KABANATA 36

292 14 7
                                    

Kabanata 36

Rumors

--

Umiiyak ako habang tinatanaw ang loob ng operating room kung saan nakahiga ang pinsan ko. Duguan siya at walang malay. The doctor is doing his best pero ayaw gumising ng walang hiyang si Johanna!

Their concert just ended. We were on our way to a club to party when the car they were riding in had an accident! All members of Zheill are there! Lahat sila nawalan ng malay pero si Johanna ang may pinaka kritikal na natamo! Her head was covered with blood and it's giving me nightmares!

"It's gonna be alright... It's gonna be alright..." paulit ulit kong sinabi habang humahagulgol.

Niyakap ako ni Mina na umiiyak din. Pabalik balik naman ang lakad ni Ate sa harapan namin. Umiiyak na rin si Cassandra habang nakaupo at hawak ang kanyang ulo. Tinatapik ni Brandon ang kanyang likod and saying so many comforting words.

"Johanna!" I can hear the doctor shouting.

Hindi ko na inisip kung kilala ba ng doctor si Johan dahil mas iniisip ko ang kalagayan ng pinsan. Wake up, Johanna. Please. Wake up!

Maraming pulis ang nagkalat sa ospital habang sa labas ay mga media naman ang nagkalat, hindi pwedeng pumasok dahil makakagulo lang sila.

Nilipat si Johanna sa isang private room. Nagising na siya at maayos na ang tahi sa ulo. All of our relatives rushed in the hospital. Lalo na si Lolo na alalang alala.

We were all inside Johanna's room. My Tito and Titas, my cousins, and my parents. Brandon and Lee were outside with our bodyguards and bodyguards from Johanna's company, and a few police.

Tanaw namin si Johanna na nakahiga sa kama at wala pa ring malay pero maayos na ang kalagayan. The doctor is checking on her vitals or whatever. May kasama siyang nurse.

"Who did this?" mariin ang boses ni Lolo.

"Naka inom ang driver na nakabangga sa sasakyan nila. Kritikal din ang lagay ng driver at binabantayan na ng pulis ang kwarto niya," si Tito Alfred.

Wala na akong pakialam sa iba basta ligtas si Johanna. The three members are also fine kaya nakahinga na kaming lahat ng maluwag. Nagising na rin silang tatlo dahil kaunting mga galos lang ang natamo nila. Pero hindi pa sila pwedeng pumunta rito kay Johanna dahil kailangan pa rin nilang magpahinga. Bukod pa roon, ayaw din nina Tita Kylina ng iba pang bisita bukod sa amin.

Nagising din naman agad si Johanna pagkatapos ng dalawang araw. Masakit ang ulo niya at nanghihina pa pero maayos na. Nakahinga na ako ng maluwag pati na ang mga pinsan ko.

I was very scared when I saw her bleeding but now that she's fine, nalagay na sa ayos ang puso ko. I am weak in such things. Mabilis bumuhos ang emosyon ko at madali akong ma-trauma. Hindi ko kaya ang mga gano'ng bagay.

Harry:

How's your cousin?

Siguradong kalat na ang nangyari sa aksidente ng Zheill kaya alam niya na rin ang nangyari. I don't know what's going on outside, what the media is saying, but that's not the important thing right now. Ang mahalaga ay ang pinsan ko.

Lorie:

She's fine. Her head was hurt but she is fine now. The other members of Zheill are also fine.

Harry:

That's good. Are you in the hospital right now?

Lorie:

Yup. I'm not going to work today. Ikaw? May schedule ka ngayon?

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon