[Not yet edited⚠️]
Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KINABUKASAN umakto ako nang normal sa harap nila at hindi ipinahalata na narinig ko ang balak nila kagabi
"Good morning Laloves." Napatigil ako nang marinig ko ang lambing sa boses ni Hans
Kinabhan ako sapagkat saksi ako kagabi kung gaano kadelikado ang pagkatao nilang apat
Kaya mas lalo akong kinabhan nang maramdaman ko na may mali sa kanilang apat
Lalo na kay Hans ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit sobrang lambing ng boses nito
Napalunok ako at ngumiti nang hilaw sa kanya, "M-Magandang umaga din sa i-inyo." Pasimple akong napabuga ng hininga dahil sobrang bilis nang tibok ng puso ko, dahil sa kabang nararamdaman
"Eat baby, you should gain more energy. Dahil baka hindi mo kayanin mamaya." Nakangising turan ni Jett, ramdam ko ang kasiyahan sa boses nya
Nanginginig na ako dahil sa balak nila, kailangan ko silang layuan sa lalong madaling panahon!
"After this, you are not allowed to go outside. Tandaan mo bawal kang makipag kita o makipag usap kahit kaninong lalaki Laura." Seryosong turan nila
Napalunok ako at umakto nang normal
"O-Oo naman." Hilaw na ngiti ko sa kanila
Agad silang ngumisi at natuwa sa sinagot ko sa kanila
"Good, saamin ka lang Laura. Saamin lang." Madiin na sambit ni Hans
Ngumiti lang ako sa kanila, dapat hindi sila makahalata sa aking balak
°~°~°~°~°~°~°~°~°°~°~°
Pag dating ng hapon hindi ako mapakali
Paano ko ako makakatakas kung sobrang daming nakapalibot na mga tauhan nila!
Nababaliw na sila! Hindi nila pwede ako basta ikulong dahil lang gusto nila
Napakagat ako sa kuko ko dahil sa matinding kabang nararamdaman
Hindi ako makapag isip nang tama dahil baka dumating na sila ay hindi pa ako nakakatakas!
Laura kailangan mong mag isip ng plano!
Nag tambol ng mabilis ang puso ko nang may marinig akong tunog ng sasakyan
Nandito na ba sila?! Pero bakit maagap!
Kulang na lang mahimatay ako sa kabang nararamdaman ko ngayon
Ngunit napawi iyun at napalitan nang pag tataka nang matanaw ko si Mrs. Santillan