Kabanata 13
Fantasizing
--
Ang ending, gabing gabi na kami nakauwi ni Jess. Tinapos ni Jessica ang pagtugtog ng Hero. Hindi naman ako makauwi mag isa kahit gustong gusto ko nang umuwi because I'm scared! It's dangerous on the road if I go home alone, wala pa akong sasakyan! I know I have bodyguards around watching pero nakakatakot pa rin, noh!
"Sorry na. Nag enjoy ka rin naman, e," si Jessica habang nasa sasakyan kami, pauwi na.
"Tingin mo nag enjoy ako?" suplada kong tanong.
"Bakit? Hindi ba? Tumatalon talon ka na rin nung huli, ah?"
"Napilitan lang ako!"
"Sus. Nag enjoy ka rin, e! Nadala ka rin ng mga kanta! 'Diba, sabi ko sayo magaling ang Hero?" humalakhak siya.
Fine! Magaling naman talaga sila. Magaling ang vocalist, magaling sila magpatugtog ng mga instrumento at talagang mapapasabay ka. Nagkakasundo silang lima sa lahat. I enjoyed it somehow, I admit. At masaya ako na na-experience ko ang bagay na 'yon.
Halos ma-late ako kinabukasan dahil sa sobrang puyat ko kagabi. Nagmamadali akong naligo at nagbihis, hindi na nakapag almusal pa sa sobrang pagmamadali.
Sakto naman ang pagdating ko sa school, muntik lang ma-late. Malalim akong bumuntong hininga nang nagsimula agad ang masungit naming teacher. Gutom na gutom tuloy ako sa gitna ng klase.
"Hindi ka ba bibili?" tanong ko kay Jessica nang mag break time.
"Busog pa ako. Bibili ka ba? Hindi kita masasamahan, I have something to do in the library."
"Anong gagawin mo do'n? Tutunganga?" tanong ko because this is probably the first time she would do something in the library nang hindi nagmamadali!
Humalakhak siya. "Grabe naman 'to! Nag aaral din kaya ako!"
Umirap ako at ako nalang mag isa ang pumuntang canteen para bumili ng pagkain. Hinayaan ko siyang pumunta sa library.
Damn. Nagugutom na ako. What kind of breakfast do they have here? It's my first time to buy breakfast at the school canteen. Kahit sa GU ay hindi ako nag aalmusal sa school.
Maraming tao sa canteen. Syempre, break time. Dumeretso ako sa counter para pumila. Nilibot ko ang paningin ko sa buong canteen pero natigilan nang nakita ang Hero sa usual table nila, mga nakaupo at nakasandal sa upuan, mabagal na kumakain ng tinapay, halatang puyat.
"Kawawa naman ang mga baby ko... Puyat na puyat sila kagabi..." bulungan ng mga babaeng nakapila rin.
Napatingin ako sa kanila. Baby? What the hell?
"Lalo na si Raymond. Siguradong naubos boses niya kagabi. Grabe, masyado niyang ginalingan! Mas lalo lang tuloy akong nahulog sa kanya..."
"Ano pa si Ford? Siguradong napagod din siya! Sarap punasan ng pawis niya, e," humagikgik sila.
"Oy, kinindatan kaya ako ni Ford kagabi. Mainggit kayo!"
"Teh, lahat tayo kinindatan niya!"
"Si Harry napaka seryoso talaga kapag tumutugtog. Pero ang softie sa personal! Ang gaan ng boses kapag kausap mo!"
"Basta Jayden pa rin ako."
"Ako rin!"
These girls are disgusting.
Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan at ilang minuto ko yatang tiniis 'yon. Kung hindi lang talaga ako nagugutom, kanina pa ako umalis dito. Tss.
Ako na ang susunod sa pila. The girls in front of me left and I moved forward to buy. Ibubuka ko palang ang bibig ko nang may sumingit agad.
BINABASA MO ANG
A Reason to Believe (Agravante Series #5)
Romansa[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked about her life every single day. She hates being the center of attention. That is why she chose to lea...