TAV 44: Long Overdue

1.5K 100 0
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR : Long Overdue

Clarinette | Liana

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha galing sa kakabukas lang na kurtina. May taong naglalakad sa kwarto ko at isa-isang binubuksan ang bintana.

"Whoever you are, you're fired!" I yelled at whoever it was. I pulled my pillow and covered my head to return myself to sleep. Napamura na lamang ako ng may humatak ng unan.

"I apologize, your grace. But, the only person who can fire me is the Duke himself."

Tinanggal ni Tierro ang kumot na bumaon sa akin at hinila ang isa kong paa dahilan para mapabangon ako ng wala sa oras at masamang tiningnan ito.

"I fucking hate you," I said, killing him with the deadliest stare I mastered few weeks ago. "Ano ba kasing kinain mo at naninira ka ng umaga?!"

Nameywang siyang nakatayo hindi kalayuan sa kama ko. "Did you forget what day it is today?"

I rolled my eyes. "Mukha ba akong kalendaryo para sagutin ang tanong mo? Ayon oh! Nasa mesa ang kalendaryo, gamitin mo 'yang mata mo— ha! Are you rolling your eyes at me?!"

"Hindi lang ikaw marunong n'yan. Your grace, hindi din ako ang daily reminder mo. Kung hindi kita pinuntahan, hindi ka babangon!"

Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking ito. Umagang-umaga, nambubulabog. Nakakasira ng bait si Tierro kung alam niya lang.

"Kung wala kang trip bukod sa sirain ang umaga ko, umalis ka na. Kung ano man ang okasyon ngayon, hindi ako dadalo. I slept late last night!"

Akma sana akong babalik sa ilalim ng kumot ng tuluyan niyang hinila ito. "You clearly forgot what day it is today. Your grace, I will be reminding you for the last time...ngayon ang huling araw niyo bago kayo pumunta sa palasyo bukas. The Duke has to finish a meeting with the knights, kaya ako na ang gumising sa iyo!"

Napabalikwas ako ng bangon at malaking mata na nakatingin sa kanya. Teirro rolled his eyes for the second time. "The sun is already blazing with fire, your grace. You have a lot of things to do today, so get your ass off there or I'll drag you with only pajamas on!"

Hindi ko na siya sinumbatan at dali-daling tinakbo ang daan patungong banyo. Mabilis ang galaw ko dahil late na ako ng isang oras ng makita ko ang orasan sa dulo ng bed side table.

"Bakit hindi tumunog ang alarm clock ko?!"

"Baka kamo tumunog subalit pinatay mo o baka tulog-mantika ka lang at hindi ka nagising!" sigaw niya pabalik sa akin. "I will meet you outside, your grace!"

Pinakiramdaman ko na lang ang paglabas ni Teirro bago ako napatigil sa akma ko sanang pagligo. I looked at myself from the human sized mirror across my direction.

I slowly approached the mirror and held my face. Then I look at a part of my body, slowly lifting my sleepwear. Hinawakan ko ang aking tiyan at pinakiramdaman iyon.

Sunod-sunod ang pagtulo ng aking luha. I put my right palm on my mouth to hinder myself from releasing any loud noise. Napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa sikip ng aking dibdib.

Pinipigilan kong maglabas ng ingay sa loob ng bente minuto. Nagpasya akong maligo at magbihis para sa mangyayari ngayong araw. Nag-ayos na din ako para presentable akong makikita nila.

Bago ako lumabas ng aking silid, sampung minuto akong nakatutok sa salamin. Ilang beses akong napabuntong hininga bago ko lisanin ang kwarto.

Nilandas ko ang pasilyo ng mansyon ng dahan-dahan. Bawat anggulo ay tinitingnan at binabati ang mga nakasalubong kong kasambahay.

✓ | The Altered Version (Fate's Transgression Series, #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon