Chapter 29

60.5K 806 284
                                        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



NAPANGANGA ako ng literal nang makita ko kung gaano kadami ang mga bagong gamit sa Sala!

Punong puno iyun ng iba't ibang klaseng bag at mga damit

Pawang magaganda ang desenyo at sumisigaw ng kamahalang presyo

Tunay ngang baliw sila!
Hindi ko akalain na totohanin nila ang sinabi ko dahil lang sa hiniling ko ito!






"B-Bakit andami!" Naguguluhan kong tanong

Pwede na ako mag tinda sa dami nito! Jusko, sumasakit ang ulo ko sa mga nang yayari.

"What's wrong baby? Do you want us to buy more?" Tila walang pakialaman na saad ni Kiru at akmang tatawag sa telepono nya

"H-hindi!.. Ano.. ang ibig ko sabihin bat sobrang dami? S-sapat na sana kahit tig isa lang." Agad kong sinabi bago pa sya makatawag



"Babe, you deserve everything." Kindat sakin ni Jett

Namula ang pisnge ko sa sinabi nya,

Hindi kayo sumablay na hindi pabilisin ang tibok ng puso ko araw araw!

Lumapit ako at tiningnan ang mga bagong dating na gamit pambabae

Dinampot ko ang kulay pink na bag na natipuhan ko

Muntik na akong mahimatay sa presyo nito!

1.9 million?!?!?!? Para lamang sa iisang bag?! Halos pag habang buhay ko nang gastusin iyun!

Binitawan ko ito at tiningnan pa ang iba

Katulad kanina, ay gulat din ang nararamdaman ko nang makita ko naman ang presyo ng dress na hawak ko.

500k para sa isang dress lang!!?!

Kulang na lang maliyo ako sa mga nang yayari, hindi maproseso ng utak ko kung tunay ba o Hindi ang presyo ng mga hawak kong gamit!

Pero sa apat galing ang mga ito, at kahit kailan ay alam kong hindi si marunong mag biro.

Pinag titingnan ko pa ang ibang gamit at isa lang masasabi ko

Sobrang mamahal ng mga yun!








Bakit andali sa kanila mag sayang ng pera dahil lang sa utos ko ito sa kanila?!







"Are you happy baby? What else do you want, tell us hmm?" Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Rho at yumakap ito saakin




Napalunok ako nang madama ko ang init ng katawan nya na bumalot sa katawan ko

"M-Masaya, kaya lang hindi ba parang sobra naman k-kamahal ng mga ito?" Alinlangan kong turan

Dahil sa totoo lang, pakiramdam ko hindi ito nababagay sakin

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon