KABANATA 25

258 11 5
                                    

Kabanata 25

Spoon and Fork

--

Pagkatapos ng isa pang oras ay sa wakas narating na rin namin ang malapad na bahagi ng bundok.

Malawak ang lugar na 'yon, mahangin, kaunti lang ang maliliit na damo pero malinis. At pwede kang tumakbo sa sobrang laki. May harang din na kahoy sa dulo, parang barandilya. Ang mga puno ay tatlo lang yata at magkakahiwalay pa. I saw a small house on the side and thought it might be the bathroom.

Whoa. Mas maganda 'to kesa do'n sa pinuntahan namin sa Iloilo. Mas malaki, mas malawak!

"Hero, mag iingat din kayo. First time niyo rin sa bundok na ito," anang teacher namin pagkatapos kaming paalalahanan na huwag lalayo at dito lang dapat kami sa area namin.

Inayos agad nila ang mga gamit. Nagtayo sila ng ihawan, mga upuan, lamesa at syempre, ang kanya kanya naming tent.

Sa tabi ng puno namin napagdesisyunan ni Jessica magtayo ng tent. Bukod kasi sa mahangin doon, kapag umulan ay hindi masyadong mababasa ang mga tent namin. Paminsan minsan pa rin kasing sumusorpresa ang ulan kahit tag araw na.

"Ang bait talaga ni Harry. Ilang beses ka niyang tinulungan kanina!" ani Jessica habang nagtatayo kami ng tent. "Tapos si Ford..." impit na naman siyang tumili. "Ilang beses ko siyang nahawakan kanina! Sinasadya ko talagang madulas lagi para mahawakan ko ang malalaki niyang braso!"

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya. Medyo nahirapan ako sa paggawa ng tent dahil hindi naman talaga ako marunong nito. Ate was the one who made my tent when we went camping in Iloilo.

"Naiihi na ako!" si Jessica na kanina pa nagtatatalon. Bigla niyang binitawan ang tent niya at nagtatakbo papunta sa maliit na banyo.

Sinundan ko siya ng tingin at napatingin sa tent niyang malapit nang mabuo. While I still haven't done anything! Hindi ko alam ang gagawin ko roon. Pilit kong ginagaya kanina si Jess pero sobrang bilis niya at nagmamadali pa siya kasi naiihi na.

I sighed. Damn it. Ang hirap naman nito.

"Tulungan na kita," narinig ko si Harry.

Nilingon ko siya na agad lumapit sa akin. Kinuha niya ang tent ko hindi pa man ako nakakabawi sa biglaan niyang presensya. Nang nakabawi naman ako ay agad ko 'yong inagaw sa kanya kaya natigilan siya.

"Hindi na. Kaya ko na," malamig kong sinabi.

Tinitigan niya ako. Hindi ako tumingin at nagpanggap lang na ginagawa ang tent ko kahit hindi ko naman alam kung saan 'yon sisimulan.

"Marami na akong natulungan na iba. Tutulungan na kita para mapabilis ka."

"Hindi na sabi, Harry. I'm fine. Magpapatulong nalang ako sa kaibigan ko."

Sakto namang dumating agad si Jess na nagulat sa presensya ni Harry.

"H-Hi!"

Marahang ngumiti si Harry kay Jess. "Hi..."

"Bakit ka nandito? Do you need anything, baby--I mean... Harry?"

Halos umikot ang mga mata ko roon.

"Tutulungan ko sana kayo sa--"

"Tutulungan mo kami?!" wala pa man ay nag react na agad si Jess. "Ay, mabuti naman! Kanina pa talaga kasi ako nahihirapan dito, e! Kaming dalawa ni Sam," tumango tango pa siya at tinuro ako.

What?! E, mabubuo na nga niya ang kanya?!

Napatingin sa akin si Harry. Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kaibigan ko. I am gonna kill her, really!

A Reason to Believe (Agravante Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon