Chapter 38

39.5K 885 229
                                    

Naging usap usapan ang plano na pag papakasal ng apat

Maraming nasiyahan at marami ding nang hinayang, at ngayon mamayang gabi.
Isasa publiko na kung sino nga ba ang apat na babaeng ipapakasal sa apat

Hindi ko mapigilan malungkot dahil doon, sinabi nila na mag tiwala ako ngunit hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kalungkutan dahil tiyak ay mas bagay sila ang babaeng naka takda sa kanilang ikasal




Napalingon ako nang bigla may kumatok, nakita ko na mula sa labas ay pumasok at yumuko ang isang tauhan nila

"Ma'am Laura, may nais pong bumisita sa inyo. Amber po ang pangalan."

Nagulat ako dahil hindi naging maganda ang pakikitungo ng apat nang huli syang pumunta

Pero masaya ako dahil kahit ganon ay hindi sya nag dalawang isip na dalawin ako

Pero napatigil ako sa naisip, hindi nga pala nya alam na buntis ako at ang apat ang ama ng dinadala ko kahit hindi pa namin alam kung kaninong anak mismo ang nasa loob ng tyan ko

Napabuntong hininga ako, at sinabihan na papasukin ito

Mabuti na lamang at wala dito si Rho dahil sapilitan silang pinapunta ng kanilang ama sa mansyon nila





"Laura." Lumingon ako sa kanya at nakita ko kung gaano kaaliwalas ang kaniyang mga mata, napupuno ito kasiyahan at di ko alam kung bakit



Ngumiti lang ako sa kanya

Umupo sya sa kaharap kong sofa at tumingin sakin

"Kamusta ka na Laura? Balita ko napunta ka daw hospital, Anong nangyari?" Naka ngiti ang mga labi nya pero hindi iyun umabot sa mga mata nya

Napalunok ako dahil sa tanong nya ,hindi pwede na sabihin ko ang totoong dahilan

"A-ah wala naman. Nahimatay k-kasi ako dahil sa pagod at gutom." Normal na akto ko

"Mabuti naman kung ganon.
You know what? May sasabihin ako sayo." Masayang turan nya

"Ah, ano yun?"

"Alam mo ba, na ikakasal na kami ni Hans!" Masayang masayang turan nya, halos nag nining ning ang mga mata nya sa galak



Tumigil ang mundo ko sa sinabi nya

Ano? Ikakasal sya kay Hans?


"Ah, s-sigurado ka ba?" Pag lilinaw ko

Dahil sa tanong ko ay seryoso syang tumitig sa mga mata ko at sinalubong ko ito ng tingin


"You know my daddy loves me so much, and he will do everything para lang sa kasiyahan ko. At sinabi ko na kausapin si Mr. Santillan na ako ang ipakasal sa anak nyang si Hans. Our company is a perfect combination, so why not?" Nakangising turan nya

Kumuyom ang kamao ko dahil don, alam kung sinabihan na ako ng apat na wag mag papadala sa mga maririnig o malalaman ngunit di ko mapigilang maapektuhan







"Oh bat natahimik ka Laura? Masakit ba ang katotohanan na ako ang papakasalan ni Hans?" Naka ngising turan nya

Gulat akong napalingon dahil sa sinabi nya, tila nang aasar at galit ang tono nya

"A-ano bang ibig mong sabihin?" Seryosong turan ko

Ngumisi sya dahil don, "oh come on! Wag ka na mag panggap na inosente ka dahil ang totoo ay malandi ka!" Tumayo ito at galit na humarap sakin


"Amber..." Wala ako masabi dahil nagulat ako, kaibigan ang turing ko sa kanya pero he'to at sinasabihan nya ako ng masasakit na salita







The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon