito?
"What?"
"Sulyap ka nang sulyap kanina sa table namin, ah? Sumusulyap ka kay Harry?" he said, smirking.
The hell? Ano na naman bang pinagsasasabi nito?
"Pwede ba? Wala akong panahon para makipag away na naman sayo," sabi ko at lalagpasan na sana siya.
"He lent you an umbrella, didn't he? Kailan ka niya pinahiram?"
Natigil ako at nilingon ulit siya. Nakakunot pa rin ang noo ko.
"Kailan ka niya pinahiram?" tanong niya nang hindi ako sumagot.
"Bakit kailangan mo pang malaman 'yon?"
"So there's already something going on between you two, huh? Simpleng tanong lang hindi mo masagot sagot," he's still smirking but I can sense his irritation. Pero para saan naman ang iritasyon niya?
"Ano bang pinagsasasabi mo?" hinarap ko na siya ngayon.
"That there is something going on between you and Harry. Pinahiram ka niya ng payong."
"Pinahiram niya lang ako ng payong."
"And then? Kayo na?"
"What?" hindi ko siya maintindihan!
"I'm just asking kung kayo na ba. Bakit ba napaka simpleng tanong lang, hindi mo pa masagot?" he smirked.
Humalukipkip ako. Nayayabangan ako sa lalaking 'to. Unang araw ko palang dito sa school na 'to nabubwisit na ako sa kanya.
"I don't know what you're saying pero hindi kami ni Harry. Pinahiram niya lang ako ng payong no'ng isang linggo dahil umuulan at wala akong magamit."
I don’t know why I’m explaining!
"Really? Bakit sulyap ka nang sulyap sa amin kanina, kung gano'n? Tinitignan mo si Harry. You like him, huh?"
What the hell? I didn't even look at Harry kanina! Sa kanya ako nakatingin! What the hell is this man talking about? Anong problema niya?
Sasagot na sana ako pero hindi natuloy nang may biglang tumawag sa kanya.
"Babe!" I heard Angel's voice, lumabas na pala siya sa cr.
I sighed heavily and looked at Jayden. Tumingin siya sa girlfriend niya na nasa likuran ko at pagkatapos sa akin. Nakangisi pa rin siya. Matalim ko siyang tinitigan.
"Why are you here?" sinalubong siya ng isang halik sa pisngi ni Angel.
Nag iwas agad ako ng tingin. Angel smiled as she looked at Jayden but when she saw that her boyfriend's attention wasn't on her, napatingin siya sa akin.
Hindi ko na hinintay na mamukhaan niya pa ako. I turned my back on them and left without saying anything. I don't care if it's kinda rude for Jayden pero wala naman siyang ibang ginawa kundi awayin ako so this is what he gets! At nando'n na ang girlfriend niya. Baka mamaya ako naman ang awayin ng babaeng 'yon. Tss!
I sighed heavily when the wind blown my hair. Pinatong ko ang dalawang braso ko sa barandilya ng rooftop at tinignan ang mga estudyanteng naglalakad sa ibaba. Most of them were laughing with their friends, some are with their boyfriends and girlfriends, while the others are alone.
BINABASA MO ANG
A Reason to Believe (Agravante Series #5)
Romance[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked about her life every single day. She hates being the center of attention. That is why she chose to lea...