KABANATA 1

452 12 0
                                    

Kabanata 1

Ice Cream

--

"May lahi ka ba?" I asked Jessica after I stared at her for a long time.

Natawa siya habang humihigop sa soup niya.

"Bakit mo naman natanong?"

"Your eyes are green," sabi ko.

Tiningnan niya ako at nagtaas siya ng kilay. "Napansin mo 'yon?"

"Oo. Nung tinamaan ng sikat ng araw kanina. It turned green or something. But now it's brown," I said, a bit confused.

She smirked. "My Dad is a Mexican. I'm half Mexican."

Oh. That's why.

"Pero wala na ang Dad ko. Patay na. Kaya kami umalis ng Manila dahil do'n. My Mom is really from here."

I nodded and didn't ask any more questions.

"Ikaw? May lahi ka?"

I almost laughed at her question. "Wala akong lahi."

"You're so beautiful. Mapagkaka malan kang may lahi."

"This is called a pure Filipino beauty, Jess."

She raised an eyebrow and grinned. She's cute and looked very sweet but she doesn't act that way. She's very playful and energetic.

"Saan mo pa gustong pumunta?" tanong niya habang patapos na kaming kumain.

Dinala niya ako rito sa isang kainan. Sabi ko kasi sa kanya ay gusto kong makita ang mga magagandang lugar dito. Sa labas ay makikita mo ang napaka gagandang bulubundukin at mga puno. Sakto pa na umuulan kaya sobrang gana at relaxing no'n! Ngayon lang ako nakapunta sa ganoong klase ng lugar.

"Let's go down, let's go to the souviners shops. Diba sabi mo maraming turista ang pumupunta rito? Kaya siguradong maraming souviners dito. Subukan natin," sabi ko.

"Sure!"

Gano'n nga ang ginawa namin. Dinala niya ako sa bilihan ng mga bracelets, kwintas, anklet, shirts, headbands, at singsing na gawa sa kahoy! Handmade, they say.

I was amazed at all of that and couldn’t help but buy. Lahat ng magandahan ako ay binibili ko! I forgot for a moment that my money wasn't the same as before! I need to save now!

May card pa rin ako at nilalagyan 'yon ni Mommy pero ang sabi ko sa kanya buwan buwan niya nalang lagyan simula ngayon dahil gusto ko na ngang maging independent. I can't spend much anymore!

"Oh? Ayaw mo nang bumili? Here, oh. Ang ganda nito, bagay sayo!" sinuot sa akin ni Jessica ang isang telang headband na kulay puti.

Maganda nga 'yon. Gusto ko sanang kunin pero ayos na siguro 'tong mga binili ko. At may headband na rin akong nabili, maganda rin 'yon. Ayos na 'yon.

"Hindi na. Nagtitipid ako ngayon. Sa susunod ko nalang bibilhin 'yan," sabi ko.

"Gano'n?" tumawa siya. "Nagtitipid pala ang isang Agravante?"

"Tss. I want to change my life, I already told you, right? I'm independent now."

"Really? E, asan ang trabaho mo?" she asked sarcastically.

Tiningnan ko siya. Hindi ako makapaniwala na kanina lang kami nagkakilala. Parang super close na namin kung mag usap. Siguro dahil sa kadaldalan niya kaya napapasabay na tuloy ako.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

Humalakhak pa siya lalo. "Being independent includes working for yourself! Para may sariling kita ka na rin! Gano'n 'yon!"

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon