"Jema, ano order mo?" tanong ni Ella pagkapasok na pagkapasok sa pancake house.
Nilibot muna ni Jema ng tingin ang buong estabisyemento bago ibinaling ang atensyon kay Ella.
"Kahit ano lang, te Ells." Tumango na lang si Ella at nauna ng pumunta sa counter para mag order na sinundan naman ni Jema limang segundo matapos n'ya libutin ng tingin ang bawat sulok dito.
Nang makarating sa counter ay sinalubong ito ng nakangiting si Ella habang naka-palumbaba sa ibabaw ng counter.
"First time mo dito?" tanong nito kay Jema.
Nahihiya at namumula ang pisngi'ng tumango ito kay Ella bilang sagot nito. Sinagot naman ito ng makahulugang ngiti ng huli.
"Talaga ba, kung gano'n dapat pala yung specialty nila yung orderin natin."
"Ano pala order ng kape mo?" Dagdag na tanong nito.
"Black lang siguro." Sagot nito.
"I see. Hanap ka pwesto natin, ako na bahala dito sa order natin."
"Okay."
Sa kanina pang paglilibot ng tingin ni Jema ay may isang bakanteng mesa s'yang namatahan at alam n'yang kung wala pa ring kukuha roon pagkabalik n'ya ay doon n'ya balak sila'ng dalawa uupo. Katabi lang ng main entrance sa kaliwa pero hindi mahahalata dahil may dalawang malalaking halaman na nasa bawat gilid ng pinto.
Industrial, commercial at minimalist ang type ng architectural design ang ginamit sa building kaya unang tingin pa lang ng mga tao ay mahuhumaling na ang mga ito. Instagrammable kung tawagin at aesthetic dahil sa natural bricks na kulay puti na nag match naman sa kahoy nitong furnitures at black industrial hanging chandelier na nakalagay sa bawat table.
Nang makaupo ay kaagad namang kinuha ni Jema ang kan'yang cellphone mula sa kan'yang bag at aliw na aliw na pincturan ang chandelier at kung ano-ano'ng maaari n'yang kunan. Matapos ang iang minuto, sa kalagitnaan ng kan'yang pagkuha ng mga litrato, ay sakto nama'ng dumating si Ella habang bitbit ang tray na puno ng inorder n'yang pagkain para sa kanilang dalawa.
Tuwang tuwa naman si Jema na kinukuhanan si Ella at pilit na pinapa-smile ngunit tanging pout lamang ang ginawa ng huli habang tawang tawa naman si Jema at patuloy pa rin sa pagkuha.
Nang malapag ang mga na order at mai-ayos ang para sakanya at kay Jema ay pabiro'ng nagreklamo naman si Ella kay Jema.
"Aliw na aliw ka'ng pagtripan ang mukha ko ah. Delete mo 'yan pangit pangit ko do'n." pabirong utos nito na tinaliman ang mga tingin kay Jema na tawang-tawa habang hinihiwa hiwa ang best seller na choco extreme pancakes.
"Ano'ng pangit? Hindi kaya! Actually you're cuteeee." Pang aalo ni Jema dito.
"Che!" pabirong pagsusungit nito na mas ikinatawa pa lalo ni Jema.
YOU ARE READING
Love Letter
Fanfiction"to fall in love with her soul without even knowing her entire existence; my salvage, my safe haven, and my love." hello this is a Jema x Ella story #jella :)