Kabanata 26
Alone
--
Two people were assigned to wash the dishes at nagpasalamat ako dahil hindi na naman ako ang na-assign doon.
Naghuhugas ako ng pinggan but I don't like doing it, duh. Wala lang akong choice kasi wala na akong kasama ngayon sa bahay.
Nagpahinga kami ng mga isang oras lang sa kanya kanya naming tent. Nang dumaan ang isang oras ay tinawag ulit kami ng dalawang teacher at sinabing may gagawin kaming activity. Lahat dapat kasali, walang pwedeng umayaw.
Bumuntong hininga ako nang nalamang habulan na naman ang mangyayari. It's by team at hindi kami naging magkakampi ni Jess. Dalawang team lang 'yon kaya ibig sabihin magkalaban kami.
Kasali rin ang Hero at nasa kabila si Jayden, Harry at Ford. Their two members, Raymond and the one I don't know, are on our team. Naging kakampi ko rin sina Angel, Lyane, Nicole at Cheska.
Hindi ko alam kung anong laro 'yon kaya nakinig nalang ako sa mga instructions. Patintero, the teacher said. That's what we're going to play. I don't know that game but I just went along and listened carefully.
Ilan sa grupo namin at sa grupo ng kabila ang naunang naglaro. Hindi muna ako nauna dahil ang sabi ko hindi ko pa alam kung paano laruin 'yon. Hindi rin alam ng iba kaya sabay sabay muna naming pinanood kung paano tumakbo ang laro.
Mukhang masaya namang laruin 'yon. Yun nga lang, mukhang nakakapagod. Pawis na pawis ang mga ka team namin pagkatapos ng unang game. Natalo kami.
Sumunod ang iba pa naming team na hindi pa naglalaro. Hindi muna ulit ako dahil hindi ko pa masyadong na-gets ang ginagawa nila.
We won the second game. Nag apir nang sabay sabay sina Lyane, Nicole at Cheska dahil kasama sila sa team na naglaro. Magaling sila. They obviously know the game very well.
"Agravante, kailangan mo nang maglaro. Lahat ng team natin ay nakalaro na," anang teacher sa akin.
Tumango ako at pumwesto na sa harapan. Natigilan nga lang ako nang nakitang ang kalaban namin sa kabila ay sina Jayden, Harry, Ford, at mga hindi ko na kilala na nakapwesto na!
Shit! Napatingin ako kay Angel na ngumisi sa akin at pumwesto rin sa may tabi ko. Kumunot ang noo ko, hindi lang dahil sa malakas na hangin at sikat ng araw, kundi dahil na rin sa nakakairitang itsura niya.
Magkakampi kami ngayon pero para kaming magkalaban sa tinginan namin.
The game started. I was still a bit confused at first so I made a lot of mistakes. Reklamo nang reklamo ang mga ka-team ko, lalo na sina Lyane. Hindi ko nalang pinapakinggan at mas inisip ang mga instruction ng teacher kanina. Inalala ko rin ang mga naging laro ng mga ka-team ko.
I stepped once at agad akong natigil nang humarang ang nakabantay sa harapan ko. Sinubukan ko siyang lituhin pero masyado siyang mabilis! Tumakbo ako sa kaliwa at kamuntikan na akong mataya pero mabuti nalang nakalayo ako agad!
"Go, pren!" narinig ko si Jess.
"Huy! Kalaban natin 'yan, beh!"
Ngumisi ako at binilisan ang galaw. Tumakbo ako sa kanan at agad akong sinundan noong nagbabantay sa akin. Sa isang mabilis na galaw ay agad ulit akong tumakbo pa-kaliwa at nakapasok ako sa unang square nang hindi niya naaabot!
Yes! Gusto ko sanang isigaw pero nakita kong marami pa pala akong dapat lagpasan. Marami pang square bago makapunta sa base!
Nakita ko si Harry sa harapan ko, nagbabantay. Siya na pala ang susunod kong dapat lagpasan!
BINABASA MO ANG
A Reason to Believe (Agravante Series #5)
Romance[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked about her life every single day. She hates being the center of attention. That is why she chose to lea...