Kabanata 27
Lips
--
Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at tinignan ang mga dinaraanang malalaking ugat ng mga puno. Mahirap humakbang sa mga 'yon lalo na kapag may naririnig akong mga kaluskos. Natatakot ako! But I want to keep going. Baka mga insekto lang 'yong nag iingay.
May ahas kaya rito? Wala naman siguro!
Humakbang ulit ako ng isa pang beses ngunit natigilan din agad!
"Samantha!" I heard Harry's voice!
Nagulat ako at agad napalingon sa likuran ko kung nasaan siya. Humahakbang din siya sa mga malalaking ugat ng puno habang nakakunot ang noo at nakatingin sa akin.
"A-Anong--" hindi na ako natapos.
"Anong ginagawa mo? Delikado rito!"
Nagulat ako sa pagsigaw niya.
"E, i-ikaw? Anong ginagawa mo rito?" balik kong tanong.
Nakalapit na siya sa akin at malalim siyang bumuntong hininga.
"Samantha, gabi na. Delikado sa gubat na 'to. Ano bang gagawin mo rito?"
"M-Magpapahangin lang ako. Tsaka bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako?"
"Nakita kitang lumabas kaya oo sinundan kita. Hindi ka dapat lumabas, Sam."
"M-Magpapahangin lang ako..." ulit ko.
"Magpapahangin? Pwede kang magpahangin doon sa atin. Mas malakas ang hangin doon, dito wala," I can sense that he's worried pero bakit naman?
Kinagat ko ang labi ko. "I'm fine. Bumalik ka nalang doon."
"Tingin mo makakabalik pa ako roon kung nandito ka? It's dangerous out here."
"Tss. Hindi naman ako lalayo masyado. Gusto ko lang sa tahimik na lugar kasi ang ingay nila roon. Akala mo naman mawawala ako rito, e..." bulong bulong ko.
"Bakit tingin mo hindi ka mawawala rito? Kabisado mo ba ang gubat na 'to? Paano kung maligaw ka at hindi na makabalik?"
"Edi pareho tayong hindi makakabalik," ngisi ko dahil mukhang susundan niya ako kahit saan ako magpunta.
"Sam, bumalik na tayo. The teachers will look for us!"
"Saglit lang 'to, Harry. Tsaka kung gusto mo nang bumalik, bumalik ka na. Gusto ko sa tahimik na lugar pero sumunod ka naman dito ngayon at nag iingay."
He sighed heavily. Kinagat ko ang labi ko at muling naglakad sa makupal na daan.
"Saan mo ba balak pumunta? Tahimik na rito, Samantha. Dito nalang tayo."
"Huwag ka ngang maingay," medyo naiirita na ako sa kanya.
Natahimik siya at pero sumunod pa rin sa akin. Rinig na rinig ko ang palagi niyang pag buntong hininga.
Malayong malayo na kami sa area namin at hindi ko na talaga naririnig ang mga kantahan ng mga kaklase ko.
Hindi ko alam kung ba't pa sunod nang sunod 'tong si Harry. Kung nag aalala siyang maligaw siya, edi sana bumalik nalang siya, 'diba? Pero inaamin ko ring medyo nabawasan kahit papaano ang takot ko ngayong nandito siya't sinasamahan ako.
"Gusto mo ba talagang lumayo pa ng ganito?" biglang tanong ni Harry maya maya.
Hindi ako sumagot. Iniilawan ko pa rin ang bawat nilalakaran ko. May ilaw din si Harry sa kanyang cellphone pero sa nilalakaran ko rin nakatutok 'yon.
BINABASA MO ANG
A Reason to Believe (Agravante Series #5)
Romance[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked about her life every single day. She hates being the center of attention. That is why she chose to lea...