11

412 15 3
                                    

"Jema sure kana ba na dito tayo bibili?" paniniguradong tanong ni Ella kay Jema habang mabagal na pinatakbo ang minamanehong sasakyan.

Malapad ang mga ngiti ni Jema habang pinagmamasdan ang mga tao na may kanya-kanya'ng ginagawa sa labas ng palengke.

Mula sa mga kargador na nagbubuhat ng sako-sakong mga gulay, may taga-hila ng bloke-blokeng yelo, mga tinderang nag chichismisan sabay hagalpak ng tawa at maliliit na hampasan, walang ngipi'ng ginang na nakikitawa sa mga kumare n'yang chismosa, driver ng truck ng gulay na may puti'ng panyo na bandana sa noo habang naninigarilyo, mga batang hamog na nag lalaro ng taya-tayaan habang nag aabang ng mga nahuhulog na barya— pihadong namimiss n'ya ang ganoo'ng senaryo.

Naalala bigla ni Jema noong nasa high school pa lang s'ya, hindi man parehong palengke pero magkakapareho naman lahat ng palengke sa Pilipinas, s'ya ang bumibili kada Sabado ng umaga para sa mga kakailanganin nila sa buong araw.

Naalala n'ya din yung mga panahong nakikipag-tawaran s'ya sa mga tindera para lang makatipid, kung minsan pa nga ay binobola n'ya ang mga matatandang tindera gaya ng pagpuri sa mga ito.

Hindi namalayan ni Jema na napahalakhak pala s'ya sa gitna ng kan'yang pagmumuni-muni.

Gulat na napatingin naman ang ngayo'y naghahanap ng mapaparkingan na si Ella dahil hindi na s'ya sinasagot ni Jema na kanina pa tahimik.

"Lah?" gulat na wika ni Ella habang si Jema naman ay kasalukuya'ng nakayuko ng mapagtanto ang ginawa.

Bagama't nahihiya ay nakuha pa rin ni Jema na i-compose ang sarili at sungitan si Ella.

Salungat ang dalawang kilay at matutulis ang mga tingin ng tingnan nito ang kasama.

"Jema, h'wag kang ganyan. I studied Psychology for four years in college and I'm starting to become wary." nagbibiro man ay kalahati ng sinasabi ni Ella ay totoo.

Inismiran muna ito ni Jema bago sagutin ang huli.

"Baliw, naalala ko lang kase yung dati especially nung minsan inuuto ko na yung ibang mga tindera para lang makatawad ako ng malaki-laki. Doon lang kase ako kumukuha ng pang extra para sa baon ko eh." buong pag amin ni Jema.

"Maduga ka pala Jema." tugon naman ni Ella na ginawaran naman kaagad ni Jema ng isang tampal sa balikat habang naghihintay ng signal mula kay Jema.

Mabagal pa rin ang pagpapatakbo ni Ella dahil bukod sa maraming tao lalo na at hapon ay hili-hilera din ang double parking ng mga truck sa bawat gilid ng daan kung kaya't hindi basta basta nakakadaan ang mga sasakyan.

"Joke lang, syempre. Ang tawag d'yan ay life smart. Madiskarte sa buhay, gano'n!" bawi naman ni Ella sa huling sinabi dito.

"Teka, Jema, kanina pa'ko nagdadrive dito, saan ba tayo hihinto, magpapark and anything under the sun?" ani ni Ella habang naghahanap ng pwede'ng maparkingan ng kanilang sasakyan.

"Ay gano'n ba? Akala ko kase stroll ka muna around eh since first time mo nga 'to. Sana sinabi mo." sagot naman ni Jema, nag roll eyes na lang si Ella dito.

"Kanina pa kaya, nag daydream ka lang eh, tumatawa pa, napaka-creepy." pang-aasar naman ni Ella dito.

"Tse! Ang sabihin mo wala ka lang talaga'ng childhood. D'yan na lang sa gilid oh, may bakante para makabili na tayo ng mga kakailanganin para mamaya." sagot naman ni Jema dito.

Gaya ng sabi ni Jema ay sa tabi mismo ng entrance ng palengke sila nagpark. At gaya ng utos ni Jema, siniguro muna nila'ng dalawa na naka-lock ang kotse bago nilisan ang sasakyan. Nagbayad muna sila ng 50 pesos na parking fee sa matandang nagbabantay doon tsaka gumayak papasok.

Love LetterWhere stories live. Discover now