Chapter 46

37.4K 689 106
                                    




"Hey! I've been looking for you nandito ka lang pala girlfriend!" Naka ngising turan ni Luke nang makalapit sakin

Sinamaan ko sya ng tingin, ito na naman ang mapang asar na lalaking ito




"Pwede ba na ihatid mo na lang ako sa bahay ni Lola Fina?" Kalmado kong turan, dahil hanggat maari ayoko na ng away o gulo kahit pa iniinis ako ng lalaking ito







"Ayaw mo ba dito? Come on Lala, I can give what you want, kung gusto mo maging reyna ka pa dito gagawin ko basta pumayag ka lang maging girlfriend ko na." Kindat nya sakin

Nag ngingit ang ngipin ko dahil sa sinabi nya ,kahit kailan ay napaka hangin nya.

Sa inis ko ay dere deretso akong pumasok sa loob at hindi hinintay sya








"Hey! Where are you going? At kaninong damit iyan!" Hinila nya ang braso ko pabalik sa kanya at kunot noong naka tingin sa damit na nasa ulo ko



"Sa inyo pong kapatid SIR Luke, wag nyo po sana masamain sapagkat nag mamalasakit lamang po ito." Pekeng ngiti ko

"Psh!" Inirapan nya ako at inis na tinanggal ang nasa ulo kong damit






"Common matulog na tayo! Kung sino sino pa ang kinakausap mong lalaki!" Hinila nya ako paakyat kung kaya naman ay nataranta ako

"T-Teka, teka lang!" Pigil kong hinihila ang braso ko na hawak nya subalit mas malakas sya kaya wala ako nagawa upang pigilan sya

Umakyat kami sa second floor at tumungo sa pinaka dulo na kwarto

Binuksan nya iyun at isinara ang pinto



Pumasok kami sa loob ng isang kwarto na pinag halong kulay Blue ay puti






Pumwesto sya sa kama at tinapik ang tabi nya na parang pinapaupo ako


"Come here Lala! Let's sleep na biliss!"  Tamad nyang turan at mas lumaki ata ang mata ko nang mag hubad sya

Agad akong tumalikod dahil don

Ano bang ginagawa nya! Nasisiraan na ba sya ng ulo!

Ano sa tingin nya papayag ako na dito matulog? Lalo pa na kasama sya!



Bumuntong hininga ako at nag lakad ng mabilis papuntang pinto nya upang lumabas kaya lang ay hindi ko mabuksan kahit anong gawin ko








"Don't even try to open, it won't open trust me."

Lumingon ako sa kanya at nakita ko na naka higa na sya sa kama nya at binuksan ang TV











Nag ngingit ang ngipin ko dahil sa galit! Sobra sobra na ang gusto nyang mangyari!


"Alam mo Luke hindi na ako nakikipag biruan! Buksan mo ito dahil kahit anong mangyari ay hindi ako tutulog dito sa kwarto mo!" Hindi ko mapigilan tumaas ang boses dahil sa pinag gagawa nya







"Are you ready, kids? Aye, aye, captain! I can't hear you!
Aye, aye, captain!Oooooooooohhhh..." hindi nya ako pinansin at mas nag pokus sa pinapanuod na pambata





Humigpit ang kuyom ko sa kamao ko dahil sa gigil

"LUKE!!!!" sigaw ko sa kanya




"Who lives in a pineapple under the sea? SpongeBob SquarePants!
Absorbent and yellow and porous is he. SpongeBob SquarePants!" Patuloy nyang kanta kaya at hindi ako pinansin










Sa inis ko ay binato ko sya ng tsinelas kong suot

"Aww! Fuck!" Hawak nya sa ulo nya na natamaan

Tumingin sya sakin dahil don, sinamaan ko naman sya ng tingin.

Wala na akong pakialam kahit amo pa sya, ngayon ay nang gigigil lang ako sa kanya. Parang ang sarap nya kurutin ng todo dahil nakakainis na sya sobra!

Gusto ko nang umuwi pero ito napaka gaspang ng ugali nya!




"Hey hey hey! Don't look at me like that woman! Calm down you're pregnant fuck!" Nataranta sya ng nanlilisik ang mata ko na pumunta sa gawi nya










Nilapitan ko sya sa kama para kurutin kaya lang tumakbo agad sya sa kabilang banda

Pinag tawanan nya ako at inasar lalo dahil para sumabog ako sa inis

Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na ako dahil sa kanya

Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan mapikon ng sobra dahil sa isang tao!

Umupo ako sa kama at sinapo ang mukha habang umiiyak

















"H-Hey, oyy girlfriend psst. Are you crying?" Dahan dahan humina ang boses nya at lumapit sakin




Sinamaan ko sya ng tingin at umiyak ulit

Nakakainis na sya! Gusto ko nang umuwi! Gusto na naming umuwi ng anak ko pero hindi nya ako pinapalabas!





"Fuck?! Don't cry damn! I'm sorry okay? I was just joking?" Napa kamot sya sa batok at dahan dahan umupo sa katabi kong kama

Naamoy ko ang bagong ligo na amoy nya, at buti na lang hindi ako nasuka dahil don.




Hindi ko alam bigla kong namiss ang amoy ng apat, kahit galit ako sa kanila hindi ko mapigilan na hindi sila isipin

Gusto ko na silang yakapin at amuyin ang leeg, ang paborito kong amoy.

Lalo akong umiyak dahil don, Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot dahil miss na miss ko na ang amoy nilang apat






"Damn!" Hindi nya alam kung hahawakan nya ako o ano, "shit! wag ka umiyak! Sorry na oyy!" Napa sabunot sya ng buhok dahil umiyak ako lalo

Hindi ko sya pinansin at nag patuloy damhin ang lungkot na nararamdaman ko



"Pls don't cry! Ganto na lang, bibilhan na lang kita ng gusto mo pramis!" At iniharap nya ako sa kanya

Tumigil ako sa pag iyak nang mag kaharap kami parehas

Nakita ko na mapungay ang mga mata nyang nakatitig sakin at nag mamakaaw ang mga ito na tumahan na ako





Umiwas ako ng tingin nang maramdaman na kumulo ang tyan ko bigla dahil sa sinabi nya

Wala naman syang tinukoy na bibilhin ngunit ang nasa isip ko kaagad ay pagkain

"G-gusto ko sana ng pizza na may sawsawan na suka." Mahina kong turan

Saglit nangasim ang mukha nya at biglang napa halakhak ng mahina

Umiling iling pa sya at may binulong, "damn! Cravings."







"alright, stay here. Hahanap ako ng bukas pa." Ngumiti sya sakin at tumayo upang mag bihis

Nakonsyensya naman ako bigla dahil anong oras na?

Tumingin ako sa orasan at nakita na 10:45 pm na ang oras doon.







Napayuko ako dahil bigla akong nakaramdam ng hiya, hindi nya ako responsibilidad pero ito sya lalabas ngayon dahil lang sa kahilingan ko




"Don't worry, mabilis lang ako girlfriend pramissss." Kindat nya sakin at saka kinuhas ang susi ng sasakyan saka lumabas



Napabuntong hininga ako dahil don, parang kanina lang napipikon at inaaway ko sya. Ngayon nakuha ko pa mag pabili.


Hays


°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
°•°•°•°••°•°•°•°•°•°•°°•°

#pls lang Laura. Mamigay ka pls🤧

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon