6

429 12 4
                                    

1 notification

@blueberrycheesecake@gmail.com

'  Dear red,
                    hello, how are you? Me, just doing fine. Thank you for the response, it sure gave me confidence and made me feel better. I was wondering, have you ever fallen in love with your friend? Cause I think am.
                     I mean, who wouldn't? She's talented, she has the most beautiful smile, her eyes sparkle and everytime they stared at me, I swear, I froze and get mesmerized, how she laughs, how she act— I just love everything about her. I wish this girl, if she wouldn't be mine, then be happy and that may the person she'll love reciprocate the love energy she'll offer. I wish I could write her love letters the way how I imagined it to happen everytime. 
                     I guess I said a lot of nonsense things. Anyway, thank you for your wisdom and have a great day!

— Blue.      '

Malapad ang mga ngiti at maaliwalas ang mukha habang binabasa ni Jema ang email na natanggap mula sa kan'yang misteryosong sender. Labis ang pagkahumaling nito na hindi na pala namalayan ang pagdating ni Pangs na kani-kanina pa pala nakatayo sa harapan n'ya at tila inoobserbahan ang ekspresyon ng mukha at mga mumunting tawa nito.

Nang mai-alis nito ang mukha sa screen ng kan'yang cellphone ay nagulat na lamang ito ng madatnan n'ya ang seryosong mukha ni Pangs na titig na titig sakanya. Nakahawak ang dalawang kamay nito sakanyang dibdib at napaatras ng kaonti mula sa kan'yang kinauupuan.

Magtatype na kase sana s'ya ng ma-mataan ang isang pigura sa kan'yang harapan, kaya gano'n na lamang ang kan'yang reaksyon.

"Hoy Jemalyn, lapad ng mga ngiti ah." Panunukso ni Pangs dito habang naka-ngisi at itina-taas baba ang dalawang kilay.

"Sino yan? Ikaw ah..." dagdag nito dahilan para makatanggap s'ya ng irap mula kay Jema.

"Secret." wika ni Jema.

"Jowa mo? Taray!" wika ni Pangs na ngayo'y uupo na para tabihan si Jema.

"Hindi ah, wala pa sa plano ko ang jowa jowa. Nagbabasa kase ako ng Wattpad story dito sa cellphone ko kaya ako nakangiti, ikaw talaga, jowa agad?" mahabang pagsisinungaling ni Jema para hindi na s'ya kulitin ulit ni Pangs.

"Mag jowa ka na para hindi kana masyadong magtataray dito sa practice." pangungumbinse ni Pangs dito.

Inismiran lang ito ni Jema.

"Wala pa sa plano ko yan ngayon. Pero may crush ako." taas baba ang mga kilay nitong sabi.

"Parang high school lang." natatawa'ng biro nito kay Jema na s'ya namang ikinasimangot ng huli.

"Bakit, pag hindi na ba high school hindi na pwede'ng magka-crush?" pagmamaktol nito.

"Hindi naman. Pero teka, sino yang crush na yan? Kilala ko ba?" Pang uusisa nito kay Jema.

Nilapit pa nito ng kaonti ang ulo kay Jema. "Pwede mo ibulong kung confidential, atin atin lang promise." dagdag na wika ni Pangs kay Jema.

"Kilala mo at secret." sabay halakhak ng malakas ng makita ang nakabusangot na mukha ni Pangs.

"Teka, nasaan si Ella at Tots? Bakit wala dito?" Habang nilinga-linga nito ang paningin sa buong gym.

"Bakit? Na-miss mo'ng asarin si Ella na naman noh? Kayo talaga'ng dalawa, pareho ang kukulit." Naiiling na wika ni Pangs habang inaalala ang mga palitan na asaran nila Ella at Jema.

"Nagpasama lang si Tots kay Ella sa sasakyan n'ya, may kukunin daw sila."  Paliwanag ni Pangs dito habang inaayos ang sintas ng sapatos n'ya.

"Ah..." tanging tango lang ang naisagot ni Jema dito.

Love LetterWhere stories live. Discover now