8 new notifications__
IG: @alyssavaldez_2, @totscarlos and 9 others commented on your post
FB: The Artidote reacted to your comment on their post
3 missed calls from Emma Galanza
2 unread messages from Emma Galanza
1 unread mail from blueberrycheesecake@gmail.com
Napabangon mula sa kinahihigaan si Jema nang mabasa ang pang huling notification sa screen ng cellphone n'ya. Alas 6:30 na ng umaga pero hindi umattend ng training si Jema matapos s'yang lagnatin kagabi. At dahil wala naman s'yang gagawin buong araw, sa bilin na rin ni kapitana Alyssa, ay magpapahinga lang s'ya at babangon lang kung mag c-cr o kakain. Istrikto si Alyssa bilang kapitana kaya kahit labag sa kalooban ni Jema, ay wala ito'ng magawa kundi ang sumunod na lamang.
Dahil buong araw naman s'yang magkukulong sa kaniyang condo, wala'ng ibang libangan si Jema kundi ang mag cellphone, maglaro sa Switch o di kaya ay manood ng movie or shows kaya noong makita ang pang huling notification ay dali-dali n'ya ito'ng binuksan pagkatapos sagutin ang mensahe ng kapatid.
from: blueberrycheesecake@gmail.com
" roses are red
violets are blue...
are they? kidding!
Dear red rose,
Although I haven't been into that length of relationship, I can feel the emotion while reading your confession. That was a brave move needless to say the hidden identity of yours, the fact that you have the courage to speak your pain to the world and be vulnerable, that is huge enough!
I'm just like you, but not much. I'm gay but closeted as hell. Another thing I admire about your confession is your bravery to let the world know who you really are. I wish I was that brave too, I wish I have the courage that you have because I'm tired of pretending, of faking, of hiding who the real me is.
My mail's purpose, solely, is to let you know that you are brave and you deserve to be loved.
yours truly,
blue. "
Tagaktak ang malalaking butil ng pawis ni Jema matapos basahin ang buong liham. Gusto n'yang sumigaw, kiligin, gumulong-gulong kaso paos s'ya at wala'ng sapat na lakas para gawin iyon. Malapad na mga ngiti na lang ang kusang tugon ng kanyang mukha sa kanyang nararamdaman.
Ganito pala feeling ni Simon sa movie? Kinikilig ka kahit di mo kilala sino kausap mo sa kabila. Kaya pala hindi s'ya mapirmi kakahintay ng sagot. Ang galing naman. Aniya sa sarili ng may buong galak.
Inayos n'ya muna ang sarili para humiga mula sa pagkakaupo at tsaka sinimulang kapain ang keyboard ng kanyang cellphone para isulat ang tugon para sa kan'yang misteryoso'ng sender.
to: blueberrycheesecake@gmail.com
Dear blue,
Maraming salamat sa tugon dito sa munting kalokohan ko'ng ito, hindi ko'to inaasahan at english pa talaga hehe. Inaamin ko'ng napangiti ako at na-appreciate ko 'yon.
Well, tama ka, pareho lang tayo, bakla'ng bakla hahahaha. Alam mo ba tagal ko din tinago sa lahat pagiging baklita ko dahil sa, you know, takot din ako'ng mahusgahan, di maintindihan at makaranas ng discrimination. I kept it until nag college ako, doon kase malayo ako sa pamilya ko dagdag mo pa yung factor na nasa isang highly urbanized pa yung univ ko diba edi mas napapalapit sa tukso, tukso talaga haha chareng. Ayon, doon ko din talaga mas na confirm kung ano ako talaga and then dala na rin ng suporta na nakukuha ko mula sa mga teammates ko kaya mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na mag-out.
Dinahan-dahan ko yung pamilya ko and then the world hahaha. Noong una syempre hindi sila sang-ayon pero noong especially dinala ko na yung girlfriend ko which is yung ex ko at nakita nila na masaya talaga ako sa kung sino ako, sinuportahan na nila ako.
And as for you, I know time will come na you'll gain enough courage para mag open up someday. no need to rush.
Sending you virtual hugs.
with love,
red.
Matapos ma-send ang response ay pabagsak n'yang binitawan ang kan'yang cellphone na tumatalon-talon sa foam ng kan'yang kama. Isang malalim na buntong hininga ang kan'yang pinakawalan at nakipagtitigan sa kisame ng kan'yang kwarto habang malalim ang iniisip. Sa pinakaunang pagkakataon, sumilay ang matatamis na ngiti sa kanyang labi, yung ngiti na organiko at walang bahid ng pagpapanggap. Na-miss n'ya ang ganoo'ng pakiramdam, ang maging masaya lang, walang kailangang rason.
" ganito pala feeling ng finally nakakawala kana sa galit, poot, hinanakit mula sa mga nangyari sa nakaraan. Yung tanggap mo na yung kung ano mang nangyari at mas lalo'ng tanggap mo na tapos na 'yon at wala kana lang ibang gawin kundi ang mag move forward at mahalin pa lalo ang sarili mo. Ang sarap naman pala sa feeling!" buong saya n'yang sabi habang nakatingin pa rin ang kan'yang mga mata sa puting kisame ng kanyang kwarto.
Nag iba naman ang ekspresyon ng kanyang mukha ng may maalala.
"Puti pala kulay ng pintura ng kwarto ko? Akala ko yellow. Kaloka!" Tatawa-tawa ito'ng iniling-iling ang kanya'ng ulo dahil sa unang pagkakataon sa loob ng ilang buwan, ngayon n'ya lang napansin ang kulay ng pintura sa kan'yang silid.
YOU ARE READING
Love Letter
Fanfiction"to fall in love with her soul without even knowing her entire existence; my salvage, my safe haven, and my love." hello this is a Jema x Ella story #jella :)