love letter

964 15 2
                                    

[Although the names of every characters in this story resembles to the real persons, the plot, however, is purely fictional. Any resemblance to the actual scenario is purely coincidental.  For Ella and Jema's fans out there, this is for you. To positivity and love!]

********

"      hello admins of ADU confession wall, I just wanna drop my confession here on your page. Tawagin n'yo na lang po ako under the pseudo name na  'love'.

Isa ako'ng alumna ng Adamson. I was on a 3 year relationship with somebody  pero taga ibang univ po.  I was really head over heels on her, she was my everything, I have seen my future with her; yung mapapasabi ka na  lang na "she's the one".  Everything went well during the first run of our relationship. We were each other's confidant; she's there for me and surely, I was there when she needed me the most. Love is an understatement para sa nararamdaman ko for her.  During the course sa relationship namin, although may mga major awayan, which I think is normal lang naman sa isang relasyon, nag simula na din kami'ng magpundar ng matatawag ko talaga'ng sa'min lang at pakiramdam ko ako ang pinakamasayang babae sa buong mundo but not until shit happened.

Fast forward on our 3rd year together, nagsimula na kami'ng i-test ng mga malalaking pagsubok. Nagsimula na di'ng maglaho yung tinatawag nila'ng honeymoon phase. Andyan na yung siguro dala na rin sa nasanay na kami sa isa't isa e di na kami nakapag-usap ng masinsinan, yung kami lang, yung tungkol sa'min. Hindi na kami ganoo'ng nag e-effort sa isa't-isa, yung parang hinahayaan na lang namin, nawala na yung spark kumbaga. But don't get me wrong, I was actually fine with that set up, kase naman diba, ang tagal na namin at alam ko'ng kahit gano'n we still love each other. I trusted her with my whole heart and I knew she does the same to me.

Noong mga time na 'yon, nagsidatingan na talaga ang mga problema; career, family, sabay sabay pa. One night, pagkauwi n'ya galing training, she would kiss me on my cheek and then go straight sa kwarto namin ng walang ni hello man lang or how was your day galing sakanya. Nakakapanibago pero inintindi ko na lang, baka she really was not okay, baka bad day sabi ko sa sarili ko. 2 buwan ang nakaraan kase noong gabi'ng 'yon, her mom was rushed on the hospital dahil na mild stroke, buti na lang at di malala ang nangyari. Di malala means naagapan agad ng mga medications kaya she can walk, eat, talk, and behave well like most people do except lang sa uncontrollable emotions which I guess is side effect daw ng stroke at excessive sleepiness. Awang awa ako sakanya noong mga time na 'yon, matutulog lang sa tabi ng hospital bed ng mommy n'ya tapos gigising kinabukas ng 5 am para mag training. Ako din naman, pagkauwi galing training sa condo namin, magbibihis lang ako at magdadala ng damit n'ya at pagkain tapos doon na din matutulog. I was with her, sleepless with her kahit may training din kinabukasan. Inintindi ko s'ya at inalagaan dahil alam ko'ng kailangan n'ya ako and naging ganoon kami until the real shit happened.

Isang gabi noon, umuwi s'ya sa unit namin ng lasing. Gigiwang-giwang s'ya na pumasok sa kwarto at naligo. Simula kase noong makauwi yung mommy n'ya sa hospital, gabi gabi din s'ya na umuuwi'ng lasing. Iniintindi ko na lang din s'ya at hinayaan, alam ko'ng in no time mag o-open up din s'ya sa'kin. Sinundan ko s'ya sa kwarto, tulog, amoy alak, at hindi man lang nakapagbihis. Akma ko na s'yang kumutan ng umilaw ang screen ng cellphone n'ya. May thread ng messages mula sa iisang sender. Babae ang icon picture at 'love' ang pangalan sa contacts.

'I had so much fun tonight, you're extra wild and I love it! :P'

'until now I can still feel your hands doing inside of me, that was so hot! ughhh'

'I missed you already. When am I gonna see you again?  I always crave for you'

'tulog kana ata hahaha! Sige, good night, love. happy monthsary again. I love you po <3'

Nanginginig ang buong kalamnan ko habang dahan-dahang binaba sa bed side table ang cellphone n'ya. Nakatulala ako'ng pumunta sa maliit nami'ng balkonahe at doon nakabaluktot ako'ng umupo sa sulok at walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Ang daming tanong na nag uunahan sa utak ko noong gabi'ng iyon; bakit? Kailan pa? Paano?  Madaming emosyon at hindi ko alam alin doon yung totoo sa hindi; sakit? Galit? Disappointment? Numbness? Sadness? Hatred? Doubts? Hindi ko alam.

Kinaumagahan noon, kinompronta ko s'ya. Hindi s'ya umimik, wala ako'ng nakuhang sagot. Sinabi ko sakanya na iiwan ko na s'ya at makikipaghiwalay na'ko sakanya, hindi pa rin s'ya sumasagot at hinayaan n'ya lang akong humakbang palabas ng pinto. Hindi n'ya ako pinigilan, hindi n'ya ako hinabol na mas ikinadurog ng puso ko. Ang araw na 'to ang pinakakinatatakutan ko sa lahat pero ito, dala-dala ko ang mga maleta ko papuntang parking space para umuwi sa'min sa Laguna. Masakit, mahirap pero siguro nga, hanggang doon na lang kami.

1 month after, she called me on my phone and said she was very sorry and was hoping for another chance. Na sobrang down n'ya lang at wala s'ya sa tamang pag-iisip habang ginagawa n'ya 'yon. Niloloko n'ya ba ako? Isang buwan n'ya ako'ng niloloko at kung di lang nabuking eh wala pang balak na umamin. I didn't gave her the chance that she was asking for dahil alam ko'ng mauulit at mauulit din iyon. I could forgive any mistake you would ever commit, just don't cheat on me. Kaya heto ako ngayon, 3 months ng single hahaha.

Anyway, andito ako so maybe I could find my the one here. To my loml, e-mail me at redroses_88@gmail.com 

I was deeply inspired lang sa Love, Simon kaya baka mahanap ko na din ang akin through exchange of mails. I'm not into rush, let's just have the chance to get to know each other well before diving in, one thing na natutunan ko sa previous relationship ko. 

Thank you sa time sa pagbabasa, sana may natutunan kayo. Hanggang dito na lang.

with love,

love.     "

Love LetterWhere stories live. Discover now