Kabanata 24
Slipped
--
Sumisikat na ang araw. Magtatapos na ang August kaya tag araw na. My usual days just continued. Jayden and I continued dating at wala pang nakaka alam ng tungkol sa aming dalawa bukod kay Jessica, Angel at Harry. Silang tatlo palang ang nakaka alam.
Takot pa rin akong malaman ng iba itong nangyayari sa aming dalawa. Pero bukod sa mag iisang buwan na akong nililigawan ni Jayden at wala namang nakaka buking sa amin, isang tawag din galing kay Ate ang bumagabag sa isip ko.
At first, I thought she was just joking. Akala ko pinagtitripan niya lang ako at ng mga pinsan namin. But Mom and Dad also called me, saying the same thing.
A girl named Cassandra Juarez is claiming that she's an Agravante. That she's Elizabeth Agravante.
Noong una, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa babaeng 'yon. It's impossible. My cousins and I grew up together with Eli. She's our cousin! At hindi ang babaeng 'yon na bigla nalang daw sumulpot out of nowhere.
At syempre, dahil mukha lang naman siyang baliw sa pamilya namin, hinayaan lang nila siya. They didn't do anything. Kinakausap daw nila but not exactly believing her. It's hard to trust anyone these days.
Pero habang nagtatagal, napapaisip na rin ako. Kinukwento kasi sa akin ni Ate na naniniwala raw si Lolo sa babaeng 'yon. That Lolo can see Lola in Cassandra's eyes. That he's melting every time he sees her.
My head hurts just thinking about it. I haven't seen that Cassandra yet because apart from the fact that I'm not there in Manila, ayaw pang i-send sa akin ni Ate ang picture niya. Wala raw kasi siyang picture ni Cassandra. Bakit kaya hindi niya picturan sa malayo? Simple lang, e. Para makita ko kung kamukha ba talaga ni Lola.
"Anong dala mo?" tanong ni Jess habang sakbit ko sa kabilang balikat ang aking malaking bag.
"Tent and some foods..." I answered lazily.
"Did you bring a lot of food? Kaunti lang ang nadala ko, e. Baka bitin 'to sa akin," ngumuso siya.
"Tss. Tatlong araw lang tayo doon. Besides, the school has food for us."
May field trip kami ngayon. Magca-camping kami sa taas ng bundok. Hindi ko sana gustong sumama pero pinilit ako ni Jessica. Tsaka kahit papaano naman gusto ko rin 'tong ma-experience. Nakapag camping na ako noon pero ang pamilya ko ang kasama ko no'n, hindi ang mga kaklase.
I'm wearing a white t-shirt, denim jacket, jeans and black hiking shoes. Mataas ang ponytail ko ngayon dahil mainit na. Tsaka siguradong pagpapawisan ako mamaya dahil aakyat kami sa bundok. Ayokong magkalat sa mukha at leeg ko itong mahaba kong buhok tapos malagyan ng pawis. Inaalagaan ko kaya mabuti 'tong buhok ko. I love my hair so much.
Angel and I are in the same batch, so she's also with us in this camping. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan kasama ang Hero?! Oo! Kasama ang Hero! Sila Jayden!
Ang sabi ng teacher para daw may mag entertain sa amin at hindi kami ma-bored habang nasa camping. Sigurado raw kasing wala kaming ibang gagawin sa taas ng bundok kundi maghanap ng signal. Kaya mas mabuting isama ang Hero para matuon talaga sa mga activity ang atensyon namin.
May point naman ang mga teachers na 'to but seriously? Sana si Jayden nalang! Hindi ang... buong Hero! Alam ko namang hindi pwede 'yon but... urgh!
I don't even know what my problem is. It's just that I don't want all the members of Hero to join us. Pwede namang kahit si Jayden o Ford nalang... o kali man kasama si Raymond at 'yong isa pa nilang member... Bakit kailangang kasama pa si... Shit! I should stop thinking about this nonsense and unimportant opinion of mine!
BINABASA MO ANG
A Reason to Believe (Agravante Series #5)
Romance[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked about her life every single day. She hates being the center of attention. That is why she chose to lea...