KABANATA 18

213 8 6
                                    

Kabanata 18

Pretend

--

Kailangan nilang magpanggap. At kailangan kong intindihin 'yon.

"Anong gagawin ng Mayor dito?" tanong ko kay Jessica.

"Well..." inakbayan niya ako habang naglalakad kami sa kalakhan ng field. "Syempre dahil dito nag aaral ang anak niya na si Angel, dito niya laging sinisimulan ang mga kasiyahan na ginagawa niya sa school taon taon."

"Kasiyahan?"

"Uh-huh! Mga palaro, gano'n, booths or whatever. Every last day of July 'yon every year. The students have nothing to do but enjoy themselves. Parang christmas party lang or foundation day o kali man valentines day," nagkibit siya ng balikat.

"Bakit niya naman ginagawa 'yon?"

"I dunno? Para sa anak niya? Masyadong spoiled 'yang si Angel, e," she chuckled.

"So every year, huh? At nandito rin siya?"

"Oo. Magsasalita siya sa auditorium, magpapasalamat at kukumustahin lang tayong mga students sa naging simula ng pag aaral natin. Tapos hahayaan niya na tayong mag enjoy sa mga booths na ipapatayo niya."

Hindi ko alam na may ganito pala rito. Kaya pala abala ngayon ang mga nasa higher grades sa pag aayos ng mga maliliit na booths sa field. Marami 'yon. Meron pa sa ibang bahagi ng school. Meron sa harap ng mga classrooms o sa loob mismo ng classrooms, meron sa may gate o kahit saan.

Sa isang araw na gaganapin ang sinasabing kasiyahan. Everyone is excited. Hinahanda na ni Jessica ang mga barya niya para sa mga booths. Lahat daw ay gusto niyang i-try.

Habang ako ay nanonood lang sa mga students na excited. I don't really enjoy those kind of things. Every year may ganyan naman sa GU but it only happens every Christmas, Halloween, and Valentine's Day. May mga booths din. Na-experience ko na lahat kaya ngayon medyo hindi na ako nae-excite. Those things are childish for me now.

"Do you have an instagram?" tanong ni Jessica habang nakatingin sa bagong biling cellphone niya.

"I don't," I answered.

"What?" para siyang hindi makapaniwala at nanlalaki pa ang mga matang tumingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. "What?"

"Wala kang instagram?"

"Wala."

"Bakit?!"

"E, sa wala, e."

"Bakit hindi ka gumawa? My gosh! An Agravante doesn't have an instagram? Don't tell me wala ka ring facebook?!"

"Well, meron. Pero hindi ko na masyadong ginagamit. What's the use of it anyway? Wala naman akong pinagkaka abalahan doon."

"Duh! Chatting, you know?"

"Marami akong load."

"Kapag nga nawalan ng load, e!"

"Hindi ako nawawalan ng load."

Inirapan niya ako. "Edi ikaw na mayaman."

I smirked. "I don't understand why people spend their time with those apps. Lalabo lang ang mata mo dyan."

"Sam, kailan ka pinanganak? No'ng 1918's?! We're in the modern time now, you maldita! I can't believe you don't use instagram or facebook!"

Umirap ako at hindi nalang pinatulam ang pag iinarte niya. I don't have time for that, really.

"Reminder, t-shirt lang at jeans ang pwedeng suotin bukas! Kung sa Manila pwede ang mga fashion fashion kuno na 'yan, dito sa probinsiya hindi pwede!" paalala sa akin ni Jessica pauwi na kami.

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon