[Not yet edited⚠️]
Si Laura ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa probinsya, sa bayan ng San Isidro. Siya ay lumaki sa bahay ampunan, kaya siya ay naging malapit sa simbahan na naging dahilan kung bakit minahal nya at piniling pag silbihan ang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MALAMIG na ang simoy ng hangin, dahil malapit na mag pasko. Tandang tanda ko pa nung una ko silang nakilala, nobyembre noon.
Kamusta na kaya ang kumbento? sila Sister Lourdes? Si Gema? At ang iba la naming kasamahan
Tiyak may bago silang misyon na ginagawa, dahil twing mag papasko nag kakaroon ng malaking event sa aming lugar. At ang kumbento ang may hawak nun, namimigay sila ng mga regalo para sa mga bata.
Napangiti ako, naranasan ko ang maging isa sa mga nag babahagi ng regalo para sa mga bata. Alam ko na napakasaya nun sa pakiramdam.
Napalingon ko sa likod ko nang maramdaman ko na may pumasok doon.
Walang emosyon at malamig ang mga mata na pumasok doon si Rho. Maya maya lang din ay kasunod na nito si Kiru
Sinulyapan ko ang leeg nya at nakita ko na wala na ang marka doon.
Naupo sa sofa ai Rho habang nakatitig sakin ng malalim
"Ah, dinalhan ko kayo ng t-tanghalian." Ipinakita ko ang dala ko sa kanila
Nasan kaya ang dalawa pa nilang kapatid?
Sinulyapan lang iyun ni Rho at hindi na muli ako tiningnan
"I ate already." Malamig na turan nya
Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib, bat ba ang sungit nila ngayon?
Dahil ba iyun tungkol doon kay Terrence?
Namayani ang katahimikan
maya maya lang, biglang nag salita si Rho
"Monique told us that he's not your cousin." Umigting ang panga ni Rho nang sabihin nya iyun
Napalunok ako dahil tama ako, ito ang dahilan kung bakit nag kakaganito sila
"Ano mo sya kung ganon?! Lalaki mo ba huh Laura? Mas magaling ba sya samin? Sabihin mo" Naka ngisi ngunit Badtrip na tanong ni Rho
Nagulat ako dahil sa mga inaakusa nya sakin
"H-hindi ko sya l-lalaki." Halos pabulong ko na naimik yun
Nawalan ako ng lakas sumagot dahil nakakatakot sya ngayon
Si Kiru tahimik lang na nakatingin samin, batid mong hindi din maganda ang timpla nya ngayon
"Then why the fuck did you tell us that he's your damn cousin!?" Nagulat ako nang bigla nyang sinipa ang upuan sa harap nya
Lumabas ang ugat sa braso nya dahil don, galit na galit sya
Unti unting tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan
"Sinabi ko lang yun, para di k-kayo magalit. W-wala naman ako ginawang masama, tinulungan nya lang ako maniwala kayo." Umiiyak kong turan