Sugar, yes please
Would you come and put it down on me?
I'm right here (right here), 'cause I need ('casue I need)
Little love, a little sympathy
Yeah you show me good loving, make it alright
Need a little sweetness in my lifeMalakas na tugtog ng Maroon 5 ang bumungad kay Jema habang naglalakad sa address na sinasabi ng mysterious sender n'ya.
Tiningnan n'ya ulit ang kan'yang cellphone para i-check yung iniwang instructions nito.
"Kumakain ng Creamline ube ice cream, naka white heart strong shirt at naka blue Ateneo hoodie. Tapos may pa I'm a familiar figure pang nalalaman, sa dami ng kakilala ko malay ko kung alin doon sakanila." bulalas ni Jema habang nag iikot sa area. Palinga-linga ang tingin, nagbabakasali'ng may mahagip na isang 'pamilyar na pigura'.
"Pag nalaman ko talaga kung sino 'to, kukutungan ko 'to sa ulo. Ang laki laki ng area na 'to, sana pala sinabi n'ya hide and seek gagawin para naman ma-aware ako kahit papano." dagdag nito.
"Niloloko lang ata ako no'n eh. Kainis talaga." malungkot na wika nito.
Naglibot libot pa rin si Jema at iniisa-isang tingnan ang mga taong nasa listahan ng palatandaan n'ya.
Kung may naka blue hoodie man, hindi naman Ateneo. Kung may naka white shirt, minsan walang hoodie o di kaya ay gray ang kulay ng hoodie. Meron namang naka white shirt and blue hoodie pero hind Ateneo at wala ding kinakaing ice cream. Meron din namang kumakain ng ice cream kaso kung hindi pamilya, ay wala sa nabanggit na mga kasuotan. At kadalasan pa sa mga kinakain ng mga ito ay hindi flavored ube ang ice cream.
Isa pa sa challenge para kay Jema ay ni hindi nito binanggit ang gender nito. Hind n'ya alam kung alin sa daan-daang mga taong naroon ang hinahanap n'ya. Walang kasiguraduhan, purong hula talaga.
Mag tatatlumpong-minuto ng naghahanap si Jema pero hindi n'ya pa rin ito mahanap at lalong wala s'yang ideya kung sino o ano ito.
Susuko na sana si Jema uuwi na lamang ng may tumawag sakanya.
"Jema!"
Isang pamilyar na boses na halos araw-araw na n'yang naririnig.
Dala ng kyuryusidad at labis na pangangabog ng dibdib, ay dahan-dahan nitong tiningnan kung saang gawi naroon ang boses at nang malaman kung sino ito kahit pa may ideya na s'ya kung sino ito. Nais n'ya lamang makasiguro.
Katatamtaman lang ang liwanag na tumatama sa tindig nito, mag aalas singko na kaya nag aagaw na ang liwanag at dapit-hapon dahilan para maaninag nito ang may-ari ng boses.
Isang pamilyar na pigura.
Isang pamilyar na pigura. ani ni Jema sa sarili.
5'2 ang tangkad, may suot na puting shorts, itim na converse shoes, naka Ateneo blue hoodie na bukas ang zipper sa gitna at kita'ng kita ang Ateneo Heart Strong print dito habang hawak-hawak ang 1 liter tub ng Creamline ice cream na ube flavor at nangangalahati na.
Kumakaway pa ito sakanya habang ngumiti ng napakalapad sa kanya, para lang sakanya.
"Hi Jema!" magiliw nito'ng bati kay Jema mula sa di kalayuan.
Halos mapako si Jema sa kinatatayuan, malakas ang kaba ng dibdib, at hindi halos makapagsalita.
Kahit kailan, hindi n'ya inasahan na ang mga email palang iyon ay galing kay...
"Ella..." mahina at nauutal na wika ni Jema.
Ngumiti lang ito at dahan-dahang naglakad papunta sakanya.
Para kay Jema, ang bawat hakbang na ginagawa ni Ella ay halos isang minuto ang pagitan. Lahat ng nasa paligid n'ya ay bumabagal. At lahat ng tunog ay naglaho sa kan'yang pandinig at tanging kay Ella lang ang naririnig n'ya.
"Hi Jema" magiliw na bati nito habang inilapit ang mukha sa mukha ni Jema at ngumiti.
"ikaw ang anonymous sender ko?" diretsahang tanong ni Jema dito, walang salitang lumabas mula kay Ella bilang tugon. Bagkus ay nginitian n'ya lang ito at inaya na umupo kung malapit sa dagat habang naka-bitay ang dalawang mga paa.
"Gusto mo?" sa halip na sagutin ang tanong ni Jema ay inoffer nito ang bitbit na patunaw ng ice cream.
Wala namang sagot din si Jema at tsaka kumuha ng plastic spoon at nakikain sa ice cream na dala ni Ella.
"Alam mo bweset ka, ang init init kanina pinapahanap mo pa ako, ang lagkit lagkit tuloy ng pawis ko." maktol ni Jema dito na tinawanan lang ni Ella.
"Eh kaya nga ako may inihandang ice cream, dahil alam kong mapapagod ka. Pambawi, okay naba yan?" ani ni Ella.
"Hindi ayoko, gusto ko ilibre mo'ko ng steak mamaya dahil feeling ko magugutom ako." kunwaring pagsusungit ni Jema dito, ngumiti lang si Ella at tumango dito sabay tingin sa papalubog na araw.
Nang makitang tahimik si Ella at nakatingin sa malayo, ibinaling na lang din ni Jema ang tingin sa papalubog na araw. Payapa silang tingnan sa malayo, tahimik at pawang nakangiti ang mga labi.
Mahigit sampung minuto silang tahimik hanggang sa binasag ito ni Ella at nagsimulang magkwento.
"Alam kong naguguluhan ka, pero alam mo ba, feeling ko yung pinakamatapang kong ginawa ngayong taon at siguro sa buong buhay ko ay ang mag e-mail sa'yo." pag aamin ni Ella dito.
Mataman lamang na nakikinig si Jema sa karugtong ng kwento. Nang walang makuhang sagot mula sa kausap, pinagpatuloy ni Ella ang kwento.
"I've never been honest with myself, not until I saw your confession randomly. The craziest part of it was that I knew in that particular moment that it was you who did the confession. The way you construct your sentences, they way you write, that's very you." pag amin ulit ni Ella na ikinagulat ni Jema.
"Pa-pano mo alam na ako yun? Tsaka pano ka naman nakakasigurong ako yun?" paninigurado ni Jema dito.
"Jema, I studied Psychology in college. The way a person writes reflects on his or her personality." payak na paliwanag ni Jema.
"That's crazy!" manghang tugon nito.
"I know right, that's why I love psychology. It discovers so many wonders about humans." pagbibida ni Ella sakanya.
"So ayun, maybe kase I knew that it was you who wrote that na nagkalakas na rin ako ng loob na... somewhat mag lantad ng identity ko. I knew I was gay but then I kept on denying it to myself until finally, on that night, I had the courage to admit it and just let it be that way." pagkukwento ulit ni Ella.
"I adore your braveness, your wholesomeness, your mindset, your mantra. You're very vocal about what you want and I like it." Paunang hirit ni Ella dito.
"And in everyday that I am with you, everything feels light, everything feels great, everything feels... right." madamdaming wika ni Ella kay Jema habang direktang nakatitig sa mga mata ng dalaga.
Napatingin naman si Jema sa kinaroroonan nito. Nagtitigan ang dalawa hanggang sa magsalita ulit si Ella.
"I know it's absurd and I don't really know how to do it because honestly this is the first time I'm ever gonna do this to someone..."
Bagama't kinakabahan ay hinihintay muna ni Jema na magsalita si Ella at klaruhin ang sinasabi nito kaysa mag assume.
"I'm willing to do this every day and will be patient with you until you're ready and we're mutual..."
Matamis ang mga titig ni Ella sa kinakabahang si Jema. Nakangiti ito at masuyong binigkas ang mga salita.
"Kung papayag ka, liligawan sana kita."
YOU ARE READING
Love Letter
Fanfiction"to fall in love with her soul without even knowing her entire existence; my salvage, my safe haven, and my love." hello this is a Jema x Ella story #jella :)