Don't say I didn't, say I didn't warn ya🎶- Taylor Swift <3
Laura Dimaculangan
"Ama namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo,
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit."
"Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama
Amen."
Sabay sabay kaming tumayo at nag sign of cross nang matapos ang aming dasal, kasalukuyan akong nasa kumbento dahil kunting panahon na lang mabibilang na ako sa kanila
Kaysarap sa pakiramdam na pag silbihan ang puong may kapal, dahil nong iniwan ako ng aking mga magulang at dalhin dito sa kumbento, sya lang ang aking naging sandalan tuwing akoy malulungkot
Kaya naman, ipinapangako ko sa aking sarili na habang buhay ako mag lilingkod sa simbahan.
Ipaparamdam ko sa mga bata na kahit iniwan kami dito ng aming mga magulang ay may maganda 'yong dahilan at kapalit"Laura hija, tunay na kay buti ng iyong budhi. Hindi ka lang maganda bagkus napaka bait mo ring bata. Pag palain ka nawa." Nakangiting sambit sakin ni Sister Lourdes
"Nako Sister, alam mo naman na ito na ang aking tahanan, kayo na po ang pamilya ko kaya kahit mahirap o malayo po yun. Basta para sa simbahan, ay ayos lamang po sakin" magalang na turan ko sa kaniya
"Osya mag iingat ka doon, hayaan mo pag katapos ng misyon mo don ay magiging ganap na madre ka na rin pag balik mo dito saating kumbento"
"Pangako po Sister Lourdes, wag po kayo mag alala. Araw araw ko kayo isasama sa aking panalangin"
Yan ang huling pag uusap namin ng pinaka elder sa aming simbahan, alam kong nalulungkot din sya sa pag lisan ko subalit kailangan ko itong gawin upang maging ganap na kasamahan na nila ako,
Ang maging madre
Doon sa malayong lugar, sa may Maynila kasama ang ibang kasamahan ko. Ipapadala kami upang tumulong at pag silbihan ang mga Bahay Ampunan sa syudad.
Highschool lang ang natapos ko, at pag katapos ko makagraduate ng highschool ay tanging pag mamadre na lang ang aking inatupag.
Naputol ang pag iisip ko nang kuhitin ako ng isa sa aking kasamahan,
"Laura, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Tila hindi ako mapakali saating pupuntahan. Ito pa lamang ang unang beses kong makakatapak sa syudad ng Maynila" hindi mapakaling imik ni Gema
Mahinhin akong tumawa dahil sa sinabi nya, "Huwag kang mag alala, ako rin naman nasisiyahan dahil ito lang din ang unang beses kong makakapunta sa Maynila."
Muli akong sumilip sa bintana ng sasakyan, ngayon pa lang din ako nakasakay dito na tinatawag nilang 'Van'
Dahil buong buhay ko nasa loob lang ako ng kumbento at kahit kailan hindi ako napadpad sa labas upang gumala katulad ng mga kaedad ko
Ngunit ako'y kuntento na saaking naging buhay sa loob ng kumbento, maswerte parin ako dahil may kinalakihan akong maayos at puno ng pag mamahal na simbahan
Sabi nila Sister mababait ang tao sa syudad, kaya mas lalo akong nasabik na mag karoon ng bagong kaibigan o mga batang aalagaan.
Pumikit ako at muling nagdasal na sana ay maging maayos at tagumpay ang aming pag dayo sa syudad para sa aming misyon...
-cesslyn
BINABASA MO ANG
The Santillans' Obsession (COMPLETED)
Romance[Not yet edited⚠️] Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...