KABANATA 30

291 9 5
                                    

Kabanata 30

Left

--

Tinitigan ko ang nakatuping mga damit sa aking kama. It's Harry's clothes that I haven't returned yet. Hindi ko na kasi alam how to return it to him after the accident kiss.

I'm already dressed and our car is waiting for me outside. I intend to return it to him before I leave. I will still come back pero gusto ko nang isauli sa kanya ngayon.

Binuksan ko ang pintuan ng aking terrace at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin. Ma araw na ngayon, hindi na umuulan. Tinitigan ko muna ang kalmadong dagat sandali. Gusto ko 'yong pagmasdan bago umalis.

Nakapag paalam na ako sa school na mag a-absent ako ng isang linggo. There is a big problem going on with our family in Manila so I have to go home. At gusto ko rin talagang umuwi para makita si Cassandra Juarez.

I don't want to think too much about that thing. Nagpa DNA test naman na sina Tita so I think I'll just wait for the truth to come out. I will let the blood tell the truth.

Dumilat ako pagkatapos ng ilang sandaling pag iisip. Natanaw ko ulit ang kalmadong karagatan sa malayong harapan. Umaga palang ngayon kaya ang pagtaas ng araw ay kitang kita ko. I smiled.

"Aalis ka?"

Natigilan ako nang narinig 'yon. I turned to Harry's terrace and saw him standing there, pinagmamasdan ako.

He's wearing a white t-shirt and white shorts. Nakapatong ang kanyang mga kamay sa barandilya at nakaharap sa terrace ko. Parang may sariling isip ang puso ko na bigla nalang bumilis sa pagtibok.

Umayos ako ng tayo. Medyo nagulat ako sa kanya pero dinaan ko na lamang iyon sa tikhim. Instead of answering his question, I said something else.

"May isasauli ako sayo," tutal nandito naman na siya ay dito ko nalang din ibibigay.

I entered my room. Kinuha ko ang damit, panjama at jacket niya and then went back to the terrace.

Nasa gano'n pa rin siyang ayos. Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam kung paano ko 'to iaabot sa kanya. Malapit lang ang terrace namin sa isa't isa pero hindi gano'n kalapit na pwede kaming mag abutan ng kung ano!

Kaya naman hinagis ko nalang sa kanya ang mga damit nang hindi nag iisip. Agad niyang sinalo 'yon at tumingin sa akin!

"T-Thank you," I said.

Binaba niya ang mga damit at marahan akong tinitigan.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko..."

Shit!

"Yes, I'm leaving," I said coldly, trying to hide whatever I am feeling.

Siguro napansin niya sa damit ko. My clothes are different now. I'm wearing a beautiful yellow dress that I shouldn't be wearing because I'm Samantha, not Loreleil.

"Saan ka pupunta?"

"You don't need to know that. Thanks again for the clothes," sabi ko at tinalikuran siya. Papasok na sana ako sa loob...

"What time are you going back?" pahabol niyang tanong.

Nilingon ko siya at tinitigan. Damn it. Hindi ko alam kung bakit parang natutunaw ang puso ko sa mararahan niyang mga mata. Mga matang nangungusap... umaasa.

Ngumisi ako para hindi niya mahalata ang nararamdaman ko.

"Hindi lang ako oras mawawala, Harry..." I said playfully.

I saw him swallow hard. "When are you coming back, then?"

"Hindi mo na rin kailangan pang malaman 'yan."

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon