KABANATA 28

247 9 6
                                    

Kabanata 28

Heartless

--

Lumayo ako kay Harry at nagkatinginan kaming dalawa. Naghahanap ang mga mata niya sa akin, para bang nagtatanong, naghahanap ng sagot.

Bumagsak ang mga mata ko sa posisyon naming dalawa roon. Pumikit ako ng mariin at napagtanto ang pagkakamaling nagawa.

What the fuck did I do? Damn it!

Umalis ako kay Harry at bumalik sa pwesto ko kanina. Sumandal ako sa kahoy. Nanatili ang pwesto ni Harry, hindi siya gumalaw, ni hindi siya nagtanong. Hindi niya ako kinwestyon.

Nanahimik lang siya, na siya namang gusto ko dahil hindi ko alam kung ano ang mga isasagot ko sa kung ano mang itatanong niya! Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag!

Paulit ulit kong minura ang sarili sa isip isip ko. Yakap ko ang aking mga tuhod, nakayuko at tahimik pero sobra sobrang mura na ang natanggap ng sarili ko galing sa akin!

Nakatulog ako. Nagising nalang nang gisingin ako ni Harry. May naririnig akong ingay sa labas pero hindi na 'yon ulan. Mga boses na 'yon ng tao!

"Nandito na sila. Halika na..." he said softly.

Bago pa man ako makatango ay may pumasok na sa loob ng kubo. Isang lalaki 'yon at nakasuot siya ng uniform na may nakalagay na rescue team.

"Nandito sila!" he announced.

Mabilis akong tumayo. Hinubad ko ang jacket ni Harry at binigay 'yon sa kanya. He took it. Nagkatinginan kami sandali pero ako rin ang naunang nag iwas ng tingin.

Pumasok ang dalawang teacher namin at iba pang rescue team.

"Ayos lang kayo? Nasugatan ba kayo?"

Umiling lang ako sa mga tanong.

"Ayos lang po kami..." mababang boses ni Harry.

Nasa likuran ko siya at kasama niya ang isang teacher. Ang isa pang teacher ay umaalalay naman sa akin habang naglalakad na kami pabalik. Maraming rescue team ang kasama namin at naririnig kong nag re-radio na sila na nahanap na kami.

Pagbalik namin ay maraming sumalubong. Si Jessica na nag aalala ay mabilis na lumapit sa akin at tinanong ako nang napaka raming tanong.

Rinig ko ang bulungan ng iba na hindi ko na pinansin. Nakita ko rin ang mga masasamang tingin nina Lyane, Cheska at Nicole sa akin na hindi ko na rin pinatulan. Ang gusto ko nalang sa mga oras na 'yon ay makalayo sa lahat ng taong 'to at umuwi.

Pagod ako. At hindi ko na rin alam kung ano pang mukha ang maihaharap ko kay Harry. At pati na rin kay Jayden.

I lifted my eyes and saw him beside Angel. Nakatingin siya sa akin at alam kong gusto niya akong lapitan pero hindi pwede. Tinalikuran ko siya.

Pinagalitan kami ni Harry pero saglit lang 'yon. Pinauwi naman ako ng teacher nang sabihin kong gusto ko nang umuwi. May dalawang araw pa kami roon pero pakiramdam ko hindi ko na kayang magtagal.

Sinamahan ako ng rescue team na umuwi. Hanggang sa makarating ako sa bahay at pagod na nahiga sa aking kama.

Nagi-guilty ako. Pakiramdam ko ang sama sama ko. Magkaibigan si Jayden at Harry. Sila ang pinaka close sa kanilang limang grupo. Ayoko silang sirain. Ayokong masira ang pagkakaibigan nila nang dahil lang sa akin!

Pumikit ako at parang gusto kong maiyak. Anong gagawin ko? Kapag nalaman 'to ni Jayden, hindi lang siya sa akin magagalit. Kundi pati na rin kay Harry. Sigurado ako roon.

Hindi ako ganitong klase ng tao. Damn it, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin! I was just suddenly lost that night! I was out of myself! Alam kong walang kwentang dahilan ang mga 'yon pero iyon ang nangyari sa akin. Iyon ang naramdaman ko!

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon