Limang araw mula noong insidenteng iyon ay balik na sa ensayo si Jema. Kada alas 5 ng umaga ay maaga s'yang bumabyahe para sa kanilang morning drills especially at papalapit na ang open conference ng PVL.
Sabado, alas 7 pa lang ng umaga pero ramdam na ramdam na ang hapdi ng init kapag dumadampi sa kanilang balat. Kakapasok lang nila sa gym matapos ang 30 laps sa oval ng Moro Lorenzo field sa Ateneo. Si Alyssa, si Jia at iba pang teammates ay kanya-kanya'ng kwentuhan habang naka 10 minute water break sila.
Pansin naman ni Ella na tahimik lang sa isang sulok si Jema at himalang di nakikipagdaldalan sa iba. Dahil sa kyuryusidad at concern ay di na ito nagdalawang isip na lapitan ang huli.
"hey..." unang bati ni Ella na tinabihan si Jema sa pag upo.
Nagulat ang huli at nilinga ang ulo kung sino ang nagsalita. Tipid na ngiti lang ang isinukli ng isa.
"may problema ba?" tanong ni Ella ng walang makuhang sagot mula kay Jema.
Iiling iling nito'ng tugon bago magsalita.
"Wala naman, te. Actually, di ko rin talaga alam, alam mo yun, di ko ma explain."Tango ang ginawa ni Ella bilang tugon na naiintindihan n'ya ang nais nito'ng iparating.
"Akala ko kase talaga okay na'ko eh."
Pahabol na tugon ni Jema kay Ella.Napatingin naman si Ella sa kinaroroonan ni Jema at inoobserbahan ang ekspresyon ng mukha nito.
"May nangyari ba?" malumanay na tanong nito.
"You can tell me, makikinig ako." dagdag pa nito.
Napakagat labi si Jema, nagdadalawa'ng isip kung magsasalita ba s'ya o hindi.
"Ate, nahihiya ako" mahinang sagot nito, dahilan para mapangiti ang huli.
"Ano kaba, teammates tayo kaya dapat tanggalin mo na 'yang hiya hiya na yan." sinserong ngiti ang iginawad ni Ella kay Jema para iparating na hindi nito huhusgahan ang sasabihin sakanya.
Nakuha naman ni Jema ang ibig sabihin noon at naramdaman ang sinserong concern ni Ella para sakanya.
Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong hininga bago magsalita.
"Ate, Deanna called me last night, again."
Tumango lang si Ella.
"And then, what happened?"
"She asked me again for another chance, if pwede ba namin ayusin yung problema namin. Kase daw sayang, kase daw hindi daw n'ya kaya mawala ako sa buhay n'ya."
Tumatango lang si Ella habang nakikinig sa kwento ni Jema.
"Tapos, I declined her again."
"Why?" curious na tanong ni Ella.
"Don't you still love her?"Isang malalim na buntong hininga ulit ang kan'yang pinakawalan bago sagutin ang tanong ni Ella.
"I don't love her anymore, ate." sabay titig nito sa kausap.
"That chapter of my life has been closed. Ayokong makipagbalikan dahil alam kong uulitin n'ya rin naman 'yon. Once a cheater, always a cheater." Mapait na ngiti ang sumisilay sa mga labi ni Jema habang binabanggit ang mga salita.
"I told her last night na ayoko na at tigilan na n'ya ko. Na sana galangin n'ya yung desisyon ko dahil kung ano ma'ng meron sa'min dati, hanggang doon na lang 'yon. I cannot love her and the same time suffer every night thinking, being paranoid kung sino na naman nakahalikan n'ya, kung sino kasama, sino kausap sa cellphone... nakakabaliw yun ate!" pasukong sambit ni Jema na pinipigilan lang na tumulo ang mga luha sa kan'yang mga mata.
Hinagod naman ni Ella ang likod ni Jema para pakalmahin ito dahil nagsimula ng mamula ang mga pisngi nito dala ng emosyon.
"I understand."
"You know what she did? She called me unfair, she called me names you would never imagine na lalabas sa mga bibig n'ya at 'yon ang mas kinasaktan ko. Akala ko maiintindihan n'ya ko, hindi basta-basta'ng trauma ang binigay n'ya sa'kin. Na dahil sakanya, sa ginawa n'ya para'ng ang hirap hirap magtiwala ulit kase feeling mo sisirain lang din ulit." Nakayukong tugon nito upang itago ang tumutulo'ng luha sa kan'yang mata.
"I'm so sorry to hear that. Kahit ako, ganoon din naman ang gagawin. You know what, yung ginawa mo, that's the right move to do. Sabi nga nila, build boundaries, and make yourself your top most priority. If the energy doesn't resonate, ba't ipipilit pa diba?"
Makahulugang tugon ni Ella habang hinahagod pa din ang likod ni Jema para tumahan na umiiyak pa rin."How could she do that to me? How was I being unfair when in fact s'ya lang parati ko'ng iniisip, yung welfare n'ya, yung happiness n'ya bago ako. Yan ba yung unfair?" Tanong ni Jema kay Ella habang tumatagaktak ang mga luha nito.
Awang awa naman si Ella sa kasalukya'ng sitwasyon ni Jema. Nagkasalungat ang kanila'ng mga mata at kita'ng kita n'ya kung gaano kabigat ang sakit na dinadala nito.
"S'ya na 'tong nagloko, s'ya pa 'tong may kapal ng mukha na magalit dahil lang tinanggihan ko yung hiling n'ya?" Dagdag pa nito.
Pansin ni Ella na nakakahalata na ang iba nila'ng teammate kaya nagpaalam muna ito kay Jema na kakausapin lang n'ya saglit si Alyssa. Tango lang ang tanging sagot ni Jema dito.
Sa baba, habang nag i-stretching si Alyssa kasama nina Celine at Jia, ay pabulong nitong kinausap si Aly.
"besh, asan si coach ba't wala pa?" tanong ni Ella dito dahilan para mapatingin ang tatlo sa kan'yang gawi.
"Nakakagulat ka naman, Ells. Wala asa labas may kausap pa yata sa phone n'ya." Sagot nito.
"Ate Ells, okay lang ba si Jema?" nag aalala'ng tanong ni Jia dito.
"Hindi eh, kaya nga ako pumunta dito kung sana payagan mo kami'ng lumabas muna, ayain ko lang si Jema na magpahangin. Ikaw na sana bahala rumason kay coach kung sakali'ng hanapin kami." paliwanag ni Ella kay Alyssa habang papalit palit ang tingin sa tatlo..
"Oo, sige wala nama'ng problema 'yon. Sige samahan mo muna yung isa kase mukhang di talaga s'ya okay." Nag aalala di'ng tugon ni Alyssa.
"Salamat besh ha, mamaya na lang ako magkwento sa inyo, mauna na'ko." paalam ni Ella sa tatlo bago bumalik sa kinaroroonan ni Jema.
Naabutan ni Ella na nakatalukbong ang tuwalya sa ulo nito at rinig pa rin ang mumunting pag iyak nito.
Dahan dahan nito'ng nilapitan ni Ella para di magulat sa kan'yang presensya. Mahina nito'ng tinapik ang balikat ng huli bago magsalita. Tinanggal naman nito ang tuwalya at blanko'ng tiningnan ang ngayo'y nakangiti'ng si Ella.
"Gusto mo breakfast tayo? D'yan lang sa labas malapit dito, sa favorite spot namin nila besh. Libre ko." Nakangiting aya nito kay Jema na dahilan para ngumiti din ang huli.
"Magugunaw na yata ang mundo, ikaw talaga manlilibre?" Natatawa'ng sagot ni Jema habang sinisinghot ang sipon nito dahil sa pagluha.
"Correct. Kaya halika na dahil first time ko 'to gagawin at ang swerte mo dahil ikaw ang unang makakatikim ng libre ko." Natatawa na ding sagot nito. Masaya si Ella na kahit papaano ay ngumiti na din si Jema.
"Sige ba! Hindi ko talaga papalampasin ang pagkakataong ito!" Sagot nito at nauna nang maglakad palabas ng dug out.
"Hoy Jema madaya ka, palibhasa mahaba biyas mo iiwan mo na lang ako. Sige ka baka magbago isip ko." Pabiro'ng pagbabanta ni Ella kay Jema.
Natatawang nilingon naman ni Jema kay Ella na inaasar ang huli. At imbes na magdahan dahan ay mas lalo pa nito'ng binilisan ang paglalakad.
"Ah gano'n ha..." sagot nito kay Jema bago humarurot sa pagtakbo.
Rinig na rinig ang halakhak ng dalawa hanggang sa paglabas.
Sa di kalayuan, nakangiti'ng pinagmamasdan ni Alyssa ang dalawa na masaya sa nakikita n'ya para kay Jema at para kay Ella dahil magaling talaga ito magpa pawi ng lungkot.
"Good job, besh." nakangiting tugon nito habang pinagmamasdan ang onti onting paglaho ng anino ng dalawa sa pinto ng dug out.
YOU ARE READING
Love Letter
Fanfiction"to fall in love with her soul without even knowing her entire existence; my salvage, my safe haven, and my love." hello this is a Jema x Ella story #jella :)