Kabanata 5
Motor
--
"May kasalanan ka pa sa akin, kung nakakalimutan mo?" Jayden said that playfully but the irritation was still there.
Gusto kong matawa sa sobrang iritasyon din. Kasalanan? Baka siya ang may kasalanan sa akin?
"Anong kasalanan ang sinasabi mo? Bitiwan mo nga ako. Wala akong panahon dito," sabi ko pero ayaw niya pa rin akong bitawan!
I glared at him. He smirked. "Why running away now? Are you scared?"
"Scared of what?" matapang kong tanong.
"I gave you a towel yesterday but you just threw it away. Tinutulungan na nga kita pero parang ikaw pa ang galit."
I laughed sarcastically. "Sinong matutuwa sa isang kagaya mong unang araw ko palang binubwisit na ako?"
Seryoso lang siya habang nakikinig sa akin.
"Baka nakakalimutan mo ring ikaw ang nauna dito? Alam mong may tao sa waiting shed pero dumaan ka talaga sa tubig at tinalansikan ako!"
"Hindi ko sinasadya 'yon. At nagsorry na ako sayo kaya bakit kailangan mo pang gawin 'yon?"
"Gawin ang alin? Itapon ang towel mo sa maruming tubig? Bakit? Hiyang hiya ka ba sa mga kaibigan mo na nakakita no'n? Napahiya ba kita? Aww. Sorry, ah?" pangungutya ko at ngumisi.
Mas lalo ko lang naramdaman na naiirita na siya. Matalim ko siyang tinitigan.
"At nagsorry? Talaga? You don't even look sincere in your apology. Kahit no'ng tinamaan mo ako ng shuttlecock walang kwenta ang pagso-sorry mo!"
"You know what? I'm just wasting my time here," he said.
"Well, you're just wasting my time, too. In the first place bakit mo pa kasi ako pinigilang umalis ngayon dito at komprontahin ng ganito? Do you want me to say sorry to you? For what? For what I did yesterday? E, deserve mo naman 'yon!" hindi ko na napigilan.
He let go of my arm and was about to speak in return for what I said but...
"Jayden," a serious and cold voice stopped the two of us.
Nilingon 'yon ni Jayden. Matalim pa ang titig ko sa kanya at mabilis ang paghinga nang nilingon din ang pamilyar na boses. I saw the man I bumped into yesterday. Sa pagmamadali ko kahapon dahil late na ay nabunggo ko siya at natapon ang mga libro namin. I remember, member nga din pala siya ng Hero.
The man looked at me. Nagkatinginan kaming dalawa nang ilang sandali bago niya binalik ang mga mata niya kay Jayden na nasa harapan ko pa rin.
"Hinahanap ka nila Ford, ang tagal mo raw. They texted me na nasa canteen ka kaya dinaanan na kita rito para sabay na tayong umakyat sa building," he said then his eyes went back to me.
Huminga ako nang malalim at isa pang matalim na titig kay Jayden na nakatingin na rin sa akin ngayon bago ako naglakad paalis doon. Nilagpasan ko si Jayden at nilagpasan ko rin 'yong lalaki dala ang tubig na binili ko.
Wala akong panahon para makinig sa kanila at mas lalong hindi ako papayag na maunang umalis ang Jayden na 'yon kesa sa akin!
Parehong nakasunod ang mga mata nilang dalawa sa akin hanggang sa makalabas ako. At nang nakalabas ay doon ko binuga ang malalim na hiningang may kasamang iritasyon!
BINABASA MO ANG
A Reason to Believe (Agravante Series #5)
Romance[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked about her life every single day. She hates being the center of attention. That is why she chose to lea...