KABANATA 35

308 12 10
                                    

Kabanata 35

Song

--

Lorie:

I'm home.

Nagpalit lang ako ng mas komportableng damit sa condo ko bago lumabas para mag grocery. Wala na akong bodyguards ngayon. O meron pa siguro, nagtatago lang.

Harry:

I'm home too. Mag g-gym ako. Are you in the grocery store yet?

Lorie:

Yup.

Tinago ang phone ko at nagpatuloy na sa pagpili ng mga kailangan ko para sa condo.

Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya! Nakakainis siya!

Ang dali dali niyang nali-link sa iba't ibang babae tapos pagdating sa akin, ayaw niya?

Sabagay! Sakit nga naman sa ulo ang mga rumors na 'yan! Ayaw niya akong ma-link sa kanya dahil hindi niya naman ako girlfriend!

Unknown Number:

Let's meet up. This is Jayden.

Nasa opisina ako ng nabasa ang mensahe na 'yon na galing daw kay Jayden. Kumunot ang noo ko at agad nagtipa ng reply.

Lorie:

Where did you get my number?

Jayden:

Kay Jessica. Magkita tayo. I want to talk to you.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang wrist watch ko para sa oras.

Lorie:

Ngayon na ba? I'm a bit busy right now. Baka mamayang gabi pa ako maging free.

Jayden:

I can wait. Just text me when you're done.

Hindi ko alam kung ano pang dapat naming pag usapan. Pero sige. Kung kailangan niya pa ng closure, ibibigay ko sa kanya 'yon.

Gabi na nga nang natapos ako sa trabaho. Medyo pagod na ako pero tinext ko pa rin si Jayden na tapos na ako. Ngayon na kami mag usap para bukas ay wala na akong gagawin kundi trabaho nalang.

Nagkita kami sa isang open area na restaurant. Mahangin at maraming tao pagdating ko. Nakita ko agad si Jayden sa isang lamesa na nagtaas ng isang kamay para sa akin.

Tumingin muna ako sa paligid bago dahan dahang nagtungo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang sa open area kami mag usap kung pwede namang sa mga pormal na restaurant nalang. Pero hindi na ako nagreklamo dahil hindi niya naman alam na ayaw ko sa ganito.

He's wearing a sky blue buttom up shirt, jeans and white sneakers. Nasa maayos ang kanyang buhok at tama nga si Jess, mas lalo siyang gumwapo ngayon. Sabagay. Matagal na panahon na rin naman ang lumipas.

"Long time no see," sabi ko at umupo sa harapan niya.

He didn't smile. Seryoso lang siya. "Long time no see, too. Anong gusto mo?"

Tinignan ko ang menu at sinabi ko ang gusto ko. Nagtawag siya ng waiter at agad kinuha ang mga order namin. Nang naiwan ulit kaming dalawa ay nagkatinginan kami.

"So... what are we going to talk about?" tanong ko.

"First of all, may gusto akong malaman."

"What is it?" saktong pagtanong ko no'n ay nag vibrate ang phone ko sa purse.

Kinuha ko 'yon at nakitang si Harry ang nagtext. Alam kong hindi tama na pagtuonan ko ng pansin ang text habang magkausap kami ni Jayden pero hindi ko mapigilan.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon