5

432 14 9
                                    

"Uhhhh Jia..." wala pa sa kalagitnaan ng pagsasalita si Rose ng tapunan s'ya nito ng matalim na mga tingin.

"P-pwede ba t-taasan mo s-sana onti yung s-set? Hehe-he-hehe-he." uutal-utal at mahina'ng sambit nito.

Tango lang ang tanging sagot na nakuha nito mula kay Jia at tikom ang bibig na bumalik na ulit sa likod para pumila para sa kanila'ng spiking drills.

"Ella DJ, ano meron kay Jia, bakit parang bad mood?" pang-uusisa ni Jema ng makatabi ito kay Ella na nagpupunas ng pawis nito.

"Bad mood talaga. Hindi na naman 'yan kiniss ni Jirah pagkagising." Umiiling iling na natatawa'ng kwento nito kay Jema na nakanganga lang at gusto'ng matawa dahil sa nalaman.

"Alam ko'ng gusto mo'ng tumawa, Jema, pakawalan mo 'yan. Masakit sa tiyan 'yan, baka umutot ka pa jan sige." Pabirong pagbabanta nito sa kausap.

"Baliw." irap nito kay Ella.

"Lah? Alam mo, ikaw, papasa ka ng tropa nito'ng si Jia at besh Dennise eh. Pinaglihi ba kayo sa sama ng loob?" Natatawa'ng biro nito habang nagpupunas ng pawis sa kan'yang leeg.

"Trip mo'ko Ella DJ?" Pabiro'ng pagsusungit nito kay Ella.

"Ayan na oh, pare-pareho talaga kayo kung magalit, umuusok talaga yung ilong eh." kunwari'ng turo nito sa ilong ni Jema sabay hagalpak ng tawa.

Nakabusangot ang mukha ni Jema habang tinatapunan nito ang huli ng matatalim na mga tingin. Patuloy lang sa pagtawa at pang-aasar ang huli dahil tuwang-tuwa ito sa reaksyon ni Jema.

"Gan'yan ba dapat? Requirement ba talaga 'yan? Yung pag naiinis bigla-bigla'ng gan'to mukha oh---" eksahiradang nginuso ni Ella ang kan'yang mga ngabil sabay ipinagsalubong ang dalawang kilay.

Lalo nama'ng umasim ang hitsura ng mukha ni Jema at wala'ng pakundangan na inirapan ito. Tawang tawa naman si Ella habang hinahabol ang ngayo'y nag wa-walk out na na si Jema.

"Hoy charot charot lang." habol nito ngunit wala s'yang nakuhang sagot mula kay Jema na patuloy pa rin sa paglalakad.

"Ang cute mo kase." pang aalo pa nito ngunit hindi pa rin ito pinapansin ng huli.

"Hoy teka lang Jema, lalabas na tayo nito sa gym eh." patuloy lang sa paglalakad ang dalawa.

Ang teammates naman nila ay sakanila lang nakatingin. Yung iba tinatawanan si Ella na pilit na hinahabol ang bilis ng mga hakbang ni Jema habang yung iba naman ay takang taka kung ano ang nangyayari.

"Jema bilisan mo pa, ipaghiganti mo'ko kay Jorella, patakbuhin mo 'yang donya'ng 'yan." Sulsol naman ni Pau kay Jema na ngayo'y umabot na sa pinto ng gymnasium.

"Hoy gago ka Paulina, baka nakalimutan mo'ng hindi mo'ko sinipot kahapon? Gaganti ako baka akala mo ha." may pagbabanta'ng sagot ni Ella habang mas binilisan ang lakad para mahabol si Jema.

"Ah talaga ba? Nakakatakot naman." Pang iinis pa lalo ni Pau kay Ella na aliw na aliw sa kalagayan ni Ella.

"Jema teka lang kase" sigaw ni Ella na hindi na maaninag ang pigura ni Jema sa kan'yang paligid

Tanging si Alyssa at Jia lamang ay may bukod tanging reaksyon sa kanilang lahat. Si Jia, bagama't hindi ipinapakita, ay ngumiti ang mga mata habang nakasunod ang mga titig sa dalawa. Si Alyssa, sa kabilang banda, ay malapad ang mga ngiti habang nakatanaw sa dalawa. Papalit-palit ng nalilitong mga tingin si Fille kela Jema at Alyssa na parang may itinatago ang mga ito sakanila. Gusto n'ya sana ito'ng tanungin at makiusisa pero sa tingin naman n'ya'y magsasalita naman ang mga ito kung meron talaga at mas pinili na lamang na tumikom ang nga bibig.

Sa labas ay naabutan ni Ella si Jema na bumibili ng sorbetes sa kanto na tig li-limang piso. Aliw na aliw ito'ng kumakain at hindi namataan ang presensya ng ngayo'y kakarating pa lang na si Ella.

"Kumakain ka pala ng ganyan." biglaang wika ni Ella na ikinagulat naman ng huli.

"Nakakagulat ka naman." wika nito na sinusundan ng tingin si Ella na inuusisa ang sorbetes.

"Ikaw, hindi ka kumakain nito noh? Mayaman ka kase. Ano ba yan, wala ka palang childhood eh, wala ka pala eh." wika nito sabay kain ng sorbetes na flavored ube.

"Hoy nakakakain na kaya ako n'yan. Yung sa birthday. Favorite ko yung keso, ano ka." Buong pagmamalaki ni Ella dito.

Nakatanggap lang ng tawang pangungutya si Ella mula kay Jema na s'yang ikinasimangot naman ng huli.

"So sa birthday ka lang nakakatikim ng gan'tong ice cream?" natatawa'ng pagkaklaro nito.

"Oo nga, bingi lang girl?" wika ni Ella habang naka-dekwatro ang dalawang mga kamay.

"Kuya, pabili nga ulit. Isang pastillas naman at tsaka keso para sa taga Ateneo dito." turo ni Jema gamit ang bibig kay Ella na tinaasan lang s'ya ng kilay.

"Ngayon ikaw naman yung nagsusungit? Edi nakaganti na'ko sa'yo. Galing naman." natatawa at pailing iling na wika ni Jema dito habang nilalantakan ang sorbetes.

"Gora lang." wika ni Ella na sinimulan na ding lantakan ang sorbetes.

"Well atleast may automatic na pangbawi, nilibre kita ng sorbetes, ano ka! Ikaw wala man lang kahit candy sus. Buti pa'ko." Pagmamayabang nito kay Ella habang itina-taas pa sa ere ang sorbetes para bigyang emphasis ang sinasabi.

"Ang bait bait ko talaga." dagdag pa nito.

Walang ekspresyon lang ang mukha ni Ella na kinakain ang sorbetes habang pinakikinggan ang mga papuri ni Jema para sa sarili.

"Oo na, oo na." pasukong wika ni Ella.

"Ikaw na si Jema Galanti." dagdag nito na binigyang diin ang pagkakasabi ng huling salita sabay tawa ng malakas  dahilan para ang mga kilay naman ni Jema ang magsalubong.

"Ah gano'n Ella DJ? Hindi ka talaga nagpapatalo, noh?" Tingin nito kay Ella habang nag ma-mumble ng mga salita'ng s'ya lang ang nakakaalam.

Lumapit naman si Ella kay Jema at dinampian ng kan'yang hintuturo ang ilong nito sabay gawad ng ngiti.

"Maniwala ka sa'kin, napaka-cute mo kapag naiinis ka o di kaya ay nagsusungit." sulyap nito dito habang sinundan ng nakangiting dalawang pares ng mga mata at tsaka ibinalik ang atensyon sa pag kain.

"Kaya ba parati mo ako'ng inaasar?" nakangiti'ng tanong nito kay Ella.

"Hindi naman, kusa lang na lumalabas yung pang-aasar. Wala, siguro kase komportable ako pag ikaw kausap ko." Pagkabanggit ay parehong nakatitig ang dalawang mga mata ni Ella sa dalawang mata ni Jema. Buong sinseridad nito'ng tugon habang sumisilay ang mga ngiti sa kan'yang mga labi.

"Ako din. Feeling ko antagal na kita'ng kilala." pag amin naman ni Jema habang pinapaikot sa kan'yang kamay ang ngayo'y patunaw ng sorbetes.

Tahimik lang ang dalawa, nakatayo, at pinagmamasdan lamang ang paligid. Si Ella na nakatingin lang sa onti-onti'ng naging kulay rosas ang langit habang si Jema na nakatitig sa natutunaw na sorbetes sa cone nito.  Sa unang pagkakataon, para kay Ella at Jema, ang katahimikang bumabalot sa kanila ay magaan at napaka-komportable.

Love LetterWhere stories live. Discover now