15

837 26 22
                                    

"Ella, I'm sorry. Hindi ko matatanggap yung offer mo." 

Hanggang ngayon sumasagi pa rin sa isip ko yung nangyari last week. It's been a week already but the pain has deepened its roots inside me. Buti na lang pinayagan ako ng Creamline management to have seven day sick leave.

Kuntsaba ko si Ly, kung anu-ano na lang na sa sakit yung inisip namin para lang makalusot sa management. Ending yung excuse ay nagkaroon ako ng measles kono pero okay na yun, at least, for the mean time, I'll have some time to re-think and to re-evaluate my decisions as of now. 

I never thought I would have my heart be this broken. So this is how it feels, this is how unrequited love feels. It's painful in a most unexplained way. There was never a day that I wasn't thinking of Jema or kung hindi man s'ya eh yung nangyaring rejection.

I'm so weak when it comes to this, dinadamdam ko talaga ng sobra.

I spent my whole vacation here in Batangas, private resort nila Ly. Ly insisted na dito na lang daw muna ako so she and my family would have peace in their minds na wala akong ibang gagawin dito. Inihabilin n'ya ako sa care takers dito, mag asawa na nasa mga 50s ang taga pangasiwa dito. 

Gaya ng utos ni Ly, alagang alaga nila ako dito, minsan nga kung may free time si nanay Esme o Esmeralda, kinakausap n'ya ko. Noong una medyo nag aalinlangan pa akong mag open up tungkol sa mabigat na pinagdadaanan ko nitong nakaraang linggo, takot na mahusgahan o pandirihan.

Hindi naman sa nilalahat ko pero hindi ko rin naman masisi yung sarili ko'ng maging cautious especially yung mga ka-edad ni nanay medyo hindi masyadong tanggap at kalawak ang pang unawa tungkol sa same sex relationship pero to be fair sakanya, I tried. 

Sinubukan ko, at hindi ako nabigo. Nanay Esme never judged, instead, she listened, she sympathized with me. Everytime na naalala ko how great that talk was, I couldn't help but to smile.

flashback

"Neng, ikaw ba'y okay laang diyan?" 

Naputol ang pag mumuni-muni ko ng makarinig ng boses mula sa unahan. Ang cute ng dialect nila dito, napakamalumanay. 

"Ay opo, bakit po?" 

"Wala naman, ako ay nagtatanong laang. Napakalalim kase ng iniisip mo,  pakiwari ko'y nalulunod ako sa lalim ng iyong buntong hininga." Napangiti ako. 

"May iniisip lang po" tipi kong sagot.

"Ay baka nais mo ng kakwentuhan, ako ay uupo dito sa iyong kanan at makikinig laang." Napakulit ni nanay, ang cute. Hindi ako nag oopen up basta basta pero di naman ako kilala nito eh tsaka kailangan ko rin talaga ng kausap, why not give it a shot?

"Nasawi ho sa pag-ibig eh." nahihiyang pag amin ko dito.

"Ay! Kagag* pala ng lalaki'ng iyon eh! Pagkaganda-ganda mo'ng dilag eh sinayang pa. Mga lalaki talaga." naiiling at di makapaniwalang wika nito. Napangiti na lang ako.

"Ay nanay, sa babae po hindi sa lalaki."

Noong una gulat na tiningnan muna ako sa mata ni nanay Esme para tingnan kung nagbibiro lang ba ako. Nang masiguro'ng hindi nga ako nagbibiro, ay nagpakawala muna itong isang napakalalim na buntong hininga bago ako sinagot.

"Kasintahan mo ba ang dalagang iyon" 

"Nililigawan po, liligawan pa sana pero wala eh, di sinuwerte." malungkot na wika nito.

"Yaang nararamdaman mo ay normal laang. Ngunit hindi ba at yaang pagkasawi ay dapat ding ipagdiwang sapagkat dine mo malalaman kung ito ba ay s'yang ipanagkaloob na tunay ng langit?" napatahimik ako sa sinabi ni nanay Esme, totoo din naman kase, hindi din naman sa lahat ng pagkakataon pabor sa atin ang kapalaran.

"Nasaktan ka dahil nabigo ka, ibig sabihin lamang diyan ay may mas malaki at magandang nakalaan para sa iyo. Sinalba ka lamang ng panginoon nang maaga ng sa gayon ay yaang sugat hindi na mas lumalim at makapaminsala sa iyo ng husto." napabuntong hininga na lang ako habang binibitawan ni nanay Esme ang kanyang mga makahulugang mensahe.

"Huwag mo sana'ng masamain ang aking winika pero hindi ba't kung iyong dilag ay para nga sa iyo eh mapupunta at mapupunta pa rin s'ya sa iyo harangin man ng tangke. Hindi nakokontra ang itinadhana." makabuluhang ngiti ang binitawan ni nanay Esme habang inaayos ang mga dala na kakailanganin sa kusina.

"Palipasin mo na muna iyan, marami pang oras." huling wika ni nanay Esme bago tuluyang nilisan ang aking kinaroroonan.

back to the present

Kung di dahil kay nanay Esme at sa kanyang asawa, baka hanggang ngayon umiiyak pa din ako.

Tama si nanay Esme, kung sino nga dumating ay talagang para sa akin nga. Huwag ng ipilit at hayaan ang kapalaran ang magdikta.

Ngunit, sakabilang banda, sa kaibutoran ko, nag dadasal pa rin ako na sana kung dumating man ang tamang panahon, sana s'ya pa rin. Hinding-hindi ako magsasawanv piliin s'ya sa araw-araw.



[ life update: naisingit sa schedule]

thank you for your patience, that means the world forever

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love LetterWhere stories live. Discover now