SIMULA nang sabihin nila yun, bumalik sila sa pagiging malamig at arogante sakin
Ramdam na ramdam ko na galit sila sakin
Paano ba nila nalaman yun?
Sino ang nag sabi sa kanila?Kahit wala ako ginawang masama ng panahon na yun, pakiramdam ko napakabigat ng kasalanan ko
Katulad ngayong maga, maagap sila umalis
Ni hindi nila kinain manlang ang mga niluto kong pagkain para sa kanila
Twing lalapit ako para may sabihin agad silang lumalayo
Kahit si Hans, mailap na saakin
At ang bigat sa pakiramdam na ganto sila
Papaalisin na ba nila ako?
Hindi na nila ako gustong makasama?Kailangan kong makausap si Terrence! Kailangan ko syang sabihan, na sabihin ang totoo sa apat!
Buong araw ako hindi mapakali, napagpasyahan ko na mag luto
Dito na lang ako babawi sa kanila, ipag luluto ko sila ng tanghalian nila
Ang alam ko nasa isang kompanya lang sila, at si Kiru ang pinaka namamahala nun
Agad akong nag intindi at nag ayos.
Dahil pupunta ako sa kompanya nila, ihahatid ko ang tanghalian nila
Inilagay ko sa apat na baunan ang mga pagkain na niluto ko,
Sana magustuhan nila ito at patawadin na nila ako sa kasalanan ko
Agad akong lumabas ng gate, nagulat pa ako dahil bigla akong hinarang ng di ko kilalang mga security guard
"Ma'am, hindi ho kayo pwede lumabas utos po ng magkakapatid na Santillan." Seryoso at pinal na turan nito saakin
Sila pala ang bantay na si sinasabi nila, kaya pala agad nilang nalaman na lumabas ako at pumunta sa bahay nila Amber.
"A-Ah, ihahatid ko lang po sana ang tanghalian nang a-apat." Itinaas ko pa ang dala kong eco bag na nag lalaman ng pagkain nilang apat
Tiningnan nya ito at bumalik ng tingin sakin na parang naninigurado
"Sige Ma'am, ihahatid na namin kayo."
Hindi na ako tumanggi pa at sumakay na sa sasakyan nila
Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali, kinabhan ako dahil ito ang unang beses na pupunta ako sa kompanya nila
BINABASA MO ANG
The Santillans' Obsession (COMPLETED)
Romance[Not yet edited⚠️] Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...