"Paulina, hello?" wika ni Ella nang sagutin ni Pau ang tawag n'ya sa kabila'ng linya.
"Oh Jorella himala napatawag ka?" ani Pau dito.
Napakagat labi muna si Ella bago sagutin ang tanong nito sakanya.
"Ano kase... may hihilingin lang sana ako'ng favor sa'yo." mahinang sagot nito pero sakto lang para marinig ni Pau sa kabila'ng dulo.
"Ano bang klase'ng tulong? Kung pera wala ako no'n." wika ni Pau.
"Ang sabihin mo kuripot ka lang talaga." pang-aasar ni Ella sa kausap.
"Ah talaga ba Ella, inaasar mo ba ako?" pabirong sagot naman ni Pau kay Ella na sinasakyan lang din ang biro nito'ng asar sakanya.
"Joke lang ito naman di mabiro. Ano kase..." nagdadalawa'ng isip na sagot ni Ella dito.
"Kase?" dugtong naman ni Pau dito.
"Nasiraan ako ng sasakyan" nahihiya'ng tugon ni Ella dito.
"Oh tapos? Mukha ba ako'ng mekaniko sa'yo? Wala ako'ng alam sa pag kumpuni ng sasakyan, Ella." Pabirong pag susungit ni Pau dito.
"Ito naman nakaka-bweset naman 'to. Kita'ng seryoso yung tao eh" kunwari'ng tampo naman ni Ella sa kabilang linya.
"Joke lang ito naman di mabiro" pangga-gaya nito kay Ella na inaasar din s'ya kani-kanina.
"Nasa'n kaba kase?" seryosong tanong nito dito.
"Dito lang sa may Katipunan. Actually, hindi sana kita tatawagan eh kaso nasa photoshoot si Alyssa tapos nasa training si Den, si Jirah naman busy sa pag-aayos ng negosyo nila tapos ikaw lang nakita ko'ng online kaya no choice ako. Kung available naman yung mga tao'ng ito hindi naman sana kita gagambalain pa, Paulina." mahabang paliwanag nito kay Pau.
"Ano ba kase'ng ginagawa mo d'yan?" Natatawa'ng tanong ni Pau dito na labis na natuwa sa pagra-rason ni Ella. Kapag kase rumason ng mahaba si Ella ibig sabihin no'n seryoso ito.
"May binili lang kase ako, malay ko ba ding today is my lucky day pala?" naiinis na sagot ni Ella sakanya.
"Hahaha, oo na oo na. Text mo sa'kin yung details, hintayin mo'ko, Jorella." pagkasabi ay agad nang pinatay ni Pau ang tawag.
Napabuntong hininga na lang si Ella at walang magawa kundi ang maghintay sa loob ng kan'yang sasakyan. Habang hinihintay si Pau, ay nag sscroll muna ito sa Instagram at Twitter. Mag iisang oras na s'yang naghihintay pero hindi pa rin dumadating si Pau, kahit naguguluhan ay pinagsawalang bahala na lang n'ya ito dahil minsan lang din pumayag si Pau.
Pasensya lang, Ella, pasensya. Dadating din 'yon, alam mo nama'ng matanda na, hirap kumilos." Pang aalo nito sa sarili na pilit na pinapakalma ang kan'yang pagiging walang pasensya.
Bumalik ulet ito sa pag scroll sa social media nang marinig ang mumunting mga katok sa bintana ng kan'yang sasakyan. Agad n'yang nilagay sa bag ang kan'yang cellphone at agad na tiningnan ang tao sa labas sa pag aakala'ng si Pau ngunit laking gulat nito ng makita'ng hindi si Paulina ang nasa labas kundi si Jema at kasama si Jia.
"Guys? Jia? J-jema? Ano'ng ginagawa n'yo dito? Teka, pa'no n'yo alam na nandito ako?" Gulat at naguguluha'ng tanong nito sa dalawa.
"We just did, ate." tipid na sagot ni Jia kay Ella habang ngi-ngiti naman si Jema dahil nagsusungit na naman si Jia.
"Tinext kase ako ni ate, Pau na nasiraan ka daw ng sasakyan, magkasama kami ni Jia galing sa isang photoshoot para sa endorsement ng Under armour eh sakto'ng malapit lang din kami mismo sa location mo edi kami na lang sumundo sa'yo." Malumanay na paliwanag ni Jema dito.
Tango lang ang naisagot ni Ella at pilit na inintindi ang pangyayari.
Lagot ka sa'kin bukas, Paulina. Ani Ella sa sarili ng mapagtanto'ng inindyan s'ya nito.
"Alam mo ate Ella, magkaibigan nga kayo ni Jirah, parehong lapitin ng malas pag mag-isang nagmamaneho, may balat ba kayo'ng dalawa sa pwet?" diretsahang tanong ni Jia dito na ikinatawa naman ni Jema.
"Aba Julia Melissa, hindi ako katulad ng jowa mo'ng pinaglihi talaga 'yon sa malas. First time to mangyari sa'kin." Depensa naman ni Ella dito.
"Whatever ate." natatawa'ng sagot nito at nauna nang maglakad papunta'ng sasakyan n'ya.
"Halika na, Ella DJ. Pakuha mo na lang 'tong sasakyan mo sa driver n'yo." Pang-aaya ni Jema dito.
Pagkasakay ni Ella sa sasakyan ni Jia ay agad na hinalubgob nito ang compartment para maghanap ng pwedeng makain. Alam n'ya kaseng mahilig maglagay si Jirah ng candies at kung anu-ano dito.
"Wow Ella DJ, alam na alam ah." wika ni Jema nang makita'ng nakakuha si Ella ng mga candies at inalok s'ya.
"Wala, Jema, ito kase'ng si ate Ella at Jirah talaga'ng magkasundo na magkasundo basta pagkain ang pinag-uusapan. Alam n'ya kase'ng mahilig si Jirah maglagay ng mga pagkain dito sa compartment in which hindi na nakakagulat." Natatawang paliwanag ni Jia kay Jema.
"Na-meet mo na ba si Jirah, Jema?" tanong ni Ella dito habang nginunguta ang gummy worm.
"Hindi pa yata eh." sagot naman ni Jema.
"I see. Baka next time." kibit balikat ni Ella.
Inoffer ni Ella ang airpods n'ya kay Jema na kasalukuya'ng abala sa pagbabalat ng Nips.
"Para sa'n 'to? Pwede nama'ng sa stereo na lang para makiki-jam din si Jia." takang tanong ni Jema dito.
"It's fine, Jema, hindi ako mahilig magpatutog habang nagdadrive. Feeling ko nadidistract ako." pag aassure naman ni Jia dito.
"See?" wika ni Ella dito.
"Kilala'ng kilala mo na talaga sila'ng dalawa noh?" curious na tanong ni Jema kay Ella na kasalukuya'ng pumipili ng kanta sa kan'yang Spotify playlist.
"Si Jirah oo, alam mo ba human diary ako ng bata'ng 'yon. Mula noong crush n'ya pa lang si Jia hanggang sa maging sila." nakangiti'ng sambit ni Ella habang inaalala ang pagkukwento ni Jirah dito.
"Ah gano'n ba?" wika ni Jema.
"Ay ito, Jema, pakinggan natin 'to, alam mo ba pag nakikinig ako nito feeling ko may jowa ako or something hahaha." excited na wika nito kay Jema. Lover by Taylor Swift ang napili'ng kanta ni Ella.
"May tanong ako, Ella DJ"
"Ano ba 'yon?" sagot ni Ella dito.
"Nag commit kana ba?" sambit nito sabay tingin ng diretso sa mukha ni Ella.
Napaubo naman ng bahagya si Ella dahil hindi nito inaasahan ang tanong ni Jema para sakanya.
"Grabeng tanong naman 'yan, Jema."
"Bakit? Wala curious lang ako kase." natatawa'ng sagot nito habang kinukuha ang bote ng tubig sa cellophane na dala nila.
"Nawindang ako saglit."
"Pero have you?" tanong ulit nito sakanya.
"Hindi, wala pa, kahit isa." pag amin nito sakanya.
"Ay talaga? Bakit?" curious ulit na tanong nito.
"Wala ayoko lang. Hindi ko feel tapos feeling ko kase kailangan dapat ready ka talaga kapag pumasok ka sa gano'n, ako kase feeling ko hindi pa'ko ready sa ganyan, feeling ko ang laki'ng responsibilidad n'yan. May mga nanliligaw, pero hanggang doon lang kase hindi ko talaga pa feel dati hahaha." paliwanag ni Ella dito.
"Pero ngayon ba? If ever meron? Payag ka?" tanong ulit ni Jema na matamang tinitigan sa mata si Ella.
Sakto'ng nasa bridge na ng kanta ng sagutin ni Ella ang tanong ni Jema. Gaya n'ya, tiningnan din nito si Jema sa mata at diretsahang sinagot.
"Kung meron, why not?" nakangiting tugon nito sa dalaga.
"Kaso kailangan n'ya ng matinding effort kaya good luck sakanya."
"I see." nakangiti'ng sagot din ni Jema habang ini-enjoy ang kabuuan ng kanta.
YOU ARE READING
Love Letter
Fanfiction"to fall in love with her soul without even knowing her entire existence; my salvage, my safe haven, and my love." hello this is a Jema x Ella story #jella :)