Chapter 19

42.1K 608 83
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






MABILIS ang naging oras at nag ala cinco na ng hapon

Nagitla ako nang may bumusina at nakita ko ang nakangiti na si Hans

Agad kong pinag buksan ng gate at nang makapasok siya ay agad ko syang sinalubong




"Kamusta Hans? Nasan pa ang tatlo mong kapatid?"

"Aww, ganyan ka ba talaga laloves? Ako yung nandito pero sila ang hanap mo?" Akmang nag tatampo sya

Agad akong natawa at pabirong piningot sya

"Sira! Nag tatanong lang ako." Pag papaliwanag ko



"Come on Laloves, Give me a hug. I'm so tired and I need to recharge." Naka ngiti nyang sabi sakin

Ngumiti ako dahil don, agad ko syang niyakap.
Sa kanilang apat sa kanya kasi ako pinaka malapit ang loob dahil kahit anong gawin ko, hindi sya nagalit sakin ng sobra kahit na matigas ang ulo ko

Yung mga kapatid nya nag wawala na sa galit, samantalang sya tahimik lang pero ramdam mo na hindi sya natutuwa


Agad nanuot ang mabango nyang amoy sa ilong ko

Kailangan ko pang tumingkayad dahil sa tangkad nya at hindi ko sya abot







Niyakap nya ako nang mahigpit at kinagat kagat ang tainga ko ng pabiro

"Hahahah, tumigil ka nga Hans. Ano ba ...hahaha n-nakikiliti ako.." natatawa kong sambit

"Alright alright." Natatawa nyang turan at itinigil ang ginagawa nya

Napatigil din ako sa pag tawa nang maya maya pa ay naramdaman kong seryoso lang syang naka titig sakin


"B-Bakit?" Nag tatakang tanong ko







"Hindi pa ako nag kakagusto sa babae nang ganto katindi. You made me crazy baby." Seryosong turan nya at deretso lang naka titig sa mga mata ko

Ang mata nya nangungusap

"H-Hans" hindi ko alam ang sasabihin ko

"Lunod na lunod na ako tangina. Hindi ko alam kung anong ginawa mo samin para maging ganto ka baliw sayo." Paos nyang tinig, habang ako tahimik lang na nakikinig sa kanya. Hindi pa maproseso nang utak ko ang mga nangyayari.

"I hope someday, mag karoon din ako ng puwang sa puso mo." Nakangiti pero di umabot sa mga mata nya yun

Nauna syang pumasok at naiwan ako sa labas na tulala

Ngayon lang nangyari ito, ngayon ko lang nakita kung gaano sya kasinseridad sa kanyang nararamdaman para sakin









Mag karoon ng puwang? Hindi ko alam, nalilito pa ako

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon