8

389 12 1
                                    

Alas 10 na ng gabi, para kay Ella at sa mga atleta kagaya n'ya, alas 8 ay tulog na sila. Nasa kalagitnaan na s'ya ng kan'yang pagkakatulog ng marinig ang malakas na ring tone ng kan'yang cellphone.

Jema calling...

Napamulat ng mata si Ella nang makita ang pangalan na nakarehistro sa ka screen ng kan'yang cellphone.

Bagama't antok ay nagulat at nagtaka naman ito kung bakit napatawag si Jema ng dyes oras na ng gabi.

Dala ng kyuryusidad at pangangamba ay walang dalawang isip na sinagot nito ang tawag ni Jema.

"Hello?" antok na bati ni Ella sa tumatawag.

Bakas ang antok sa boses ni Ella sa linya.

"Hello, kayo po ba si ma'am Ella?" sagot naman ng kausap nito sa kabilang linya.

Lumaki naman ang mata ni Ella sa gulat ng marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Halata ang pagkataranta sa boses nito.

"Hello? Yes, ako 'to. Bakit nasa sa'yo cellphone ni Jema? Asan si Jema? May nangyari ba'ng masama sakanya?" sunod-sunod na tanong ni Ella mula sa kabilang linya.

"Ah ma'am, bartender po ako dito sa restobar kung saan po umiinom si ma'am Jema. Pinipigilan ko na nga ho eh kaso ayaw mag paawat." Paliwanag ng lalaki kay Ella. Nakakunot lang ang noo ni Ella habang nakikinig sa mga paliwanag nito.

Maririnig naman mula sa kabilang linya ang boses ni Jema sa likod na kumakanta ng Never Enough kasabay ng mga hiyawan ng iilang mga costumer na tila ba sinusportahan si Jema habang patuloy lamang sa pag birit si Jema na ginaganahan dahil sa puri na natatanggap mula sa mga costumer.

"Sabi n'ya ho uuwi lang po s'ya kung dadating ka raw po dito at sunduin s'ya. Binigay n'ya po sa'kin yung telepono n'ya para tawagan ho kayo. Lasing na lasing na ho yung kaibigan n'yo, kanina pa kanta ng kanta, nakakaistorbo na nga po sa ibang mga costumer eh." dagdag na paliwanag nito.

Nagpakawala muna ng isang malaking buntong hininga si Ella bago sagutin ang nasa kabilang linya.

"Sige kuya, paki sabi sakanya na pupunta ako d'yan ngayon. Basta sabihin mo lang sakanya na behave lang s'ya." Wika ni Ella. Oo lang ang naisagot ng bartender nito sa kabilang linya bilang pag sang-ayon.

"At kuya, please, make sure she's safe while I'm on my way there." dagdag na utos nito. Gaya nang nauna, oo lang din ang sagot nito bilang pag sang-ayon kay Ella.


*****

"Galanza, what the hell are you doing here?" kalmado ngunit ma-awtoridad na bungad na tanong ni Ella ng madatnan si Jema na nakayuko at humihilik pa sa counter ng bar.

Hindi ito sumagot. Itinaas lang nito ang kan'yang hinlalaki at nah thumbs up sa ere sabay gawad ng ngiting aso kay Ella.

"Ba't kaba kase nag lasing?" nangungunsimeng tanong ni Ella habang hinihilot ang sintedo.

"Kuya, kanina pa ba 'to dito?" baling nito sa bartender na naglilinis ng mga baso.

"Mga 3 hours mahigit na po s'ya dito, ma'am tapos isang oras at kalahati po s'ya nag iingay dito. Buti na nga lang ho hindi s'ya sintunado, kundi baka kinaladkad na yan palabas ng guard, at buti na din wala'ng masyadong costumer dahil gabi na." paliwanag nito kay Ella habang patuloy pa rin sa pag pupunas ng shot glass.

Love LetterWhere stories live. Discover now