12

392 14 2
                                    

"So Jema, tama ba?" ani ng ina ni Ella habang ina-assist ang dalawa sa kusina.

Pagkarating kase nila Ella at Jema sa bahay nila Ella ay tanging ang kanilang katulong ang nakasalubong ng dalawa dahil nasa trabaho pa daw ang mga magulang at kapatid nito.

Tinawagan ito ni Ella sa kan'yang cellphone at tinanong kung makakauwi ba sila ng maaga at sinabing pauwi na ang mga ito.

Naikwento din ni Ella na may dinala s'yang teammate para sa hapunan. Habang binabanggit ni Ella ang mga salita'ng iyon ay papula nang papula din ang mukha ni Jema.

Kung tutuusin, wala lang naman talaga ang mga iyon dahil kaswal at normal lang din naman na ipagpaalam mo sa mga magulang mo'ng may dinala kang bisita sa bahay n'yo ngunit ang hindi maintindihan ni Jema ay kung bakit ganoon na lamang kalakas at kabilis ang tibok ng puso n'ya.

Hindi mawari pero kung ilarawan ay inaamin ni Jema sa sa sarili'ng kinakabahan s'ya pero yung hindi n'ya matukoy-tukoy kung ano ang dahilan no'n.

Normal lang kabahan kase first mo mame-meet ang parents ng teammate mo, normal lang naman yun, normal lang ang kabahan, tao ka lang ano ka ba, syempre may puso ka, may utak, edi may karapatan kang kabahan. Pang aalo ni Jema sa sarili sa kan'yang isip para kahit papaano ay maibsan ang bumabagabag na mga senaryo sa isip n'ya.

At nang makarating ay kaagad na binisita ng mama ni Ella ang dalawa na kasalukuya'ng naghahanda para sa kanilang hapunan.

"Ay, hello po, good evening po, evening na siguro kase 5:55 pm na." Nahihiya'ng bati ni Jema dito.

Pinahid-pahid muna nito ang kamay sa laylayan ng apron na suot at tsaka nag mano dito.

"Opo, ako po si Jema, Jema Galanza po." Magalang at malumanay na pag kompirma ni Jema sa naunang tanong ng ginang De Jesus.

"Teammates kayo ni Ella, ano? Taga saan ka ba originally, hija?" pagtatanong ulet nito kay  Jema na kasalukuya'ng naghihiwa ng karne para sa adobo.

Hindi na nakuhang makinig at makisali pa sa usapan si Ella dahil abala s'ya sa paghihiwa ng mga gulay na ilalagay n'ya sa sinigang.

Nagsimula na kaseng kumulo ang tubig kaya kailangan n'yang masakto ang pagkakaluto ng lahat ng sangkap para hindi ma overcooked ang isda.

Isa pa, kinakabahan din si Ella at masyadong pressured dahil ito ang unang beses na may ibang makakatikim ng kan'yang niluluto dala na rin ng pagiging natural na perfectionist ni Ella pagdating sakanya'ng mga ginagawa.

"Opo, tita. Taga Laguna po." magalang na sagot ni Jema dito. Tanging tango lamang ang isinagot ng ina ni Ella sakanya.

"Alam mo ba hija, bukod kela Alyssa, Dennise, Amy, Bea at kung sino pang mga taga Ateneo na teammates n'ya, ikaw lang yata yung dinala n'yang teammate sa professional team na meron s'ya." Pagbubunyag naman ng ina ni Ella na ikinagulat ni Jema. Napataas ang dalawang kilay nito at saglit napatigil sa ginagawa.

"Nakakapanibago, alam mo naman gaano ka bipolar ito'ng anak ko. Minsan lang nagsasalita pero pag naging close mo na sobra, kwela din naman s'ya. Salamat ha, kinaibigan mo itong anak ko kahit medyo above normal ang behavior." pahabol pa nito na pareho namang tinawanan nilang dalawa.

Inaamin ni Jema na inasahan ngunit hindi inasahan na ganito ang mama ni Ella sa kanya. Inasahan dahil paniguradong may pinagmamanahan talaga ang pagiging kwela, pilosopo at mapang-asar na katangian ni Ella pero hindi nito inasahan na ganoon na kaagad kung makipag-usap ito sakanya kahit kaka-meet pa lamang nila.

Siguro ganito lang talaga sila naturally. Ang saya siguro ng pamilya nila. Ani ni Jema sa sarili.

Ngumiti lang ito bilang tugon dito at tsaka pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga sangkap.

Love LetterWhere stories live. Discover now