CHAPTER FOUR: Mommy's on Duty
Clarinette | Liana
Sofia, ang galing ng timing mo, anak.
Akma sanang pupuntahan ni Consuelo ang bata dahil may ginagawa ako, pinahinto ko siya. "Tell another maid to clean the kitchen, tinatawag na ako ng anak ko. I'll cook lunch later, Manang Consuelo. May nilagay ako na note sa aparador, pakihanda na lang ng mga kasangkapan."
"Masusunod po, madame." Nginitian ko siya na siyang ikinagulat niya pero agad niya din naman sinuklian ang ginagawa ko. "Masaya akong makita kang nakangiti, your grace. Sana magtuloy-tuloy na ang iyong pagbabago."
Hindi na ako nagsalita at nilandas ang dulo ng mansyon kung saan naroon ang kwarto ni Sofia na siyang konektado sa kwarto ko. May dala kasi akong maliit na gadget, bilog ito at para lang siyang face powder, pero speaker 'yon. May speaker sa kwarto ni Sofia at kapag iiyak na ang bata at wala ako do'n, hindi na mamomoblema ang nagbabantay kakahanap sa akin dahil ako na mismo ang pupunta.
"Alina," bungad ko sa maid na halos umiyak na naman kakatahan sa bata. Lumapit ako sa kanya at binigay niya sa akin si Sofia. "Did you change her diaper? Baka nasagi mo na naman 'yong parte na may rashes."
"Pasensya na po, madame. Gumalaw po kasi ang young lady bigla kaya nahawakan ko ng hindi inaasahan."
"It's alright, it will take some weeks for her rashes to finally heal. Kailangan mo lang gawin ang inuutos ko na dampian iyon ng baby ointment twice a day kung wala ako."
"Masusunod po, madame."
"Mag-ayos ka na, umaga na."
Nagpaalam si Alina at tumahimik na ang bata ng nararamdaman niya na ako na ang humawak sa kaniya. Ang pagkilala niya sa akin ay sa amoy ko at uri ng pagbuhat at hele ko sa kanya. In a few months, she'll see colors and by that, makikita niya na din ako.
"Sofia, pasalamat ka ang cute mo. Tulog na uli, anak. May trabaho pa si Mommy, hmmm?"
Nakakapagod na ang ginagawa ko simula ng dumating ako, pero 'yong utak ko hindi natigil. I'm a workaholic: I devote myself to work and spend my time at my job. Dahil sa isa din akong perfectionist, hindi ako kampante kapag hindi natatapos ang mga gawain ko na plinano ko sa araw na gusto ko. It must go well and according to plan.
I'm not fond of serendipitous moments. Isa 'yon sa major turn off my mga suitors, lalo na sa mga ex-boyfriends ko, dahil alam nilang hindi ko maiibigay lahat ng oras ko sa kanila. I tried to be a good girlfriend and I am actually like other girls, but work is work kasi ang peg ko. If my work needs me, my whole time should be on it.
Today, natapos ko na ang jam, susunod kong gagawin ay gawan si Sofia ng damit. Her clothes are pre ordered and most of them gave her a rash. Hindi ata alam nilang lahat kung paano mag-alaga ng sanggol. Ilan kasi sa mga fabrics na ginagamit nila ay nagkaroon siya ng rashes. Upon knowing it, I tried my luck to ask Mitch if there is a fabric in the market that seems like marshmallows. To my surprise, they bought lawn cotton fabric that is actually the legit thing I want them to find. Akala ko kasi ibang pangalan.
I spent half the day sewing Sofia's new clothes. Nagpabili na din ako ng mga gamit at sewing machine. I actually planned to build my own store someday, and sell my own masterpieces. In that way too, mabilis akong maka-ipon. Naghahanap pa ako ng tiyempo dahil baka mabigla naman si Teirro sa gagawin ko.
"Walang lason yan, promise!" nakangisi kong sambit ng makita ko ang pag-aalinlangan ni Mitch sa ginawa kong pananghalian. "Kakain ka o susubuan kita at wala kang sahod ngayong buwan?"
"Ka-kakain na po, madame!" Madali pa lang kausap itong si Mitch eh. Para tuloy siyang baliw tingnan habang papalapit ang kutsara sa bibig niya. Sinubo niya ang pagkain ng nakapikit at kalaunan ay lumaki ang mata niya. "Ang sarap! Madame, ano itong pagkain!?"
BINABASA MO ANG
✓ | The Altered Version (Fate's Transgression Series, #2) [UNDER REVISION]
FantasyA single but stable woman got in a car accident and found herself in a Duchess' body who will die at the age of hundred twenty six due to the curse of the winter goddess. In the city of Dior, the part of Zegordia who resides on the west and is conne...