[Not yet edited⚠️]
Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Papunta pa lang tayo sa exciting part🤫🤭)
Tulala akong nakatitig sa kisame, tanghali na ngunit hindi ako sumama papuntang bahay ampunan
Hindi ako nakapaniwala sa ginawa ko! Isa akong makasalanan!
Paano ko pa maibabalik yun? Nag kasala ako sa Diyos! Kay Sister Lourdes at sa kumbento!
Mag mamadre ako, pero anong ginawa ko?!
Hinayaan ko na mag padala ako sa tukso!
Napakalaki ng kasalanan ko, patawad po patawad, pero wala ako makapa na pag sisisi
Anong ibig sabihin nito?
Ako ba ay may spesyal na nararamdaman sa apat na mag kakapatid?
Paano ko ito nagagawa, nangako ako sa sarili kong sa kumbento lamang at ang Diyos lng ang mamahalin ko habang buhay
Tumulo ang luha ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko, buong buhay ko ngayon lang nagulo ang isip at puso ko.
Pinahid ko ang luha ko nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng silid na tinutuluyan ko
"Laura! Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka sumama sa bahay ampunan?"
Bungad ni Gema pag bukas ng pintuan
"A-ah masama ang pakiramdam ko. Pasyensya na." Nakatungong turan ko, sapagkat hindi ako makatingin sa kanyang nga mata dahil natatakot ako baka malaman nya at kamuhian nya ako
"Ganon ba? Osige mag pahinga ka muna." Ngiting sambit nya at akmang aalis na ngunit pinigilan ko ang braso nito
"Gema, u-uuwi na ako. Uuwi na ako sa probinsya natin." Nanginginig na sambit ko
"Hah? Pero bakit? Malubha ba ang iyong sakit na nararamdaman?" Gulat at nag aalala nyang tanong
"O-Oo." Pag sisinungaling ko
Diyos ko, patawarin nawa ako sa dami ko nang kasalanan
"Ganon ba, Wag ka mag alala naiintindihan ka ni Sister Lourdes" pag lakas loob nya sakin
Ngumiti lang ako sa kanya
"Kelan ka aalis?"
"Ngayon na." Pinal na sabi ko
Rumehistro sa mukha nya ang gulat, kahit ako mag tataka kung bakit nag dudumali kung wala naman sana problema.
"Sige Laura, mag iingat ka. Ipapagdasal kitang ligtas na makarating saatin." Bagamat nag tataka, pero hindi na sya nag tanong pa