9

405 16 0
                                    

Alas 5 palang ng umaga, linggo, at dahil malayo pa naman ang susunod na PVL conference ay binigyan muna sila ni coach Sherwin ng day off kada linggo para makapagpahinga, mag simba, mag bonding kasama ang pamilya o di naman ay gawin ang mga personal nilang aktibidades.

Maswerte si Ella pati na rin si Jema dahil unang-una, may isang araw sila para makapagpahinga; pangalawa, tila ba timing ang pag inom ni Jema sa Sabado ng gabi at pang huli, may isang araw si Ella para makapag-isip isip dahil hanggang sa mga puntong iyon, para sakanya, lahat ng nangyari noong nakaraang gabi ay tila isang malaking panaginip.

Malalim na buntong hininga at napapikit lamang ito habang inaalala lahat ng mga nangyayari lalo'ng lalo na ang mga nararamdaman n'ya.

Hinawakan nito ang kan'yang mga labi at hinayaan ang hintuturo na maglakbay dito.

Halata ang pagkalito nito sa mga nangyayari dahil balisang balisa ito at hindi ma permi sa kan'yang kama. Magtatalukbong ng kumot, tatanggalin, titingin sa kisame, pipikit, at kung minsay ay nagpapadyak.

Dahil sa hindi ito makatulog dala na rin ng labis na pag iisip, naisipan nito'ng bumaba para magkape na lang at kumain ng kung ano'ng pwedeng makain sa ref nila.

May konting liwanag ng sumisidlak dala ng bukang liwayway ngunit madilim dilim pa rin sa loob. Gayunpaman, naglakad diretso sa kusina si Ella at pinaandar ang heater.

Habang hinihintay nito ang pagkulo ng tubig, binuksan at binusisi nito ang loob ng ref baka sakali'ng may pwede s'yang makain. Ayaw din naman n'yang mag order dahil bukod sa naiwan nito ang kan'yang cellphone sa kan'yang kwarto ay wala rin s'yang specific cravings.

Inisa-isa nito'ng sinilip ang mga tupperware containers ngunit puro ulam lang ang laman nito o di kaya ay karne at isda na maaaring lulutuin maya-maya.

Susuko na sana si Ella at kakain na lang ng chichirya nang mahagilap sa pinakahuling patong ng containers ang apat na Mister Donut.

"Nice!" mahinang wika ni Ella at kaagad na inilabas ang container.

Hindi na nito isinalin pa ang mga donut sa plato, dala-dala ng kan'yang tasa na may mainit na kape ay napili nito'ng tumambay sa kanilang veranda sa likod ng kanilang bahay para makapag muni-muni.

Hindi man kita ang mismong pag angat ng araw ay halatang halata ang dahan-dahang pagliwanag ng paligid. Nag aagaw ang kulay asul at sinag ng araw sa mga oras na 'yon.

Aliw na aliw na pinagmasdan ni Ella ang umuusok nito'ng hininga dahil sa lamig na dulot ng umaga. Tumayo ito at pumunta sa saradong sliding window at hiningahan, pagkatapos ay gumuhit ito ng dalawang magkatabing tuldok sa ibabaw sabay guhit ng kurbang linya sa ibaba nito.

Lingid sa kaalaman ni Ella ay kakagising lang din ng kapatid n'yang si Joyce at kani-kanina pa pala nito'ng pinagmamasdan ang ginagawa ng nakababatang kapatid.

Gaya ni Ella, ay aliw na aliw din ito'ng pinapanood si Ella. Bigla na lang kase nito'ng naalala ang mga kalokohan nila noon at napagtantong masyado nga yata'ng mabilis ang pagtakbo ng panahon at naging busy na silang lahat sa kani-kanilang mga personal na mga responsibilidad.

Nang maaninag ang repleksyon ng isang pigura sa loob ay awtomatikong napatigil si Ella sa ginagawa at nakaramdam ng kaonting hiya. Kahit hindi masyadong kita kung sino, sa hubog ng katawan pa lang ay kilala'ng kilala na nito kung sino ang nakatayo sa loob.

Nang makita'ng humahakbang ito papalapit sakanya ay tsaka na rin dahan-dahang naglakad pabalik sa veranda si Ella at nagkunwaring hindi ito nakita.

"Aga mo yata nagising ngayon ah, kala ko ba day off?" bungad na tanong ni Joyce nang makarating sa veranda.

Love LetterWhere stories live. Discover now