Kabanata 10
Coke
--
"Looking for someone?" he asked playfully.
"Ano na naman bang kailangan mo?" pagod kong tanong.
He smirked. "Sulyap ka talaga nang sulyap sa table namin. Bakit kaya hindi ka nalang umamin sa kaibigan ko?"
He's still at it?!
"O baka naman umamin ka na, hindi ko lang alam?" medyo narinig ko ang lamig sa boses niya pero nanatili ang paglalaro sa mga mata.
"Alam mo? Wala akong panahon sayo," pagod na pagod kong sinabi sabay lalagpasan na sana siya.
"May nangyayari na palang kakaiba sainyo ni Harry, kung gano'n? Madalas ba kayong magkausap? Saan kayo nag uusap? O baka palihim?"
"What the hell are you talking about?" inis ko nang tanong at muli siyang hinarap.
"You like him, right? Hindi mo tinanggi 'yon noong huli kitang tinanong."
"Malinaw ko nang sinabi sayo na hindi ko siya gusto. May problema ba 'yang tenga mo, ha?" at hindi ko maintindihan kung bakit parang big deal sayo kung may gusto nga ako kay Harry!
"Really? Baka naman nagtatago lang kayo?"
"Nagtatago?" halos matawa ako. "Para saan bakit kami magtatago?"
"So, gusto mo nga siya?" seryoso na siya ngayon.
"Nakakairita ka na, ah? Sabi nang hindi! At walang kami! Hindi kami! Ano? Malinaw na ba 'yan, ha?"
His jaw clenched and he didn't say anything. I licked my lower lip and crossed my arms. Hinarap ko na siya ngayon.
"Pero ano naman ngayon kung kami ngang dalawa ni Harry? Ano ngayon kung gusto ko siya? Ano naman sayo 'yon? Anong pakialam mo?"
Hindi pa rin nakapag salita si Jayden. He just stared at me for a moment and after a while, he looked away.
Ilang sandali ko siyang tinitigang mabuti. Nagtiim bagang ako at parang ayaw na ring sagutin niya pa ang tanong ko. Malakas ang pakiramdam ko at palagi akong tama sa mga hinala ko.
Dumarami na ang mga students na nakakapansin sa amin kaya napagdesisyunan ko nang umalis. Nang walang paalam sa kanya. Nilagpasan ko si Jayden na tuluyan nang natahimik.
Damn this. What the hell?
Gumulo sa isipan ko ang bagay na 'yon pagdating ng gabi. Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame at nag iisip.
Wala pa akong karanasan sa pagbo-boyfriend but I know when someone likes me. Hindi mahirap basahin ang mga tao. I know what they are feeling, even when they try to mask it with another feeling. Just by looking at their eyes, alam ko na.
Ayoko rin namang mag assume dahil iba na ngayon. Nasa ibang lugar na ako. Wala na ako sa GU. Wala na ako sa Manila. Ang pagkakagusto sa akin ng isang tao roon ay normal nalang para sa akin. Pero ngayong nandito ako sa ibang lugar, tapos sikat pa ang lalaking 'yon, naisip kong baka nagkakamali lang ako.
Pero hindi ako kailanman nagkamali. I can feel it. Damn!
Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking 'yon!? Argh!
Dahil sa sobra sobrang pag iisip na naiirita na ako ay bumangon nalang ako mula sa pagkakahiga at umalis sa kama. Binuksan ko ang sliding door ng aking teresita at pumasok doon. The wind immediately welcomed me.
Pinatong ko ang dalawang braso ko sa barandilya at pinagmasdan ang malayong karagatan na kalmado ang alon. I sighed heavily.
What a peaceful night. Pero ang dami daming gumugulo sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
A Reason to Believe (Agravante Series #5)
Romance[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked about her life every single day. She hates being the center of attention. That is why she chose to lea...