Chapter 34

49.2K 708 128
                                    

Ilang linggo na ang lumipas at naging maayos naman ang pag sasama naming lima sa iisang bahay

Mas tumagal mas lalo silang naging malambing sakin


Hindi ko na yata sila kaya iwan pag nagkataon

Na para bang kapag nawala sila sakin, nawala na din ang parte ng kalahati ng buong pag katao ko

Ganon na sila kahalaga saakin,
sa kanila na ako naka depende

Aminin ko man o hindi, habang tumatagal mas lalo lang akong nahuhulog sa kanila






Wala na akong pakialam kung hindi man tunay ang nararamdaman nila para saakin, ngunit ang ikinakatakot ko na baka isang araw magising na sila sa katotohanan.

Na hindi talaga nila ako mahal








Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko dahil sa naisip ko





Agad kong kinapa ang mainit na luhang dumaloy sa pisnge ko

Bakit ba ako umiiyak?

Kailangan ko tapangan ang loob ko, kasi kahit anong oras pwede nila ako iwan.

Ayos lamang Laura, diba dapat naman talaga wala sila sa buhay mo?

Kung dumaan lang sila para subukin ako, pwes nag tagumpay sila.

Natalo ako sa laban na ito, dahil minahal ko sila sa di ko inaasahan na panahon at oras















Kinuha ko ang cellphone na ibinigay nila sakin

Tatawagan ko sila

Mag isa ako dito, at tanging mga body guards lang na nag kalat sa labas ang kasama ko





Napa buntong hininga ako, hays bat ganon pakiramdam ko nalulungkot ako dito mag isa



Muli akong napaiyak dahil sa naisip ko




Agad kong ginamit ang cellphone ko at dahil alphabetical ang pag kakasunod sa contact na nakalagay sa cellphone, ay nauna kong tinatawagan si Jett







*Ring *Ring *Ring









Wala pang dalawang segundo ay sinagot na nya ang tawag


"Yes Babe?." Paos nyang turan at narinig ko ang ingay sa kabilang linya, parang nasa kumpanya pa sya





"A-Ah, matagal pa ba kayo?" Hindi ko mapigilan mapanguso, kanina pa talaga ako inip na inip


Gusto ko na sila makita at makasama



"Why baby? What's the problem?! Are you hurt?!" May bakas ng pag aalala sa boses nya dahil ngayon lang ako tumawag ng ganon


"W-wala naman!,.....Ah,...n-namimiss ko na kayo." Humina ang boses ko sa sinabi kong huli


"Oh fuck." Nahihirapan nyang sabi


"Wait us baby, we're going home. Iloveyou." Malambing nyang saad







"S-sige, ingat."

Agad kong pinatay ang tawag at kinapa ang dibdib ko

Sobrang bilis ng tibok nito



'iloveyou'

The Santillans' Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon