Chapter 4

56.8K 1K 425
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mabilis lumipas ang panahon at ito na ang ika-pitong araw namin dito

Dalawang linggo lamang ang binigay saaming araw upang mamalagi dito, at di ko namamalayan naka isang linggo na pala kami

Kaysarap sa pakiramdam na nakakatulong ka, lalo na sa mga batang inabandona na nadin ng kanilang mga magulang

Bago ako mag ayos ng sarili mula sa pag kakahiga, ay nag dasal at nag pasalamat muna ako sa puong may kapal

Pag katapos non agad akong nag ayos ng sarili at bumaba na upang mag almusalan

"Laura magandang umaga." Bati ni Gema

"Magandang umaga din sayo Gema."maaliwalas na turan ko sa kanya

"Malapit na tayo umuwi, hindi na ako mapakali na maging ganap tayong madre." Nasasabik nyang sambit

"Huwag ka mag alala, kahit ako'y ganoon din ang nararamdaman."

"Teka hindi ka ba malulungkot? Malapit na tayong bumalik sa ating probinsya, ngunit tila nag karoon ka dito ng kaibigan? Ang mag kakapatid na Santillan."

Napaisip ako sa sinabi nya, ewan ko pero nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko nang maisip ko na maiiwan ko nga sila dito kapag bumalik na kami sa probinsya

"Gema nalulungkot man, pero alam mo na may nag hihintay saating responsibilidad. Huwag ka mag alala, tiyak naiintindihan nila yun." Palubag loob na sambit ko

Yung apat na yun, sa maikling panahon na mag kakasama kami. Wala silang ginawa kundi maging mabait sakin, hindi ko alam kung likas sa kanila ang maging ganon pero sana ay ipagpatuloy nila ang magandang asal









#####

Pag dating sa bahay ampunan, agad nag si lapitan ang mga bata saakin

"Ate ganda, mabuti po nakarating na kayo!"

"Oo nga ate Ganda, bat po ang tagal nyo? Nagagalit na po yung apat na lalaki" at itinuro nya ang tinutukoy nyang apat na lalaki

Agad akong tumingin sa direksyon na tinuro nya at nakita ang mga naka kunot noong magkakapatid na Santillan





Kaya naman lumapit ako sa kanila at tinanong kung anong problema nila

"Anong problema? Bakit tila wala kayo sa kondisyon? Masama ba ang pakiramdam nyo?" Nag aalala kong turan at isa isa hinipo ang leeg at noo nila upang sipatin kung nilalagnat ba sila

Nagulat pa sila sa ginawa ko, at isa isang namula ang mga leeg at tainga

Anong nangyayari sa kanila?! Ngayon naman ay namumula sila?

"Ahem! Ayos lang kami Laura. Naiinip lang kami kasi wala ka pa" maaliwalas na sambit ni Jett

At sumang ayon pa ang iba

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon