TAV 03: People's Plea

4.1K 214 7
                                    

CHAPTER THREE : People's Plea

Clarinette | Liana

"Dakilang sumbungero ka kasi," hindi ko na napigilan ang pagkabanas ko. Totoo naman. He reported everything to the Duke because he is the butler of the Household. "Kapag may pinadala siyang mensahe, sabihan mo ako. Also, I finished amending the documents last night– thanks to a certain nocturnal cutiepie, I did not even slept a bit."

"H'wag niyo sanang pabayaan ang iyong kalusugan, your grace."

"I like it, anyway." I gently put Sofia on her crib and turn my gaze back to Teirro. "I want to visit the shoreline. I read one of the reports na may mga mangingisda na kinulang sa pera pambili ng mga nasirang materyales. Gusto kong malaman kung gaano kalaki ang pinsala ng bagyo sa mga sasakyang pandagat."

"I could arrange some men for that, your grace. Mas mainam na hindi kayo lumabas muna dahil sa balita nitong umaga."

Umiling ako sa suhestiyon niya. I don't give a damn about that news nor give a fuck about their mouths. Nasa utak ko ang problema ng mga mangingisda kaya kailangan makita ng mga mata ko ang sitwasyon nila. If they are afraid of my looks, and gossips about my kind– well, screw them. Noong tumingin ako sa salamin mukha naman talaga akong multo, pero kung hindi ko iisipin 'yon, maganda naman si Clarinette. She has a beauty that I envy, since her face already shouts gorgeousness even without makeup.

"I need to witness them personally para malaman ko kung anong approach ang nababagay sa kanila. Isa pa, the vineyard—"

"Is well taken care off, your grace. I did as you instructed, some of the workers were hesitant, but they still accepted the money. Matagal pa na panahon makakapag tanim muli ang mga tao, kaya maganda ang suhesyon niyo, madame."

"Well, that is a good starting point. Akala ko tuloy mawawalan ng income ang mga tauhan sa vineyard. I recently remembered that I read a book about strategies to cope during catastrophic events, it is an honor of my knowledge to be out of help." Napangisi ako. Kailangan pala ng matinding akting para paniwalain si Teirro noong nakaraang araw tungkol sa problema sa vineyard.

Bukod kasi wala naman akong nabasang libro, ayaw din ni Teirro na magwaldas ako ng pera. May nangyari kasing bagyo noong nakaraang linggo, at halos nasira lahat ng grapes na siyang dapat ihaharvest na sa susunod na buwan. I had a similar case like this before, when my project for the vineyard inspired clothing line suddenly got hit by a storm.

Ang ginawa ko? Simple, those spoiled grapes can still be used. I made them into refreshments, jams, and even endorsed a natural hair treatment. Naging business proposal 'yong fashion show. Ika nga nila, hit two birds with one stone— Aim to the positive side.

Binili ko ang lahat ng nasira at ipadala dito sa bahay. I can make something out of it. Aside kasi sa isa akong fashionista, isa din akong food buddy. Hindi lahat ng laking mayaman, hindi na marunong sa basics skills to survive. When I was young, I made sure I know how to cook, clean, and do the laundry by myself, dahil alam kong darating ang panahon na kailangan ko ito.

Nakita ko na naman ang ngisi sa mukha ni Teirro. "Kung wala kang gagawin ngayong hapon, samahan mo ako sa dalampasigan. Kailangan ko din pumunta sa planta para pakinggan ang hinaing ng mga magsasaka. Alam ko nasira din 'yong kalahati ng rice field dahil sa sunod-sunod na pag-ulan."

"Pwede naman siguro bukas 'yong isa, madame."

"No, everything needs to be processed today. May gagawin ako bukas."

"Is it improper for me to ask what would be your agenda tomorrow, your grace?"

I know Teirro is curious because he needs to report it to the Duke. Binigyan ko lamang siya ng isang nangiinis na tingin. "Pakisabi sa Duke mo, na huwag siyang mag-alala dahil hindi naman baliw ang pinakasalan niya. The matters of the Duchy will be handled by me, and the matters he needs to handle should be in his care. Fret not, hindi mamumulubi ang amo mo kung umuwi siya."

✓ | The Altered Version (Fate's Transgression Series, #2) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon