"Ang taray ng mga gold medal, pwede ng isangla to eh. Ang dami ding trophies, meron pang certificates, iba talaga basta EllaDJ! Legend!" manghang komento ni Jema habang iniisa-isa sa pagtingin ang mga nakahilerang mga award na nakuha ni Ella sa iba't ibang larangan na sinalihan nito mula sa elementarya hanggang sa magkolehiyo ito.
"Ay ang taray talaga, hindi lang pala sa volleyball galing tong mga award na to eh!" bulalas nito habang binabasa ang mga nakasulat sa certificates na naka-hang sa pader.
"Ay wow, best debater 2007, champion essay writing 2005, badminton 2009 champion pa oh taray talaga!"
Lumaki ng husto ang mata ni Jema sabay takip sa bibig ng makita ang trophy na naka-display sa shelf ng awards ni Ella.
"What the-- wow! Best middle blocker Palarong Pambansa... ibaaaa!" mas lalo pang lumaki ang paghanga ni Jema para kay Ella ng makita ang mga award nito.
"Taray talaga ni Ella DJ, hakot award! Nakakaloka yung best middle blocker hindi ko inexpect yun. Pahirapan manalo sa Palaro pero s'ya merong isa, grabe naman."
Patuloy lang sa pagtingin tingin sa mga award at larawan. Napako ang kan'yang paningin sa mga naka-frame na larawan ni Ella noong elementary at high school pa ito.
"Teka, sila ate Ly at ate Denden to ah. Ito din si ate Pau!" manghang wika nito ng makilala ang iilan sa mga naroon sa pictures na naka-display.
"Grabe, kaya pala gano'n na lang ka-close at comfortable silang tatlo sa isa't isa, high school pa lang magkakilala na sila'ng tatlo. Bihira lang yung ganto eh, ang galing naman nila." buong paghangang wika ni Jema.
Pinagpatuloy pa ni Jema ang pag libot-libot sa kwarto ni Ella, at kada may nadidiskubri ito'ng mga bagay tungkol kay Ella, pakiramdam n'ya mas nakikilala n'ya pa ng husto ito at gusto n'ya, hindi n'ya mawari pero gusto'ng gusto n'yang alamin lahat ng tungkol kay Ella.
Gusto nito'ng malaman ang istorya ng buhay nito, kung paano ito noong bata pa, hanggang sa mag dalaga at mga struggles sa college.
Intersado ito sa kwento ng buhay ni Ella, at kung andoon lang s'ya kasama n'ya sa silid nito, paniguradong buong gabi lang s'yang magtatanong at makikinig sa kwento nito.
Kung pwede nga lang, kung may time machine ay siguradong sasakay ito at maglalakbay pabalik para makita ng kan'yang mga mata mismo ang bata'ng Ella De Jesus.
Siguro ang cute cute n'ya noong baby pa s'ya. Hindi maiwasang mamula ang mga pisngi ni Jema dala ng mga iniisip n'ya.
Nakita din ni Jema na maraming mga libro si Ella at napag-alaman n'yang Sci-fi at Rom-com ang paborito'ng genre ni Ella sa mga libro. Mas ikinamangha ni Jema ang Twilight book collection nito dahil mukhang favorite n'ya ito.
Tatanungin ko na lang s'ya bukas. Twilight pala ha. Nakangiti'ng wika nito.
Nang matapos at mapagod kakatingin sa mga award at book collection ni Ella ay napagdesisyonan na nitong mahiga na lamang at magpahinga dahil gigising na naman sila ng alas 5 para bumalik sa training kinabukasan.
Habang nag i-scroll si Jema sa Instagram para magpa-antok ay bigla namang nag vibrate ang kan'yang cellphone para sa isang bagong notification kasunod ay ang pag pop up ng icon ni Kyla sa screen.
from: Kyla Atienza
besh sa'n ka?
Naintriga si Jema sa text nito, usually kase kapag mga ganito ang text na natatanggap ni Jema mula kay Kyla ay paniguradong may bagong chismis o importanteng sasabihin.
Kaagad naman nito'ng pinindot ang icon at tinipa ang keyboard para magsulat ng sagot nito.
to: Kyla Atienza
YOU ARE READING
Love Letter
Fanfiction"to fall in love with her soul without even knowing her entire existence; my salvage, my safe haven, and my love." hello this is a Jema x Ella story #jella :)