"Jirah, siguraduhin mo'ng mag be-behave ka do'n ha, baka may dudukutin ako'ng mata sinasabi ko sa'yo!" pagbabanta ni Jia sa kasintahan habang naniningkit ang mga mata na nakatingin direkta sa mga mata ng kausap.
Ngumiti naman si Jirah dahil umaandar na naman ang pagiging selosa ni Jia at malambing at masuyo ito'ng hinalikan sa noo pagkatapos ay iniyapos ang dalawang mga kamay sa kay Jia.
"Napakaselosa mo talaga mahal. Promise po, behave ako doon at tsaka family ko lang ang kasama ko kaya wala kang dudukuting mata, okay?" malambing na pang-aalo ni Jirah sa nobya.
"i-text mo kaagad ako ha kase probably if you'll call i won't be able to pick it up, matatapos na yata yung 30 minute break eh." malungkot na wika ni Jia habang nakatingin pa rin si Jirah sakanya at nakayapos pa rin din ang mga kamay nito.
Hinalikan ulit ni Jirah ang noo ng nobya, alam kase nito'ng hindi marunong magdala si Jia ng emosyon lalo na pag galit o malungkot kaya nilalambing n'ya ito para kahit papaano ay gumaan ang overwhelmed emotion kumbaga na nararamdaman ni Jia.
"Yes, mahal. I will." paninigurado ni Jirah dito sabay ngiti ng napakalapad.
"Be safe there, okay? I'm gonna miss you, baby." malambing na wika ni Jia habang isiniksik nito ang ulo sa pagitan ng leeg ni Jirah.
"I'm gonna miss you too, honey. Be safe din sa training." wika ni Jirah habang hinahagod ang likod ni Jia.
Matapos ang ilang segundo ay bumitaw na si Jia mula sa pagkakayakap kay Jirah at matamang tiningnan ito sa mata.
"See you next week, baby." malambing na wika ni Jia dito habang ang kanang kamay ay nakalapat sa kaliwang pisngi ni Jirah.
"You'll come home to me, okay?" dagdag pa nito na mas ikinalapad pa ng ngiti ni Jirah.
Gumanti naman si Jirah at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Jia habang tinitingnan din ito direkta sa kan'yang mga mata.
"You are my home, Jia." buong suyong wika ni Jirah sa kasintahan.
Malambing at masuyong hinalikan ni Jia si Jirah sa labi.
"Maniniwala na talaga ako kay ate Ella, ginayuma mo nga talaga ako, baby." nagtawanan ang magkasintahan dahil parati ito'ng sinasabi ni Jia, at para kay Jirah, ito ang paraan ng pagsabi ni Jia ng i love you.
"Mas mahal kita, Jia. Walang gayuma ano kaba, charms lang talaga." pagyayabang nito.
"Ayan kana naman, umalis kana, hinahanap kana nila." natatawang tugon ni Jia dito.
"Bye, love." wika ni Jirah habang naglakad na palabas papunta kung saan naka-park ang van na gagamitin ng pamilya ni Jirah para sa kanilang bakasyon.
"Enjoy!" sagot ni Jia habang tinitingnan ang papalayong pigura ni Jirah. Nang hindi na makita maski ang anino ni Jirah ay pumasok na din si Jia sa gym.
Sa di kalayuan, kanina pa pala nakiki-usyoso si Jema sa ginagawa ng dalawa habag si Ella ay walang pake at ngumuya ng fish ball hawak-hawak ang dalawang malalaking baso na puno ng fishball, kikiam, at kwekwek.
Si Ella ang taga hawak sa pagkain nila habang si Jema naman sa drinks nilanh dalawa.
"Ano tapos ka na ba makichimis d'yan?" prenteng tanong ni Ella kay Jema na nakayuko at nagtatago sa mga halaman sa labas ng gym.
Tumayo naman si Jema at tsaka kumuha ng fishball.
Nagpakawala si Jema ng buntong hininga na s'ya namang ikinagulat ni Ella.
"Buntong hininga talaga? Ano ba nahagilap mo?" nagtatakang tanong ni Ella dito.
"Grabe!" tanging salita na lumabas sa bibig ni Jema.
YOU ARE READING
Love Letter
Fanfiction"to fall in love with her soul without even knowing her entire existence; my salvage, my safe haven, and my love." hello this is a Jema x Ella story #jella :)