"Oyy girlfriend! Subuan mo'ko dalii." Pilyong turan ni Luke
Natigilan ako dahil sa sinabi ni Luke
Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan at sya ay kagigisng lamang
"Luke- S-Sir Luke...May kamay po kayo, iyun po ang gamitin nyo." Magalang na turan ko sapagkat kaharap namin ang mga kasambahay at ilang kalalakihang tauhan nila
Ngumuso ito at padabog na binitawan ang kutsara
"Hindi ako kakain! Bahala ka mawawalan kang poging boyfriend pag namatay ako sa gutom!" Tampo tampuhan nyang turan at nag maktol
Pasimpleng napapatingin saamin ang mga kasambahay dahil sa ginagawa nya
"Hindi po kita b-boyfriend." Kalmadong turan ko
"Ah ganon, let's see hmm." Ngumisi sya bago lumingon sa likod
"You! come here! Faster!" inip nyang turo sa kasambahayNapakunot ang noo ko dahil ano na naman kayang gagawin nyang kalokohan?!
"S-Sir." Kabadong turan naman ng tinawag nya kasambahay.
"Sinong girlfriend ko?" Naka ngising turan nya
Tumingin sakin ang kasambahay bago kinakabhan na nag salita....
"Si ma'am L-Lala po." Nakayukong sambit nito
Ngumisi lang ng pilyo ang loko loko na si Luke ay hinawakan pa ang baba nya na parang nag iisip
"Hmm, pano ba yan e ayaw nya sakin? What else should I do?" Inosenteng hingi nya ng tulong sa kasambahay
Nakita ko na nanginig lalo sa kaba ang katulong
"M-Ma'am, suyuin nyo na p-po si S-Sir." Nag mamakaawa ang mga mata nito sakin
Napa buntong hininga ako dahil umiiral na naman ang pagiging bully ni Luke sa mga ito
"Sige na, a-ako nang bahala." Ngiti ko sa kasambahay upang wag na sya matakot
Agad itong umalis at bumalik sa dating pwesto nya
Mahinahon akong lumapit sa pwesto ni Luke at tahimik na kinuha ang kutsara at tinidor
Sinadya kong lakihan ang subo para sa kanya dahil napaka gaspang ng ugali nya sa iba
Muntik syang mabilaukan dahil don, agad nataranta ang mga kasambahay ngunit nginitian ko lang sila
"Ayos lamang ang aking BOYFRIEND, huwag kayong mag alala at siguro ay nasarapan lamang sya sa aking luto." Pigil ko sa kanila, habang si Luke ay nahihirapan ngumuya dahil sa laki ng subo ko
Uminom ito ng tubig pagkatapos ay ngumisi ito sakin ng pilyo
"Did I heard it right? You said I am your 'Boyfriend'." Sabi nya at tinaas taas pa ang dalawang kilay
Jusko! Ang gwapo nya sana kaso lamang ay malakas ang hangin
Napailing ako sa sinabi nya, paborito nya talaga akong asarin sa mga nag daang linggo ako lang ang palagi nyang iniinis
Hindi ko sya pinansin at umalis na lang doon bago pa ako mapikon
Hindi ko gawain ang magalit, ngunit simula nang mabuntis ako ay mabilis na akong magalit o di kaya'y mabilis umiyak sa mababaw na dahilan
Nakarating ako sa harden nila na walang tao
At laking gulat ko nang naka sunod pala sya sa likudan ko.
BINABASA MO ANG
The Santillans' Obsession (COMPLETED)
Romance[Not yet edited⚠️] Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...