TAV 37: Compelling Voice

1.9K 108 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN : Compelling Voice

Clarinette | Liana

After our conversation earlier with the Duke, he left with half of the knights. It is already time for them to start their training and also hunting animals for supper. Nagpa-iwan si Teirro at ilang mga nagbabantay sa labas ng kubo.

My heart is heavy. Kailangan ko ng mapaglalabasan ng damdamin kundi mababaliw ako kung mananatili itong nasa kaloob-looban ko. Vyrre is too strong to budge, at hindi rin naman ako pwedeng mag-immature dahil sa hindi niya iniintindi ang damdamin ko.

I am old enough to understand what he meant. Hindi din naman kasi ako pinalaki na maging isip bata at basta na lang magagalit kung hindi ako pinapakinggan. Though, I know I was a hard headed person before, but I don't have a stubborn attitude.

Nasa kaloob-looban ko din na hindi naman ako galit sa kanya. Sa katunayan, hindi ako galit sa ano man ang nangyayari. This course may not favor me as much as I want it to. Atleast, I was able to see the Duke personally before my death.

"Teirro, I am bored."

"Unfortunately, your grace. I am not."

Napasimangot ako sa tugon ni Teirro. Hindi man lang niya ako tiningnan at nakatuon pa din ang mata sa hawak niyang tablet. Nasa kusina kami at nakaupo siya sa silya kaharap ng kalan. I was boiling hot water for dinner. Sinabi kasi nila kanina pupunta sila sa timog para mangaso ng mga usa.

"Papaliguan kaya kita ng mainit na tubig?" masayang sabi ko. It is like a light bulb suddenly lights up above my head. I gave him a sinister smile when he finally lifted his head to propose his confusion.

"Kailangan ba natin ng doktor ngayon, Madame? Mukhang malala ka na," sabi niya.

"Buong araw kang nakatutok diyan sa hawak mo, baka bukas magpalit na kayo ng mukha n'yan."

"I am monitoring the rates of the Duchy's assets, your Grace. Simula ng mawala ka, bumalik sa akin ang lahat ng trabaho. Hindi naman sa nagmamaktol ako sa dami, sadyang wala akong oras para sa kung ano man ang trip mo ngayon."

Mas napasimangot ako sa tugon nito. Sinandal ko na lamang ang aking likod sa pader at dumungaw sa labas gamit ang bintana. The raining of snow flakes stopped earlier, and the sky is lighter than the last few days.

"Kasama ba ng Duke ang Arc Knights na umuwi?" biglaan kong tanong.

"Yes, Chandice is protecting the young lady of Silverstein. Kasen and Timothy were deployed to another training camp in the forest. Hindi maaari na magkasama lahat ng Arc Knights dahil mabilis tayong matutunton. When his Grace told me he found you, he told me to prepare before I should come."

Napatango na lamang ako. "Nag-uusap ba kayong lahat?"

"Of course, during the training his Grace does every time they leave the hut. Nagkikita 'yan sila, umaatake at dumidepensa. Kung sino man ang mananalo, may pabuya galing sa Duke. It is his Grace's way to train the knights under the cold weather. Matagal ng gawain iyan ni Vyrre, kaya sanay na lahat na bumalik na may ilang sugat at pasa."

"You mean...they are meeting in the forest to fight each other?!" hindi makapaniwala kong sabi. Napatayo pa ako dahil sa narinig ko.

"Kakasabi ko lang, Madame. Kaya kung napapansin mo na ilan sa mga umuuwi ay may sugat, malamang, nagpatayan na naman sila. Don't worry, wala naman talagang namamatay dahil pagsasanay lamang iyon."

Nasapo ko ang aking noo. Kinakabahan ako sa nangyayari.

"Rest assured, your Grace. Hindi lang sila basta nag-aaway, may plano silang sinusunod. You have to trust your husband when it comes to battle tactics. Hindi siya tatawagin na isang mandirigma kung hindi siya marunong magplano."

✓ | The Altered Version (Fate's Transgression Series, #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon