"Jema, teka lang sandali." tawag ni Ella dito nang makita si Jema na naglalakad palabas ng gym.
Alas 7:30 ng umaga, kakatapos lang ng kanilang morning drills and training. Nagsipaglabasan na ang lahat para umalis at kumain ng agahan.
Tiniming talaga ni Ella na hintayin si Jema sa labas ng gym para sana kausapin ito tungkol sa hindi pagpansin sakanya simula kahapon hanggang kanina sa training nila.
Gusto n'ya lang sana linawin kung may nagawa ba s'ya na ikinagalit o dahilan para magbago ang pakikitungo nito sakanya. Dahil ayon sakanya ay wala talaga s'yang maalala na isang sagutan na nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Kung tutuusin nga ay noong huli nilang magkasama ay masaya pa silang kumakain ng sorbetes, nilibre pa nga s'ya nito at niyabangan.
Bagama't naririnig ay nagpatuloy lamang sa paglalakad si Jema na tila parang walang narinig.
Nagulat man dahil sa inakto ng isa ay patuloy pa rin ito sa paghabol sa isa. Kung bibilisan ni Jema ang paglalakad ay dinodoble naman ni Ella ang kanya para lamang mahabol si Jema.
"Teka lang kase..." hiningal na wika ni Ella na halatang pagod na pagod buhat ng pinapagawa sakanya sa training at sa paglalakad ng matulin.
Nakatayo lang ito dalawang metro ang layo kay Jema, sa kaka-ignore ni Jema dito, umabot na ang dalawa sa kalsada sa labas ng gym kung saan nakahilera ang kanilang mga sasakyan.
Huminto muna ito sa paglalakad at hinahabol ang hininga. Nang mapansin ni Jema na huminto si Ella at marinig ang mga malalakas na hingal nito ay tsaka pa lamang nito ni lingon ang huli.
Matulis at mabilis ang ginawang pag ikot ni Jema, salubong ang mga kilay at matutulis na mga nguso ang sumalubong sa paningin ni Ella pagkalingon na pagkalingon nito.
Kahit hinahabol ang hininga ay nakuha pa rin ni Ella na ngumiti nang makita ang kabuuan ng ekspresyon ni Jema.
Ayan na naman s'ya. Ani ni Ella sa sarili. Ginantihan naman ni Ella ang nakabusangot na mukha ni Jema ng isang ngiti.
"Bakit ka nakangiti? May nakakatawa ba?" nakapamaywang na saad nito habang nakataas ang isang kilay.
Nilapitan naman ito ni Ella para mas makita sa malapitan ang buong mukha ni Jema.
Nang makalapit ay di maiwasang mapatitig si Ella ng matagal sa mukha nito.
Ang katatamtamang sikat ng araw na dumadampi sa balat nito na s'yang lalo'ng nagpaliwanag sa kabuuan ni Jema.
Sa kabila ng pagsusungit, inaamin ni Ella na hindi nito nabawasan ni kahit katiting ang natural na gandang mayroon si Jema.
Nagsasalita si Jema at alam nitong nagsusungit na naman ito ngunit bawat salita na binibigkas nito ay naging mabagal, lahat mabagal ng mga sandaling iyon, hindi man alam ni Ella kung bakit ganoon na lamang ang nangyayari pero gusto'ng gusto n'ya at pabor sakanya ang nangyayari.
"Jorella Marie, hello?" malakas na sigaw ni Jema dito habang winawagay-way ang kanang palad sa mga nito.
Napabalik naman sa ulirat si Ella at napakamot na lang ng ulo.
"May sasabihin ka ba? Yung importante sana kase kung wala, uuwi na'ko, gutom ako ngayon kaya kung pwede bilisan mo." pagsusungit nito.
"Yun yung sasabihin ko, actually yan, gusto sana kita'ng ayain, tara breakfast? Same place." nakangiti'ng aya nito dito habang nakataas ang dalawang kilay para kumbinsehin sa Jema.
"Ayoko, wala ako sa mood for pancakes." nakangusong tugon nito pero bakas pa rin ang pag susungit sa tono ng pananalita nito.
Di mapigilang matawa ni Ella, kung bakit ganoon na lamang kabilis ang pag bago ng ekspresyon at emosyon nito.
YOU ARE READING
Love Letter
Fanfiction"to fall in love with her soul without even knowing her entire existence; my salvage, my safe haven, and my love." hello this is a Jema x Ella story #jella :)